Genre: Fantasy
Word Count: 838 words
Sa pagsilip ng bukang-liwayway, hudyat na may isang dakilang liwanag ang magbabadya upang maliwanagan ang sangkatauhan sa paparating na sigalot tungo sa lugar na kadakilaan sa buong atlantikong Mhurfia.
Maririnig ang napakalakas na ritmong tunog ng kampana na siyang nagsisilbing hantungan sa pagitan ng mga buwayang lubod tungo sa kaibigang karnal hanggang sa sila 'y magiging hawak sa ilong na lamang.
Ngunit paano kung ang lahat ng ito 'y siya ring ating hinahalikan sa yapak? Hanggang sa unti-unti tayong magiging basang papel sa kanlungan at tuluyan na ngang hahalik sa lupa.
"Maestro, hindi ko na naiintindihan ang mundo. Masyado na nilang pinapabayaan ang inyong sariling nilikha. Wala pa rin po ba kayong gagawin?" Ang mga usok na lumalabas mula sa mga paso sa magkabilang gilid ng kanyang luklukan ay sapat lamang upang 'di maaninag ang mukha ng Maestro.
"Magpapadala ako ng mga kawal upang paslangin ang problema sa pagitan ng mga bansa," sagot ng Maestro.
Lumiwanag ang kalangitan. Nagsilabasan ang mga kawal ng Maestro upang pigilan ang nagbabadyang mga mapaglubid ng buhangin sa bawat kasapi ng mundo.
"Master Hesya, anong bansa ang uunahin nating pigilan?" bungad ng isang kalihim. Nasa himapapawid silang lahat - ang mga kawal. Nagsisilabasan ang mga mapuputing pakpak habang napapalibutan ng mga kulay kahel na kapangyarihan.
Nasa ibaba nila ang hitik na hitik na mga bansang isang kahig, isang tuka laban sa mga bansang bulanggugo. Walang kalaban-laban. Pinapatay.
"Kailangan nating mag-ingat, Pablo. Ang sabi ng Maestro, itigil lang natin ang sigalot nang walang marahas na pagpipigil."
"Pero Master Hesya, masyado nang namamatay ang isang bansa. Hindi na natin kaya pang pigilan ito nang walang nasasaktan."
"May kapangyarihan tayo, Pablo. Hindi puwedeng suwayin ang nagmamay-ari ng lahat. Sumunod na lamang tayo."
At inilipad na ng kanilang mga pakpak ang sarili upang makapaghandang tulungan ang mga naghihirap sa laban.
Sa kabilang banda, alam na ni Maestro ang lahat.
"Matatamaan sila ng mga ligaw na bala, galing sa isang bansang walang awa sa sariling bansa. Unti-unti silang babagsak sa lupa at babalik sa pinagmulan hanggang sa maging isang magiting na kawal na naman."
Mabilis ang pagtakbo ni Nasyo patungo sa kinatatayuan ni Maestro.
"Maestro, masamang balita. Kani-kanina lang ay biglang tinamaan ng mga balang ligaw ang mga kawal galing sa bansang Paris. Maestro, masyado nang nagkakagulo ang lahat. Ikaw na lang ang makapagbibigay ng pag-asa."
"'Wag ka munang mangamba, Nasyo. Dalhin sa ibaba ang mga magigiting na mandirigma. Hindi pupuwedeng gamitin ang armas sa mga bansa. Dalhin n'yo ang mga salitang magpapalinaw sa kanilang mga isipan. Sa gayon, magkakaunawaan ang lahat. Iyon ang kanilang kailangan." Nangangamba na si Nasyo.
"Pero maestro, kulang na tayo ng mga mandirigma. Paano kung sumalakay si Hudas? Paano kung binibigyan lang natin sila ng pagkakataong tayo naman ang paslangin? Natatakot ako, Maestro."
Ngumiti ang Maestro. Bumandang gilid ang mga usok at nakita ang kanyang kulay puting mga ngipin. Ngunit hindi ang kanyang mukha.
"Hindi 'yan mangyayari, Nasyo. Magtiwala ka lang."
Kita ang pangamba ni Nasyo. Ngunit sinunod niya ang panuto ng Maestro at naglayag patungo sa mga mandirigma gamit ang kulay asul na mga ulap. Napatingin siya sa ibaba, napaiyak nang lubusan.
"Ano?! Pinapapunta kami ng Maestro sa lupa? Sino ang magbabantay para sa inyo? Para sa kaharian n'ya?" Sa tono ng pananalita, mukhang hindi nga papayag ang kataas-taasan sa mga mandirigma. Ngunit nang mapagtantong si Maestro ang tumugon, kailangan nilang sumunod. Hindi nila alam kung ano ang ikabubuti.
"Sige, masusunod." Lumabas ang kanilang mga pakpak at ibang kulay ang nakapalibot rito; kulay ng kalikasan - berde.
Ginawa na nila ang lahat. Sinulong ang kabahayan ng mga bansa upang iparating ang kanilang nais - nagbigay impormasyon na kailangan nang baguhin ang sistema ng lahat. Nagbigay ng suhestiyon, inihayag, ngunit hindi naman pinakinggan. Walang naniniwala.
Hanggang sa alam na ng maestro ang lahat. Hindi na siya magtataka kung ang lahat nang ito 'y kanyang babawiin: dahil sa mga mapang-abusong bansa na itinali nila ang dila ng sariling bansa upang walang katotohanang ilalabas; ililista sa tubig ang lahat; habang ang mga tagasunod niya ang susugba na sa ningas; isang bakol na ang mukha. Dahil sa mga masasama, mapanghikayat, gahaman, at sa mga lawit ang pusod.
Ano na ang mangyayari sa mga kababayang tulog na lukan? Maaaring maisasalba lang natin sila kung tayo ay magsasama-sama at magkakaisa. Walang nagkakagulo't tayo 'y nagkakaunawaan. Umaga na at umaasa kaming uunlad ka sa iyong piniling larangan lalo pa nga't umaalingawngaw ang nalalapit mong tagumpay.
Maaaring gagawin na ng maestro ang hindi mo aasahan sa kanya. Uugong ang hanging dala ng malakas na bagyo. Hahampasin tayo ng nakasisilaw na kidlat. Liliparin tayo, doon sa lilim. Hanggang ang kulay na ating makikita - dilim na lamang.
"Maestro, anong ginagawa ninyo?!" Gulat na si Nasyo.
"Isang katipunero ang nagbunot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan."
"M. . . Maestro. . ."
"Ngunit ang buhay ay dilim at liwanag, ahon at lusong ang tinatahak na landas."
Natahimik si Nasyo.
"Sa panahong ito, masama ang siyang mariwasa at ang mabuti ang siyang maralita."
. . .
"Lahat may hangganan, Nasyo. At ito na ang pagkakataon. . ."
Ang kaawa-awang tsinelas ay tinangay na ng aso. . .
BINABASA MO ANG
Second Wave and Round 2 Entries
Historia CortaGusto lamang naming batiin ang lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras sa paggawa ng mga akdang ito! Mabuhay! Ngayong araw nga'y magsisimula na ang judging natin. End of judging: March 5, 2016 Posting of results: March 6, 2016 CRITERIA: Content:...