Genre: Action
Word Count: 1491
"CYRUS! What is the meaning of this?" Marahas na hinaklit ni Andi ang braso nang kasintahan.
"Katulad ng narinig mo, X-Force is disbanding."
"Pero bakit nga!" nanggagalaiti talaga siya pero pinipigilan pa rin niya ang sarili na huwag itong kantiin.
"We've been infiltrated, Andi at hindi ko alam kung sino sa'tin sa grupong ito ang traydor kaya bago pa mapaslang ang ating buong puwersa, mas mabuti pang tapusin na natin ang grupo."
"Hindi ako makapapayag! This is my home now and you know that. I can't let this go. Please Cyrus, don't do it?" pagmamaka-awa niya.
Matiim siyang tinitigan ng malalim nitong mga mata. Napansin niya ang balbas nitong mga bagong tubo. Maging ang mahaba nitong buhok ay wala sa ayos. Ito ang leader ng X-Force. Ito rin ang nagligtas sa kaniya mula sa masasamang kamay nang sindikatong kumidnap sa kaniya para gawing prostitute.
"Sorry, Andi...my decision is final." Tinalikuran siya nito.
"Hindi! Ayaw ko!"
"You don't have a say in this group. Tatandaan mong ako pa rin ang batas sa grupong ito at sa'kin ang huling salita. Kasintahan kita pero huwag mong ipilit ang nais mo. Para sa'ting lahat ito."
"Dammit, Cyrus!"
"Go and pack all your things. Maaga pa tayong aalis bukas."
***
Andi felt so betrayed. Nangako si Cyrus na mananatili ang X-Force habangbuhay. Nang mamatay ang magulang sa isang aksidente, si Cyrus ang tumulong sa kaniya. Nalaman niya ang katotohanan nang sumapit siya sa kaniyang eighteenth birthday.
Ang mga magulang nila ang nagtatag ng X-Force. Namatay ang mga ito sa isang engkuwentro sa mga sindikatong nakalaban nila. Ang X-Force ay isang grupo ng mga vigilante, tumutulong sa mga napagdamutan ng hustisya kaya sila ang humahatol gamit ang kanilang grupo. At ngayon nga'y sila na ang nagpapatuoy nito subalit...
Hindi niya matanggap na mawawasak ang grupo. Ito na ang kaniyang pamilya. Hindi siya papayag na mawalan uli niyon.
***
"Where the hell is Andi?" malakas na sigaw ni Cyrus.
Galit ito dahil hindi natupad ang kaniyang plano. Dapat ay wala na sila rito. Hindi sila dapat naririto pa. Delikado! Mamamatay silang lahat!
"Kung gusto mong umalis, umalis kang mag-isa, Cyrus." Lumitaw siya mula sa pinagtataguang lumang pader na gamit nila para sa gun shooting practice.
"What the heck are you talking about?" nagtagis ang bagang nito.
"Leave if you want. Hindi namin kailangan ang isang duwag na pinuno. Lalaban kami hanggang sa huling hininga namin, hindi ba mga kasama?" sigaw niya sa mga kasamahang nakapalibot sa lumang building.
"Oo! Lalaban tayo! Hindi tayo susuko at paaapi! Tayo ang X-Force at tayo ang nagbibigay hatol sa mga taong umaabuso sa batas!" sigaw ng mga kasamahan nila.
"Narinig mo, Cyrus...mananatili kami rito kaya umalis ka kung gusto mo," matigas niyang sabi.
"Don't do this, Andi. Mamamatay tayong lahat kapag nagmatigas ka, kayong lahat! May darating dito para tayo paslangin. Iyan ang intel na natanggap ko kaya kailangan na nating umalis!"
"Hindi! Sabi mo may traydor dito sa grupo, pero lahat ng intel ay sa'yo lang napupunta, bakit? Hindi kaya't...ikaw ang traydor, Cyrus?"
"Andi!" lalong bumakas ang galit nito.
BINABASA MO ANG
Second Wave and Round 2 Entries
Short StoryGusto lamang naming batiin ang lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras sa paggawa ng mga akdang ito! Mabuhay! Ngayong araw nga'y magsisimula na ang judging natin. End of judging: March 5, 2016 Posting of results: March 6, 2016 CRITERIA: Content:...