Entry 12:The Love App

88 4 1
                                    

Genre: Sci-fic

Word: 1490 words


"Tama na Henry, utang na loob tigilan mo na ako! Tapos na tayo, pasensiya na. Hindi na talaga kita mahal."

"Ano ngayon? Sino ka ba sa tingin mo Angelou? Ikaw ang nanloko, hindi ka kawalan!" sigaw ko sa aking sarili.

Nagsimula nang lumabas ang credits ng pelikula, pang-apat na beses ko nang pinanuod ang movie na 'to at hindi pa rin nagbabago yung pakiramdam ko sa bawa't hugot line na binibitawan nila.

Masakit pa rin, relate na relate ako sa kwento nila! It seems like it's my love story with my ex-girlfriend Larra.

Pinagpahinga ko muna yung television, kumuha ng kaunting chichirya at inalis sa saksakan ang charger ng full-charged kong cellphone. Umupo ako sa sofa at sinumulan nang kalikutin ang cellphone ko.

Pumunta ako sa play store upang maghanap kung ano ang mga patok na application ngayon. I was scrolling down when an application named "My Love App" caught my attention.

Agad ko 'tong pinindot at bumungad saakin ang mga salitang ito:

Hopeless Romantic? Bitter? Searching for the love of your life? The long wait is over! The Love App is here! An application perfect for everyone finding the love of their lives!

Grabe, akong-ako 'tong inilalarawan nila dito sa description! Tinignan kong mabuti yung app, two weeks ago pa lang since inilabas ang application ng creator nito. Mayroon itong 15 downloads, no rating and comments.

This app is making me curious! Agad ko nang pinindot yung download button, hindi naman ito tumagal ng sobra dahil mabilis naman ang internet namin.

"Welcome to The Love App!" saad ng isang electronic na boses, matapos kong ma-install yung application. Lumitaw ang isang box na nagtatanong ng tamang oras, agad ko naman tinignan ang orasan at inilapat ang tamang oras sa application: 6:08 pm, February 07, 2016

Light lang ang atmosphere ng application, messaging form yung itsura nito kaya hindi naman gaano magulo tignan. Sinimulan ko nang pag-aralan kung paano gumagana ang application ng biglang mayroong lumabas na message box, nakasulat dito ang salitang speak.

Speak? Hindi naman masamang subukan hindi ba?

"Hi! I am Brendan Satiño and you are?" saad ko at nag-abang kung sasagot ang app.

"Hello Brendan Satiño, this is the love app! Please fill up the form below, make sure that you answer it honestly so that we can give you the best service you deserve to have!" saad ng application. Bigla namang lumitaw yung form at agad ko itong sinagutan.

Love Application Form:

Name: Brendan Satiño

Gender: Male

Name of desired partner: Larra Encinares

Gender: Female

Topic Key (Please be reminded that if this word will be said during the talk, it will triger the conversation): Past Relationship

Language: Tagalog

Enter Terms and Conditions

Matapos kong sagutan yung form ay agad ko nang pinindot ang enter button, hindi ko na binasa yung terms and conditions dahil pare-pareho lang naman ang sinasabi ng mga yan. I cannot wait to see kung ano ang kalalabasan nito!

"Brendan! Kamusta ka na? Ako 'to si Larra, do you still remember me?" biglang bigkas ng application. Nabawasan yung pagiging monotonous ng boses compared kanina sa unang babaeng nagsalita, at kung hindi ako nagkakamali; kaboses na kaboses niya si Larra.

Second Wave and Round 2 EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon