Chapter 16

462 15 0
                                    

"NAY, ano po ba talaga'ng nangyari?" naguguluhan at nalilitong tanong ko kay Nanay. Nasa labas kami ng silid ko at nag-aalalang nag-aabang nang kung anumang maririnig namin mula sa kuwarto ni Ross.

Okay ang lahat pagkarating namin ni Ross mula sa St. James. Nagpaiwan na si Renney sa Bataan, sa poder ng lola nito noong umalis sila ni Ross. Balik kami sa dati ng bad boy—magkasamang aalis ng bahay at magkasamang uuwi. Hindi lang niya ako isinasabay sa araw na sumasama siya sa lakad ng Team Black o kaya ay gusto niyang magbabad sa Gym pagkalabas ng school.

Wala akong napansing problema. Mukhang masaya pa nga si Ross na nagkukuwento tungkol sa professor niya sa Physics na idino-drawing daw ng bored na kaklase at nahuli. Tatlong topic sa Physics ang ire-report ng senior student na nahuli bilang punishment. At bawat chapter ay isa-summarize sa pamamagitan ng drawings—nang ma-enhance naman daw ang galing ng estudyanteng iyon sa pagdo-drawing tutal ay pati professor sa gitna ng pagtuturo ay idinodrawing raw nito at sa nakakatawa pang anggulo.

Hindi kami tumuloy agad sa bahay. Nag-drive through si Ross sa isang fast food at bumili ng burgers. Gusto raw nitong kumain ng burgers. Na-touch ako nang hindi niya nakalimutang bilhan rin si Nanay. Nagulat pa ako na pati pala mga gustong pagkain ni Nanay, mga hindi pa niya natitikman at mga pagkain na hindi niya gustong kainin ay alam na rin ni Ross. Mas marami pa yata silang napagkukuwentuhan ni Nanay kaysa sa akala ko.

Umabot kami sa bahay na pinag-uusapan ang tungkol sa mga natutunan niya kay Nanay sa kusina. Ipinagmamalaki ng bad boy na mas marami na raw alam sa kusina kaysa sa akin. Nagtatawanan pa kami nang umabot ang usapan sa pagka-stranded daw naming dalawa sa isang isla. Ipinagdiinan ni Ross na hindi siya magugutom. Na mabubuhay siya sa isla at makakaluto pa siya ng masarap gamit ang kung anumang makukuha namin sa dagat at sa gubat. Ako raw ay kakain na lang ng damo dahil wala akong alam gawin.

"At hahayaan mo talaga akong kumain ng damo? Okay lang sa 'yong maging kambing ako? Hindi ka man lang magse-share ng pagkain mo?"

"Hindi ganoon, Leia. Sa isla kasi, isa lang ang dapat mabuhay. Ikaw o ako. Kaya hahayaan na lang kitang kumain ng damo. Kaya mo na 'yon."

"Wala ka talagang puso!"

"Hindi n'yo ba napag-aralan sa Biology ang survival of the fittest—"

"Lalaban ako! Healthy nga ang damo, eh. Patutunayan ko sa 'yong mas ako ang fit sa isla at hindi ikaw! Ang yabang mo!"

"Kaya mong isang linggong kumain ng damo—"

"Pati ikaw, kakainin ko para matapos na!"

Nauwi rin sa tawanan ang sagutan namin. Nagtatawanan pa rin kami hanggang nasa bakuran na ang kotse.

Pero nagbago ang atmosphere sa bahay nang walang pasabing dumating si Tita Amelia na halatang galit. Maging si Nanay ay nagulat. Hindi raw nito nabanggit ang pagbisita na iyon. Si Ross agad ang hinanap ni Tita Amelia. At nang lumabas si Ross ng kuwarto at nakita ang ina, nakita namin ni Nanayang pagkawala ng maaliwalas niyang anyo. Naging malamig rin ang tingin.

Matigas at mariin ang utos ni Tita Amelia na pumasok si Ross para makapag-usap ang mga ito. Si Nanay na napasunod sa itaas ay nanatili sa tapat ng kuwarto ko, nalilito rin.

At heto kami ngayon, naghihintay sa susunod na mangyayari.

"Hindi ko alam, 'Nak," sabi ni Nanay, hindi rin mapakali. "Mukhang galit si Amy. Ano kaya'ng nangyari? Hindi 'yan susugod na lang dito nang walang malalim na dahilan."

Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon