Clark's POV
Napapailing ako habang nakatingin kay Lex na depressed pa rin hanggang ngayon. Ni hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Cleo nun araw na yon at naging ganito sya kastressed out.
Ever since that day, he had not said anything. Minsan nga kinikilabutan na ko at bumubulong syang magisa, he's really creeping me out.
Ilang linggo na ba mula nun araw na yun? 3 weeks? Oo 3 weeks.. tatlong linggo na naming hindi nakikita si Cleo. Ni anino nya wala.
Kahit sila Mama at Lola ay nagtataka na sa kinikilos ni Lex. They even asked me why pero nagkibit balikat lang ako. I tried to ask and talk to him pero iniiwasan nya ko at nagkukulong lang sya sa kwarto.
Sobra na to. Pag ako talaga di nakapagpigil, kokomprontahin ko na si Cleo! Ang lupet ng ginawa nya kay Lex! If only she knows how much Lex love her.
Napatingin ako kay Lex dahil tulala syang nagsasaling ng dressing sa salad nya. Mukha ng sinigang yung salad dahil nalulunod na sa sabaw.
"Hey Lex." tawag ko sa kanya.
Tumingin naman sya akin at nagantay sa susunod kong sasabihin. Kinuha ko na lang yung plato nya at sinabing wag na nyang kainin dahil nakakadiri na.
Iniyuko na lang nya ang ulo nya sa lamesa at nanahimik. Umiling na lang ako at tumabi sa kanya.
"Lex... uhh.. if theres anything that i can do, please tell me." bulong ko pero winagayway lang nya ang kamay sa paraang pinapaalis ako.
This cant be. This should be the perfect time to payback my debts.. kung kinakailangang kidnapin ko si Cleo, gagawin ko.
Tinignan ko ang relos ko at alas otso na ng gabi. Sinabihan kong matulog na si Lex at umakyat na ko sa kwarto ko.
I picked up my phone and dialled Cleo's number.
"Atlis nagrring.." bulong ko sa utak ko habang nagaantay na sagutin nya.
Matapos ang maraming ring, naputol na ang linya at di ko na sya nakontak ulit. Lintik talaga yang si Cleo oh! Anong gusto nya?! Magpakamatay si Lex?!
-------------------
Umaga na at agad kong pinuntahan si Lex pagkagising. I entered his room but he's nowhere to be found.
Bumaba ako at nakasalubong si Yaya. Sinabi din nyang maagang pumasok si Lex sa trabaho.
Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa mga nangyayari sa amin. Hindi lang si Cleo at Lex ang nasira, kahit kaming dalawa, sira na.
Kasalanan ko to eh, its all my fault, dapat sa una pa lang pinaubaya ko na si Cleo kay Lex.
Oo, mahal ko si Cleo, pero mas mahal ni Lex si Cleo. Theyre better off with each other.
Hindi na ko nagalmusal at sa halip sumakay na ng sasakyan ko. Nagiba ako ng daan dahil pupunta ako sa ospital nila Cleo. Humanda ka sakin Cleopatra, I'm gonna drag your ass right here if needed!
Narating ko na ang ospital at agad namang namataan si Ed na tarantang nagccontrol ng dugo dun sa lalaking putok ang ulo. Nakita nya ko at sinita.
"Oi Lex!" hiyaw nya. Sus, mamimili na nga lang sa dalawa, yung mali pa!!
"Im Clark dude!" banat ko sa kanya at di ko na pinansin pa, busy ang mga mata ko sa paghahanap kay Cleo.
BINABASA MO ANG
My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)
RomanceTwins named after a Superhero and a Supervillian.................the worst part is------ AKO ANG NAKAKUHA NG PANGALAN NG SUPERVILLIAN?! The hell?! Paano nangyari yon? how did my parents know? I think i deserve the Superhero's name more than my twin...