Cleo's POV
"Wifey!! Dito na lunch mo!!"
"Ep palaka!"
Kasalukuyan akong nagsusulat at lumagpas sa papel ang sinusulat ko. Kahit kailan talaga di na ko nasanay.
Clark comes by everyday just to bring me lunch. Lumalabas sya sa opisina para lang sabay kaming mananghalian. It actually sounds lame to me. Imagine, sayang sa oras at sa gas right?
I know he's trying to be sweet. Di ako manhid para di maramdaman na bumabawi sya.
Weve been doing this eversince. And in fairness to him, nag-click naman ang ugali namin.
Ilan buwan na ba mula nun?
Napatingin ako sa kalendaryo at shoot! Bayolente akong napatayo! Today's date was marked red by me.
I cant believe this! pangatlong buwan na! In fact, its our last day today!
Dire diretso si Clark sa pantry kaya di ko na sya naharap pa. Dali dali din namang lumapit si Kelly para bumulong.
"Shet Doc, dedicated much si Papa Clark ha!" sitsit nya kaso natulala ako.
Di ako makapaniwalang huling araw na namin ni Clark.. my heart is throbbing inside. Why am I feeling like this? Naguguluhan ako.
Im feeling sadness. Is it because its our last day or I just pity him. Pity in a way na alam kong maiiba ang routine ng buhay nya pag nawala ako.
Mula noong nagsama kami ni Clark, nakita ko ang pagbabago nya. Alam nyo yun? he even gave up his cigarette and alcohol habit for me.
Bukod dun, he's always been happy and a good father to Lucas.
"Uy doc! Tulala much?" siko sa akin ni Kelly kaya nabalik ako ulirat.
"Bakit ba doc?" usyoso pa nya kaya napabuntong hininga ako.
"Last day na namin. Di ko man lang namalayan." bulong ko kaya nagpakawala sya ng pilit na ngiti.
Inakbayan nya ko at binulungan.
"Bakit ka malungkot? Di ba dapat masaya ka? Makakalaya ka na." komento nya kaya lipad utak akong tumango.
Oo nga naman. Sa wakas. I'll be free. Yun naman ang gusto ko diba?
Napatingin ako sa daliri kong may singsing na binigay ni Lex at napaisip.
Im actually still hanging onto Lex all this time ng di namamalayang tinatali ko na rin pala si Clark sa sarili ko.
Honestly now? Parang ayoko din pakawalan si Clark. But its a different feeling. Im not being selfish to claim two men.
Yung pakiramdam lang na pag pinakawalan ko si Clark, natatakot akong bumalik sya sa dati. Ngayon nakikita ko na kung ano ang pinupunto ng Tatay nya.
Im responsible for who he is now and I want him to stay that way.
"Wifey!" biglang bungad ni Clark sa pantry.
May dala syang tray at nilapag sa lamesa ko.
"Oi Kelly, tinirhan kita dun. Lantakan mo ah." banat nya dito kaya ngumuso ang babae.
"Ganon? Pag tira tira sa akin?! Hmp!" tampo nya ngunit pumunta din naman sa pantry.
Clark settled down to feed me.
BINABASA MO ANG
My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)
RomanceTwins named after a Superhero and a Supervillian.................the worst part is------ AKO ANG NAKAKUHA NG PANGALAN NG SUPERVILLIAN?! The hell?! Paano nangyari yon? how did my parents know? I think i deserve the Superhero's name more than my twin...