"NOOD tayong sine, Leia?" si Ross habang magkasunod kaming dalawa sa pila sa supermarket. Inutusan ako ni Nanay na bilhin ang mga kulang na groceries ng linggong iyon. Gaya ng dati, nag-volunteer si Ross na mag-drive. Hindi rin iyon ang unang beses na nagyaya siyang manood ng sine. Ilang beses na naming ginawa iyon kasama si Nanay. Tini-treat pa nga niya kami ng dinner, kadalasan linggo ng gabi kapag hindi niya gustong bumalik agad sa bahay.
"Ngayon?" balik ko, kinakapa ko sa bulsa ang perang ibinigay sa akin ni Nanay para sa groceries.
"Tinanong ko naman si 'Nay Liona kung may kailangan siyang ingredients sa mga binili mo, wala naman daw. Okay lang na medyo late tayong umuwi."
"'Wag masyadong late, may assignment ako, eh. May quiz rin kami sa Math."
"May assignment din ako sa Physics. 'Lipat ka sa room ko, sabay tayong mag-aral."
Agad akong tumango. Mas gusto kong gumawa ng assignment sa Math kasama siya. Kung magaling kasi ako sa Filipino, si bad boy ay weakness ang subject. Sa Math naman siya magaling, ang subject na weakness ko. Hindi ko alam pero pagdating sa numero ay ang bilis kong malito. Kapag nagtanong ako sa kanya, matiyaga siyang mag-explain at mas malinaw. Mas naiintindihan ko siya kaysa sa professor namin.
"Rom-com 'yong huli nating pinanood," sabi ni Ross. "Action naman ngayon?"
"Okay sa akin kahit ano," totoo iyon. Wala akong pinipili sa pelikula. Comedy, drama, action, thriller, horror—lahat pinapanood ko. "Ano'ng mga binili mo?" baling ko sa kanya, nagbabayad na ako sa cashier. Bumaba ang mga mata ko sa basket niya—fruit juices, chocolates at maraming chips.
"Mas maraming junk foods," sagot niya at naglabas na ng perang pambayad.
"Wala na yatang alcoholic drinks?" pansin ko. Sa mga pagkakataong sumabay siya sa amin ni Nanay ay napansin kong laging may alak, beer at softdrinks.
"Nagtitipid ako," sagot niya na tinawanan ko lang. Alam kong hindi iyon totoo. "Umiiwas na ako sa alcohol, Leia."
"Kaya hindi ka na rin sumasama sa mga gimmicks at parties?"
"Hindi lang ako into it lately. Mas gusto kong matulog kaysa lumabas."
"Bakit?"
"Nakakasawa rin minsan. Paulit-ulit lang. 'Yon at 'yon din naman—alcohol, girls—walang bago."
Natapos na siyang magbayad. Naglalakad na kami papuntang parking area. Ihahatid namin sa kotse ang mga pinamili namin.
"Bored ka na sa parties? Ayaw mo na ng alcohol at girls?"
Ngumiti lang siya.
"Baka boys na ang gusto mo, ah?"
Napatigil siya sa paghakbang. Nakatawang bumaling ako. "Joke lang 'yon," ngisi ko. "Na-try mo bang manigarilyo?"
ILANG sandali ang lumipas bago sinagot ni Ross ang tanong ko. Sumulyap muna siya sa akin, parang gustong malaman kung bakit ako nagtatanong.
"Dati," mababang sabi niya. "Fourteen ako. No'ng buhay pa si Dad. Gusto kong iniinis at ginagalit siya no'n para pansinin ako. Lahat ng sinusubukan ng teenagers, sinubukan ko except drugs."
"'Buti nakayanan mong tumigil. Addictive ang sigarilyo 'di ba?"
"Hindi pa ako addicted n'ong ginusto kong tumigil. Sinubukan ko lang at 'di ko gusto."
BINABASA MO ANG
Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)
Teen FictionForest ang tawag ni Leia sa St James Academy-ang Academy ng mayayaman kung saan siya naka-enroll sa tulong ng isang sponsor. Ang mga Jamie, mga babaeng estudyante ng St. James at Jamo-mga lalaking estudyante, ay witches at beast ang tawag niya. ...