Genre: Fantasy
Word count: 1492 words
"Sirea! Huwag ka nang magtago."
Lalo ko pang siniksik ang katawan ko sa loob ng kweba nang marinig ko ang boses ng kapatid kong si Eros.
"Sirea! Nag-aalala na sa'yo si Ina."
Hindi ako kailan man hahanapin ni Ina. Hindi niya ako kailan man matatanggap.
Lumabas ako nang marinig ko ang pagaspas ng papak ni Eros. Umalis na siya.
Lumakad ako patungo sa gintong talon. Agad akong sinalubong ng mga paru-paro na lumilipad. Mga ibon na humuhuni. Nakakainggit ang pagiging masiyahin nila.
Umupo ako sa gintong bato at nilubog ko ang paa ko sa tubig. Malungkot akong napangiti nang makita ko ang repleksyon ko sa gintong tubig. Makapal ang aking kilay. Hindi pantay ang aking mga ngipin. Malapad ang aking noo. Kailan kaya ako magiging kaaya-aya sa mata ng iba? Naturingan pa man akong anak ni Aphrodite ang Diyosa ng kagandahan at ni Hephaestus ang Diyos ng apoy. Siguro kaya ako naging kakaiba sa lahat ng anak ni Aphrodite kasi nabuo ako na walang pagmamahal na namamagitan sa magulang ko.
Tumayo ako at inilabas ko ang aking pakpak. Pinagaspas ko ito at pilit lumipad. Kumpara sa pakpak ni Eros, mabigat ang pakpak ko kaya hndi ito kaya ng katawan ko. Buti pa si Eros malayang nakakalipad. Ilang segundo lang ang itinigal ko sa himpapawid dahil agad akong nahulog.
Nagpagulong-gulong ako sa lupa. Unti-unting nagdilim ang paningin ko.
Naramdaman ko ang kirot ng katawan ko nang dinilat ko ang mata ko. Dahan-dahan akong tumayo.
"Sandali!" May isang lalaki ang biglang sumulpot kung saan.
"Sino ka?" Hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Umiling ako.
"Nasaan ako?"
"Narito ka sa munti kong bahay." Nilibot ko ang aking paningin.
Gawa sa kahoy ang bahay niya. Maliit ito ngunit napapaligiran ito ng nagliliparang kulisap. Nakakamangha.
"Nakita kong nahulog ka mula sa himpapawid. Anong nangyari?"
"Hindi kinaya ng katawan ko ang pakpak ko."
"Pwede ba "yun?"
"Sa kaso ko, oo." Ngumiti ako.
Napansin ko na gusto niyang magtanong ngunit hindi niya sinubukan.
"Aalis na ako."
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako.
Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas na kami.
"Salamat." Taos puso akong ngumiti sa kanya.
Malaya kong napagmasdan ang pagmumukha niya dahil sa sikat ng araw. Makinis ang mukha niya. Matangos ang kanyang ilong at mahaba ang pilik mata niya. Manipis din ang labi niya, halos wala ka nang maipipintas sa kanya.
"Mas lalo kang gumanda dahil sa sikat ng araw." Tumawa ako nang napakalakas.
"Malabo ba ang mata mo?"
"Maganda ka naman. Hindi lang alam ng iba."
"Nababaliw ka na."
"Maganda ka. Na sa'yo na lang kung maniniwala ka."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Ikaw ang kauna-unahang nagsabi sa akin ng mga katagang iyan."
BINABASA MO ANG
Second Wave and Round 2 Entries
Historia CortaGusto lamang naming batiin ang lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras sa paggawa ng mga akdang ito! Mabuhay! Ngayong araw nga'y magsisimula na ang judging natin. End of judging: March 5, 2016 Posting of results: March 6, 2016 CRITERIA: Content:...