Chapter 10

547 8 0
                                    

"THAT was our first real hug, Leia."

"Yes," sabi ko kasabay ng pagtango. Natuwa sa ideya na pareho kaming nakatingin sa kalawakan at parehong eksena rin ang iniisip. "As friends. 'Yong ibang encounter natin na hinahawakan mo ako, magkaaway tayo no'n, eh."

"And first kiss?"

"Ako lang, 'no?" tawa ko. Mas pinili kong daanin na lang sa magaang usapan iyon. Kung magiging seryoso kasi ang usapan, baka magka-heart attack ako sa kaba. Lagi akong kinakabahan kapag seryoso si Ross, lalo na kapag tumutok sa akin ang seryoso rin niyang titig. "First kiss ko. Ikaw, baka last kiss mo na nga 'yon—"

"Last kiss!?" protesta niya. "Pinapatay mo na ako agad?"

"Wala lang akong maisip na katapat ng first kiss," at bumungisngis ako. "O, sige nga, pang ilang kiss mo 'yon? 'Di mo na mabilang 'no?"

"Doesn't matter," ang sinabi niya. "You know what matters most?"

"What?"

"It's the kiss that I'd always remember."

"'Di nga?" susog ko, nagdududa. "Bakit? I-explain mo, sige nga?"

"Kasi nagulat ka," sabi niya. "Ang mga babaeng kiniss ko, hindi nagulat. Hindi rin nasugatan."

"Ano'ng ginawa nila?" curious na tanong ko.

"Umungol," ngisi ni Ross. "Niyakap ako at nag-kiss back."

"At tuwang-tuwa ka do'n? Tuwang-tuwa ka na nagki-kiss back ang mga babaeng kini-kiss mo?"

Tawa lang ang sagot ni Ross.

Hindi na ako umimik. Tumingin na lang ako sa kalawakan. Kung sa mga babaeng umuungol at nagki-kiss back natutuwa ang bad boy, isa lang ang ibig sabihin noon.

"Hindi ka natuwa sa akin..." sa isip ko lang dapat iyon pero hindi ko namalayang nasabi ko na. Pagbaling ko kay Ross ay nawala na ang ngiti niya, sa kalawakan rin nakatingin. Siguro ay naramdaman niyang nakatingin na ako sa kanya—bumaling siya.

Matagal na nagtama ang mga mata namin.

"Hindi nga," sang-ayon niya. "Hindi ako natuwa kaya iniisip ko talaga kung ano'ng meron ka, Leia.

"Ha?"

"O kung may ginagawa ka ba sa akin?"

"Ginagawang ano?"

"Kasi hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko 'to..."

"A-Alin?"

"Ang magbilang ng stars kasama mo."

"Alam ko ang sagot diyan," ngiti ko. "Bored ka lang, bad boy."

"Hindi."

"Bored ka lang."

Umiling lang siya. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong kumilos na siya para umalis. Kasabay lang ng pagtingala ko sa kanya ang pagbaba ng mukha ni Ross, hinalikan niya ako sa noo. "It's not boredom, sweet girl. Mas gusto ko talagang kasama ka kaysa sa mga babaeng nagki-kiss back." At itinuloy na niya ang pag-alis. Nakangiting sinundan ko ng tingin ang marahan niyang mga hakbang pabalik sa bahay.

Nang ibalik ko sa kalawakan ang tingin, parang mas umaliwalas ang langit, parang mas naging makislap ang mga bituin.

At nakangiting mukha ni Ross Valdforz ang nakikita ko sa buwan.

Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon