Lex's POV
"Okay! Hinga lang! Relax!" pagpapakalma ko sa sarili ko.
Naghahanap ako ng timing. Tumitiyempo ako kung paano ko pupuntahan si Cleo, nagbilang ako ng tatlong minuto mula nung umalis si Clark.
"Okay na.. kaya ko to!" kumbinsi ko sa sarili ko.
Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at-
"Hey Cleo!" maang maangan kong bati sa kanya.
"Huh? Ui Clark! ambilis naman!" sagot nya sabay tayo.
"Mabilis ba? tara na.. lets go.." agarang kuha ko sa kamay nya ng makaalis na. Mahirap na at baka bumalik agad si Clark.
"Clark?" kalabit nya.
"Yes?" lingon ko.
"Nagpalit ka ng suit?"
"Huh?"
Napatingin ako sa damit ko. At shoot, di ko to napansin, magkaiba nga pala kami ng suot ni Clark.
"Ah! o-oo eh ha-ha, napansin mo?" pilit na tawa ko.
"Oo naman! saka lasing ka ba kanina? parang bangag eh.. parang sinapian." komento nya kaya parang gusto ko ng lumubog.
"Ah.. ha-ha. Oo eh.. bangag ako kanina.. pero ngayon okay na.."
"Ah... uwi na ba tayo?"
"Uh oo.. may gusto ka bang puntahan?"
"W-Wala naman. "
"Ah. Hatid na kita.. uh.. nga pala Cleo.. pasensya na ha.."
"San?" pagtataka nya.
"Kanina, kasi.. alam mo na.."
"Sus! wala yon! ibibigay ko rin naman sayo ang virginity ko eh! Papaagahin lang natin! " aniya kaya muntik na kong madapa.
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Nandirito na kami ngayon sa parking. Tumingin pa ko sa paligid kung may ibang taong makakarinig sa amin. Kailangan ko syang pagsabihan at baka maulit nanaman ang ganitong sitwasyon. I mean, maari silang magtagpo uli ni Clark.
"Cleo, alright.. ganito.." I said and licked my lip. "Kung sakaling maulit yun ganung sitwasyon eh, kung sakali lang naman, please pumalag ka?"
"Papalag?" bayolenteng apela nya. "Clark! Papalag ako sayo?! Duh no! Its okay..mahal kita eh.."
"Oo nga, pero.. sabi ko nga, pakasal muna tayo diba?"
"Uhh Clark, siguro ayaw mo talaga sa akin noh?" simula ni Cleo. "Siguro kailangan mo pang malasing ng ganun para may mangyari sa atin. Oh edi sige, antayin ko na lang na malasing ka, alam ko namang wala akong appeal sayo eh. Tara na nga, umuwi na tayo.." tampo nya kaya mariin akong napapikit.
I felt it.. something pierced my heart.
"T-Teka Cleo.." hatak ko sa braso nya para iharap sa akin.
"Cleo, ano ka ba naman! sa ganda mong yan, kahit sinong lalaki magugustuhan ka.. pero diba nga, sabi ko sayo, i respect you.. di ikaw yun tipo ng babaeng---"
"Okay okay! i get it! lets just go home!" putol nya sa sinasabi ko.
"Hey, hey.. halika nga!" hawak ko sa mukha nya at ipit ng buhok sa tainga.
"Cleo.. you really want me to have sex with you?" seryoso kong tanong.
"Yes Clark.. I want to.." walang pagaalinlangang sagot nya. "Saka alam mo na, magkaexperience man lang, I'm getting old.. bukod dun, mahal talaga kita eh.." bulong nya kaya napahawak ako sa batok ko.
BINABASA MO ANG
My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)
RomansTwins named after a Superhero and a Supervillian.................the worst part is------ AKO ANG NAKAKUHA NG PANGALAN NG SUPERVILLIAN?! The hell?! Paano nangyari yon? how did my parents know? I think i deserve the Superhero's name more than my twin...