Chapter 23: Clark Kent Version 2.0

5.3K 140 31
                                    

Clark's POV

Ako na ang mukhang tanga kakaayos sa mga kagamitan dito sa condo na binigay ni Dad.

Ang totoo nyan, sampung beses ko ng inilipat lipat ng pwesto yung vase at limang beses ko na rin kinaladkad yun sofa kung saan saan.

Ni hindi ko alam ang nararamdaman ko. Am I excited or am I just damn worried na baka di magustuhan ni Cleo ang furniture set up ko.

I barely know her at alam kong mas alam ni Lex ang gusto nya. As if naman makukuha ko ang opinyon ng lalaking yon noh?

I settled the vase near the aquarium and exhaled.

"Whew! Diyan na yan! Perfect!" bulong ko sa sarili ko tumunog ang doorbell.

Lumundag ang puso ko dahil alam kong si Cleo na yon.

I checked myself in the mirror at fixed my hair.

Pumunta ako sa front door at ngiting ngiti ko itong binuksan.

Yun nga lang, mukha ni Lex ang bumungad sa akin.

Nawala ang ngiti ko at sya naman ang mapang-asar na ngumisi.

"What are you doing here?" sipat ko sa kanya.

"Hinatid ko lang si Cleo." malumanay nyang sagot sabay sulpot ni Cleo sa likod nya.

"Hello!" kaway nya na nagpadismaya sa akin.

Yun lang?! Hello?! Ano ako telepono?! Wala man lang beso or Hi future Hubby?!

Gayunpaman, nginitian ko na lang. Do i look like a jerk now? Halos ibaba ko na ang ego ko para kay Cleo.

She turned her back on me and talked to Lex instead.

"Kung may problema tawagan mo ko agad ha." banat ng lalaki kaya kumunot ang noo ko.

Anong problema ba ang tinutukoy nya? Kung may problema man, sya yun.

"Idadaan ko si Lucas mamaya pagkasundo ko sa kanya sa eskwelahan." dugtong pa nito kaya nagsalita na ko.

"At bakit ikaw ang susundo kay Lucas? Ako ang tatay tatayan ng bata kaya ako susundo sa kanya." igting bagang na apela ko.

"Clark! Let Lex do this! Makakasama mo naman si Lucas dito sa bahay." sipat ni Cleo kaya napasimangot ako.

Oo na! inaamin ko na! Ako na ang O.P ako sa kanilang dalawa!

Nagpaalaman na sila at humalik pa si Lex sa kamay at pisngi ni Cleo. Wala naman akong magawa kundi pakalamahin ang sarili ko.

Easy ka lang Clark. Pagkasara ng pintuang yan, sayo na si Cleo. isip isip ko.


The door closed at last but before I can say anything, Cleo left.

Hinabol ko sya at huminto naman sya para harapin ako.

"Oo nga pala."

"Ha?"

"Yung mga gamit ko nasa entrance sa baba, pakiakyat na lang ha." tugon nya kaya halos malaglag ang panga ko.

Iaakyat ko?! Ano ako?! bellboy?!

Hindi ako gumalaw kaya inulit nya.

"Hindi mo pa ba kukunin?" mapang-asar na banat nya kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa elevator.

My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon