Pasensya na po sa Turtle, Snail at Uod update. Busy sa work eh. Hinabaan ko to para fast paced haha. Thanks
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Cleo's POV
"Dooooc Cleeoooo."
Inangat ko ang ulo ko at nakangusong nakatingin si Kelly. Di ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
"Doc!!"
"Oi Kelly, ano ba? Bakit ba ha?" sipat ko na.
"Dooocc..."
"Ano nga?!"
"I hate you Doc.."
"Hala bakit?!" gulat na reaksyon ko.
"Eh Birthday ko po eh, nalimutan nyo!" aniya kaya napaisip ako.
Ha? Birthday?! oh shoot! Dali dali akong naghalungkat ng mabibigay sa kanya sa drawer ko. May nakita akong kahon na nakabalot pa, ayos sakto! ano ba to?
I checked the card and its from Doc Ed. Nagguilty man ako, binaklas ko ang card, dumampot ng post it at isinulat ang pangalan ko.
Nakalabas pa ang dila ko habang nagsusulat ng "Heypi Berthdey Kelly! from Doc Cleo."
"Hey Kelly! Tada!!!" bati ko sabay harap sa babae.
"Happy Birthday Kelly!!"
"OMG! No way Doc!!" tayo ng babae at hablot sa kahon.
"Doc! OMG! kala ko talaga naforget mo na eh!!"
"Ako?! malilimutan ko?! sus! malimutan ko na birthday ko, wag lang yung sayo noh! pahayag ko.
"Awww thank you doc.." tugon ni Kelly sabay punit sa gift wrap.
Nakaabang din ako habang binubuksan nya dahil maski ako, di rin alam kung anong laman nun.
Nagbubukas pa rin sya ng biglang may pumasok sa opisina ko. Napalingon ako at sht patay! si Ed!
Napatingin sya kay Kelly dahil nagtitili ito.
"OMG OMG OMG!!!! DOOOC I LAV IT!!!!" sigaw nya.
Nakita kong kumunot ang noo ni Ed at tumingin sa akin. He was about to react ng tapakan ko ang paa nya.
"Aray!" sigaw pa nya ng sikuhin ko.
"Youre welcome." ngiti ko kay Kelly at hinatak ko si Ed sa isang gilid.
"Doc Ed, Sorry! birthday pala ni Kelly! nalimutan ko eh, sorry! sorry! babawiin ko rin yung bracelet na bigay mo, promise!" paumanhin ko.
"Psh, hayaan mo na! suot na nya eh!"
"Sorry ulit." ulit ko sabay pilit ng ngiti sa kanya.
"Bumawi ka na lang, date me." casual na sagot niya.
"Utot." sagot ko din in a poker face.
Mariin syang napapikit ng biglang sumingit sa amin si Kelly.
"My Gosh Doc Ed! kaw anong gift mo sa akin?!" banat nya.
Tinaasan sya ng kilay ni Ed at sinabihang "Close tayo? Call me Dr. Salvatore. Tsk, wala kang galang."
Ngumuso si Kelly kaya siniko ko si Ed. Pinandilatan ko sya ng mata at ang sinabi ng mukha ko ay: "Dali ilibre mo na ang bata!"
Nanggigil ang panga ni Ed at sinabing "Fine fine, do you want to eat? hangout? I dont care where basta dapat kasama si Cleo."
BINABASA MO ANG
My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)
RomanceTwins named after a Superhero and a Supervillian.................the worst part is------ AKO ANG NAKAKUHA NG PANGALAN NG SUPERVILLIAN?! The hell?! Paano nangyari yon? how did my parents know? I think i deserve the Superhero's name more than my twin...