Chapter 4

544 11 0
                                    

SA ikalimang araw ko bilang alalay ng bad boy, nahipan yata siya nang masamang hangin, isinabay ako sa kotse pauwi—hindi kami nakarating nang ligtas. May tumawag sa kanya sa cell phone at bigla ay nag-iba na ng direksiyon ang kotse. Hindi na kami pauwi. Halos isang oras kaming nagbiyahe hanggang narating namin ang isang abandonadong lote—naroon at naghihintay ang tatlong lalaki na mga kaedad lang ni Ross, sa tingin ko ay out of school youths. Parang mga teen gangsters. Hawak ng isa sa tatlong lalaki ang isang babaeng magulo ang buhok at umiiyak, nakasuot pa ng St. James uniform.

"Stay here," sabi ni Ross at balewalang lumabas ng kotse. Nakita kong ngumisi ang lalaking may hawak sa babae, inamoy-amoy ang side ng leeg ng babae saka pinakawalan. Tumakbo ang babae palapit kay Ross. May ibinulong si Ross sa babae na tumakbo na patungo sa kotse.

Bago nakapasok ang babae sa backseat ay nakarinig ako ng tunog—ang cell phone ni Ross. Hindi ko iyon pinansin, nakasunod ang mga mata ko kay Ross na—sabay sabay na sinugod ng tatlong lalaki.

"Ang phone...Ang phone ni Ross, pakiabot, please!" naagaw ang atensiyon ko ng babae sa backseat. Wala sa loob na kinuha ko ang cell phone ni Ross at inabot sa kanya. Sinagot ng babae ang tawag at narinig kong pinapapunta niya sa lugar ang kausap. Binanggit niyang kailangan ni Ross ang tulong.

Nagbubugbugan pa rin ang mga lalaki ilang metro ang layo sa kotse. Dalawa laban kay Ross. Ang ikatlong gangster kasiay tumakbo patungo sa kotse kung nasaan kami. "'Lock mo 'yang pinto mo!" ang natatarantang sabi ng babae. Sa naghahalong kaba, takot at nerbiyos, idagdag pang unang beses na nakasakay ako ng kotseng iyon, hindi ko alam ang gagawin ko. Bumukas na ang pinto sa tabi ko at bago pa ako nakapalag ay sapilitan na akong inilabas ng lalaki.

May patalim nang nakatutok sa lalamunan ko nang sumunod na sandali. Nasindak ako, hindi ko na nagawang tuminag. Hindi ko man nakikita ang sarili, nahuhulaan kong nawalan ng kulay ang mukha ko nang sandaling iyon. Naging napakabilis ng pangyayari na hindi halos na-process ng nagulat kong utak.

"Gigilitin ko na ba 'tong alalay mo, Valdforz?" malakas na tanong ng lalaking may hawak sa akin, tumatawa. Tumigil si Ross sa pakikipagpalitan ng suntok at sipa sa mga kaaway na tumigil rin at tumingin sa kakampi na nang-hostage sa akin. Dumaan sa akin ang parang yelong tingin ni Ross. Hindi siya nagsalita pero nakita kong nagdilim ang anyo. "Ano? Lalaban ka pa, Valdforz? Gigilitan ko, 'to!"

Hindi na ako nagulat nang ngumisi lang si Ross. "'Di gilitan mo," sabi niya sa lalaki na nagpalunok sa akin. Bakit ba ako umasang aalalahanin ako ng bad boy? Wala nga siyang pakialam sa ibang tao, sa akin pa kaya na baka basura lang sa magandang bahay nila ang tingin niya. Mas kinabahan na ako pero pinilit kong tatagan ang loob ko. "At hintayin mong ibaon ko sa leeg mo 'yang armas mong walang kuwenta!" dugtong ni Ross, tinuyo ang bahid ng dugo sa labi. Sumugod ang isa sa dalawang kaaway pero sinalubong ni Ross ng malakas na sipa—bagsak ang isang teen gangster.

Natakot nang sumugod ang isa pang gangster, tumakas na. Malakas na nagmura ang lalaking may hawak sa akin. Parang walang anumang naglakad si Ross patungo sa amin. Paisa-isang umatras naman ang lalaking hostage pa rin ako. Narinig kong nagmura uli ang lalaki—itinulak pala ng babaeng naiwan sa loob ng kotse ang pinto, tinamaan ang lalaki. Nakaalpas ako sa hawak. Sinamantala ko ang pagbitaw sa akin ng siraulong gangster na matapang lang naman pala dahil may hawak na patalim. Inubos ko ang lahat ng lakas ko sa isang sapak—sapol ang loko. Nakalapit na si Ross na binigyan pa ng malakas na suntok ang lalaki na nagpabagsak rito.

At nagulat ako sa mabilis na pagkabig sa akin palapit ng bad boy. Nakulong ang baywang ko sa isang braso niya. "Nasaktan ka ba?" banayad niyang tanong na hindi ko inaasahan kaya napaangat ako ng tingin—nakatuon sa lalaking nang-hostage sa akin ang tingin ni Ross; matalim iyon at mababakas ang galit.

"H-Hindi naman," bulong na lang na sagot ko. "Ayos lang ako. Hindi naman ako ginilitan gaya ng gusto mong mangyari—"

"Nasa kulungan na ako bukas kung sinaktan ka ng gagong 'yan," mariing sabi niya. "Pumasok ka na sa kotse—" napatigil siya nang makita namin ang pagdating ng mga sasakyan. Ang mga itim na kotse ng mga barkada ni Ross. Dalawang mobile patrol ng city police ang kasunod na dumating ng mga ito.

Hindi na lumapit ang mga sakay ng kotseng itim nang makitang wala nang nakatayong kalaban. Nagtinginan na lang ang mga ito. Ngumisi ang dalawang lalaki at ang dalawang babae ay tumawa.

"Ikaw ba'ng tumawag sa kanila?" bulong sa akin ni Ross.

Umiling ako. "Hindi ako. May...may tumatawag sa phone mo kanina, sinagot no'ng babaeng ni-rescue mo. 'Tapos binanggit niyang kailangan mo ng tulong. Isa siguro sa kanila ang caller. Hula ko lang."

"'Pasok ka na sa kotse," utos niya at binitiwan na ako. Nilapitan niya ang mga bagong dating. Ilang minutong nag-usap-usap ang mga ito. Bumalik rin sa kanya-kanyang kotse pagkatapos ng sandaling pag-uusap. Ang mga pulis ang dumampot sa dalawang gangster na masama pa rin ang tingin kay Ross.

Pagbalik ni bad boy sa kotse ay agad siyangpumasok sa driver side. Nagmaneho na siya palayo sa lugar na parang walang nangyari.

Lampas twenty minutes na siguro kami sa biyahe nang basagin ni Ross ang katahimikan. "Hindi ka dapat nagtitiwala sa kung sino-sino lang, Renney," sabi ni Ross sa babaeng nasa backseat. "Hindi lahat ng nagpapakita ng kabaitan, mabuting tao na."

Hindi umimik ang babae sa backseat. Naririnig ko lang ang mahinang paghikbi.

Mga fifteen minutes pa ang naging biyahe namin bago tumigil ang kotse sa tapat ng isang boarding house. Doon bumaba ang babae na Renney pala ang pangalan.

"Thank you, Sir Ross," ang sinabi ng babae bago nagmamadaling umalis. Hindi umimik si Ross, sinundan lang ng tingin ang babae hanggang makapasok sa gate. Umalis na rin kami agad pagkasara ng gate.

Mahabang katahimikan na ang pumuno sa loob ng kotse hanggang nakarating kami sa bahay.

Nagulat si Nanay nang makitang kasama ako ni Ross, at napahawak na lang sa noo nang makitang may mga marka na naman sa mukha ang bad boy.

"Ano na namang ginawa mo, Ross!?" si Nanay na halatang nangungunsumi sa alaga. Nakalapit na si Nanay para i-check ang mukha ni Ross. "May mga dugo ka pang bata ka! Gustong-gusto mo talagang nasasaktan!" inutusan na nitong pumasok si Ross. Isusunod daw ang gamot sa mga sugat. Tahimik naman akong lumapit at nagmano.

"Magkasama kayo mula sa St James?" usisa ni Nanay. "Ano'ng nangyari do'n?"

"May ni-rescue po na babae," sabi ko. "Nakipag-bugbugan sa tatlong gangster yata ang mga iyon. Hindi ko masyadong naintindihan, Nay, eh. Basta po, ganoon. May babaeng hostage 'yong tatlong gangster, na pinakawalan nila pagdating ni Ross. Feeling ko, balak nilang bugbugin si bad boy. Hindi nga lang nila kayang ibagsak. Magaling pa lang makipagbugbugan 'yon? Kaya pala ang angas—" kinurot ako ni Nanay.

"At parang naaliw ka pang napanood mo ang eksena?"

"Hindi po, ah. Natakot din kaya ako..." at naalala kong na-hostage din ako. Hindi ko na sasabihin kay Nanay at baka tumaas ang presyon sa pag-aalala.

Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon