Genre: Action
Word count: 1497 words
Bawat hakbang mo ay kalkulado, tila ba kay tagal mo na itong pinagplanuhan na siya ngang iyong ginawa. Sinisilip mo bawat madaanan para tiyakin na walang tao at walang makakapansin sa iyong pagpasok. Tiyak at tuloy tuloy ang iyong paglakad patungo sa isang silid kung saan nakalagak ang mga bagay na iyong kailangan.
Napatigil ka sa iyong paglakad nang pagtingin mo sa kaliwang pasilyo na dapat ay lilikuan mo ay may nakita kang bantay. Dahang dahan kang lumapit habang siya'y nakatalikod, at ng makalapit ka na mabilisan mong tinkpan ang kanyang bibig kasabay ng mabilisan ding pagpilipit sa leeg nito na naging dahilan para mawalan siya ng malay. Ang mga bantay sa gate at sa labas ng bahay na una mo nang dinaanan ay parareho ng walang malay, isa-isa mo kasi silang pinatumba ng walang kahirap hirap.
Akmang hahawakan mo na ang seradura ng may maramdan kang nakatutok sa ulo mo. Napabuntong hininga ka kasabay ng pag-ikot ng mga mata. Lumingon ka ng nakataas ang iyong mga kamay. Lilinlangin mo siyang sumusuko ka na.
"Sino ka?" tanong niya sa'yo.
"Wala kang pakialam!" sagot mo kasabay ng paghawak sa kamay niyang may baril. Inikot mo 'yun kasabay ng pagtadyak sa pagkalalaki niya na naging dahilan para mamilipit siya sa sakit.
Itinutok mo sakanya ang baril na inagaw mo sakanya.
"Pasensiya na," sabi mo kasabay ng pagbaril mo sakanya.
Itinuloy mo na ang iyong plano. Pinihit mo na ang seradura at bumukas ang pinto. Tumambad sa'yo ang isang kwartong walang anomang gamit. Sa unang tingin ay isa lamang itong ordinaryong silid na walang laman ngunit sa isang maling hakbang lang, maaring mamatay ka.
Ikaw si Sarah at katulad sa palabas sa telebisyon, ikaw ay minsang naging prinsesa. Ngunit sa kasakiman at kasamaan ng ibang tao, ang minsang masagana't tahimik mong buhay ay naging parang bangungot. Sa isang iglap, nawala lahat sa'yo ngunit ang higit na mas masakit ay nawala sa'yo ang iyong pinakamamahal na pamilya. Pinaslang sila sa harap mo noong ikaw ay labing isang taong gulang lamang, hindi ka kabilang sa pinatay ngunit parang impyerno na din ang dinanas mo ng walang awa kang ginahasa nila. Pakatapos ng pangyayaring 'yon, ikaw ay natagpuang tulala ng mga pulis na nakadiskubre sa krimeng nangyari. Kapag sinusubukan kang hawakan, ikaw ay sumisigaw at nagwawala. Sumama ka lang ng isang babaeng imbestigador na ang humawak sa kamay mo. Dinala ka nila sa bahay ampunan. Doon ay walang nagbago, lagi ka lang nakatingin sa kawalan minsan nama'y papalahaw ka ng iyak at magwawala. Paulit ulit mo kasing naalala ang masalimuot na pangyayari. At ang katotohanang hindi man lang sila nanagot sa batas.
Nang minsang alukin kang maglaro ng chinese garter at tumanggi ka, ika'y kanilang inasar at dahil ika'y nagalit, hinawakan mo ang kamay nang isa at madiing kinagat. Hindi mo dininig ang pagsigaw at pag-iyak niya. Naramdaman mo na lang na may humahatak na sa'yong isang social worker para pakawalan mo ang kamay niya. Nalasahan mo ang dugo at doon mo lang napagtanto na napasobra nga ang ginawa mo pero imbes na humingi ka ng tawad ay ngumiti ka pa at pabalang na pinunasan ang bibig mo bago umalis, tinatawag ka nila ngunit hindi ka man lang lumingon.
Simula noon ika'y nangako na wala nang aapi pa sa'yo. Hindi ka na ulit magiging mahina, hindi ka na maalipusta at mapagsasamantalahan ng iba.
Nang ika'y tumuntong ng trese anyos ay tumakas ka sa ampunan na iyon dahil alam mong hindi mo doon makukuha ang hustiya. Ipinangako mo din kasi sa mga magulang mo na gaganti ka at kakamtin ang hustiyang nararapat sainyo.
Lumaki ka sa lansangan, araw-araw kang nakikipagbuno sa marahas na landas ng buhay. Naranasan mo ng magkapasa dahil pilit na inaagaw sa'yo ng kapareho mong pulubi ang pagkaing kinalkal mo lang sa basura, at dahil gutom na gutom ka na ay ipinaglaban mo 'yun kaya ka nasuntok at nagkapasa. Minsan pa nga ay nahampas ka na dahil sinubukan mong magnakaw dahil din sa pagkulo ng tiyan. Ang bawat hampas at suntok na natatanggap ng mura mong katawan ay ininda mo. Sa isip mo'y nakatatak na wala pa ito sa naranasan mo sa mga kamay ng mga halang ang kaluluwa na tumangay sa'yo ng lahat, maging ng kamusmusan mo.
BINABASA MO ANG
Second Wave and Round 2 Entries
Short StoryGusto lamang naming batiin ang lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras sa paggawa ng mga akdang ito! Mabuhay! Ngayong araw nga'y magsisimula na ang judging natin. End of judging: March 5, 2016 Posting of results: March 6, 2016 CRITERIA: Content:...