Entry 17:Frozen Heart

76 3 4
                                    

Genre: Fantasy

Word count: 1492 words


Isang maliwanag na ilaw ang tumambad sa aking harapan. Sa liwanag na iyon ay nakita ko ang isang napakaperpektong hubog ng katawan at kalaunan ay nakita ko rin ang napakaperpekto niyang mukha. Palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa mga isang pulgada na lang ang pagitan namin.

"I'm Hugh, and I will be the one who'll melt your frozen heart..." and he gave me a k—

"Sige, pupunta na'ko riyan. Okay, bye." Sabi ko at binaba ko na ang tawag. Si Bill iyon, ang leader ng gang namin. May panibagong fight na naman daw kasi kaming pupuntahan.

Totoo iyon. Sumasali kami sa mga gang fights at pati babae ay nakikipaglaban din. Syempre goal ng isang gang ang manalo dahil pride ang nakasalalay rito.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng coffee shop kung saan ako tumambay. Habang naglalakad ako ay may batang pulubi na namalimos sa akin. Nakakainis naman 'tong batang 'to oh. Nasaan ba iyong kasama nito? Pwes, di tatalab ang kawawa mong sitwasyon dahil wala akong kinakaawaan.

"Tumabi ka nga! Paharang-harang ka sa dinadaanan ko. Bwisit!" Galit kong sabi sa bata. Nakita ko iyong bata na parang iiyakna pero nilagpasan ko pa rin siya. Distorbo kasi eh. Bahala siya, buhay niya iyan.

"'Di mo ba alam na ang ginawa mo sa bata ay hindi mabuti?" Nabigla ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. Bigla naman akong lumingon at nagulat nang Makita ulit ang lalaking nasa aking panaginip, si Hugh.

"Eh paki ko ba? Hindi naman ikaw iyong bata eh." Sumbat ko sa sinabi niya kanina. "At sino ka naman?" Hinarap ko na siya.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino at ano ako?"

"Obvious ba?"

"Pwes, sumama ka sa'kin at huwag kang pumunta sa gang fight niyo."

"Aba't---" Tututol pa sana ako nang hilahinniya ako papunta sa hindi ko alam na lugar.

"Isa akong supernatural, parang anghel ba, na ipinadala mula sa itaas."

"Supernatural? Anghel? Huh, so ako pala ano? Demonyo?" Natawa ako. Pramis.

"Perhaps oo." Tumawa siya ng kaunti. "Pinadala ako rito sa mundo niyo para sa isang misyon, at ang misyon kong iyon ay ikaw."

"Ano naman ang kinalaman ko sa inyo? Pero sige nga, para maniwala ako sa mga sinasabi mo, patunayan mong isa ka ngang supernatural." Hamon ko sa kanya.

Hindi ko na mawari pa ang sumunod na nangyari. Gumawa siya ng mga bagay na hindi magagawa ng ordinaryong tao. Marami pa siyang mga ginawang kakaiba nang makarating kami ng bahay at nagkulog sa kwarto ko. At sa mga ipinakita niya pang mga iyon ay naniniwala na ako.

Sa lumipas na mga araw, naging komportable na ako sa presensya ni Hugh. Noong una nagtataka ako kung natutulog ba ito o kung saan siya tumitira pero napagtanto ko na isa pala siyang supernatural.

Sinabi rin niya sa'kin kung bakit ako ang kanyang misyon. Ito raw ay para baguhin ako. Baguhin ang aking ugaling hindi maganda. Sabi niya pa nga, "I will melt your frozen heart."

Napapansin ko ring may progress ang kanyang misyon dahil kahit papaano'y binibigyan ko na ng pansin ang mga bata sa lansangan. May mga araw na binibigyan ko sila ng pagkain o kung ano man diyan. Paano naman kasi nangongonsensya ang kasama ko. Tinuruan niya rin akong magdasal ulit, at matapos ang mahigit sampung taon ay nakatuntong ulit ako sa simbahan. Nagbiro pa nga si Hugh na mabuti raw at hindi ako nasunog. Nagagalit na rin nga si Bill at ang iba kong mga kasamahan sa gang dahil bihira na lang ako nakakadalo sa mga gang fights.

Second Wave and Round 2 EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon