Year 2007
DEAR Diary,
New day. Dapat masaya ako, 'di ba? Sabi ni Nanay, laging dapat ipagpasalamat ang bagong araw. Thankful naman ako lagi pero hindi ko magawang maging masaya sa limang araw na nasa school ako. Ang hirap. Hindi ko masabi kay Nanay. Ayoko nang isipin pa niya ako. Ang dami na niyang iniisip, hindi na ako dapat dumagdag pa.
Sunny day. Sunny Monday. Papasok na naman ako sa classroom na parang forest. Forest na puno ng beast. They're special—pretty, handsome and rich beast. I am the outcast beast—ugly and unwanted. The special wants me out of the forest.
But I can't go.
May pangarap ako. Pangarap namin ni Nanay na hindi ko puwedeng isuko na lang.
Thank you, Diary...for being here, for being my silent friend.
Napa-inhale ako pagkatapos kong itiklop ang favorite friend ko. Mula nang unang pagtapak ko sa St. James Academy, kasama ko na siya. Siya ang laging nakikinig sa mga sentiments ko, ang tumatanggap sa lahat ng masamang pakiramdam ko. Nasa Sophomore year na ako ngayon, walang nagbago sa sitwasyon ko sa St. James.
Ako pa rin si Maria Leiana Rosales, fourteen years old—Outcast, unwanted, alone, friendless. Alam ko naman na hindi ako bagay sa school na iyon. School ng mayayaman at mga kilalang pangalan ang St. James. Kung hindi sa tulong ng sponsor ko, sa panaginip lang ako makakapasok sa school na iyon.
Pangarap ni Nanay na makapag-aral ako sa isang magandang school kaya nang dumating sa amin ang opportunity, hindi niya hinayaang lumampas na lang iyon. Sa totoo lang, si Nanay at ang pangarap naming dalawa ang dahilan kaya ako nasa St. James. Sa dami ng pinagdaanan ko sa School sa magdadalawang taong lumipas, hindi ako tatagal kung hindi ko iniisip si Nanay at ang future ko. Mas pinili kong tiisin lahat ng panghahamak, pang-iinsulto at panlalait sa akin ng mga 'rich beast' at 'pretty bad witches' kasi gusto kong makapagtapos. Gusto kong tuparin ang pangarap namin ni Nanay.
Sunny Monday morning, simula na naman ng araw ko sa St. James Academy.
SA likod ng Junior Building, sa side ng Chemistry Laboratory, sa sulok ng Library, sa hagdan paakyat sa rooftop, at sa gilid ng rest room sa first floor ng Freshmen building—mga lugar na paborito kong taguan sa mga pagkakataong para akong dayuhang daga sa lugar ng mga pusa. Lahat ng pusa ay gutom at ako ang nakikita nilang biktima. Wala akong pagpipilian kundi maghanap ng mga lugar kung saan ako maaring sumiksik at magtago. At sa limang lugar na iyon ako madalas nasusuot.
Wala masyadong gumagamit sa rest room na iyon sa Freshmen building dahil luma na at nakaplano ang renovation. Kapag wala na akong mapagtaguan, kapag hindi ko na maiwasan pa ang grupong nang-aasar sa akin, doon ako nagsusumiksik habang nag-aaral para sa recitation at quiz.
At sa lugar na iyon una kaming nagtagpo ng isang Jamo na hindi ko inaasahang kakausapin ako. Tanda ko pa ang eksena nang araw na iyon...
Lakad takbo si Leia para pagtaguan ang grupo ni Brixie na lagi siyang nahahanap kahit sa sulok ng Library. Kung ano-anong kamalasan ang sinapit niya dahil sa grupo. Siya lagi ang puntirya ng mga ito na gawan ng kalokohan. Siguro dahil wala siyang kakampi, o siguro dahil siya lang ang hindi nababagay sa St James.
Sa kakaiwas ni Leia sa grupo, ang lumang rest room ang 'kaligtasan' para sa kanya. Doon siya lumiko. Hinihingal at sapo pa ang dibdib na sumandal siya sa dingding—upang mapamulagat lang nang makita niyang hindi siya nag-iisa roon. Inabutan niya ang isang lalaki na nakasandal rin sa pader, nakapikit at nakapasak sa mga tainga ang earphones. Gumagalaw ang isang paa nito, sa hula niya ay may pinakikinggang musika.
Aalis sana si Leia pagkakita niya sa lalaki pero narinig niya ang malakas na tawa ni Brixie, ang bruha sa kuwento niya kung siya si Snow White. Bigla siyang umatras uli para magtago. Hindi na niya pinansin na napasiksik na siya halos sa tagiliriran ng lalaking naroon, na nagmulat ng mga mata nang hindi sinasadyang nasiksik niya. Inalis nito ang mga earphones sa tainga at niyuko siya.
Napatitig si Leia sa buhay na buhay nitong mga mata na kulay tsokolate.
Hindi niya alam kung bakit tinitigan rin siya ng lalaki.
"Leia, right?" ang sinabi nito pagkatapos nang mahabang segundong nagkatitigan sila.
"K-Kilala mo ako?" nausal niya, nagtaka ng husto.
Hindi ito sumagot, bumaba lang sa wristwatch niya ang tingin. Ang relo niyang pinag-ipunan ng Nanay niya at iniregalo sa kanya noong elementary graduation niya na nag-first honor siya. Tanda niya ang sinabi ng Nanay niya, na sa pagtupad ng pangarap ay importante ang oras. Hindi niya iyon naintindihan. Nang humingi siya ng paliwanag ay sinabi ng ina na hindi siya magtatagumpay sa buhay kung lagi siyang late. Nagkatawanan pa sila. Mahigpit niyang niyakap ang ina bilang pasasalamat. Pinakaingat-ingatan niya ang relo.
"Anong oras na?" tanong ng lalaki.
"Ha?"
"Oras."
Tiningnan ni Leia ang relo pero hindi niya nabasa ng tama ang oras dahil iniisip niya kung bakit kinakausap siya ng lalaki; kung bakit hindi siya ginagawang katatawanan tulad ng mga kaklase niya at ng mga kakilala ng mga iyon na nasa higher years.
Nag-angat si Leia ng tingin para sumagot pero wala siyang nasabi kaya tumingin uli siya sa relo, na hindi na niya nabasa ng tama nang biglang hinawakan ng lalaki ang bisig niya at ito na ang tumingin sa oras.
"Nine thirty," sabi ng lalaki at balewalang binitiwan siya. Mabagal na naglakad na ito palabas sa lumang rest room.
Naiwan si Leia na nakanganga, hindi makapaniwala na may isang 'Jamo', ang tawag niya sa mga lalaking St. James student—'Jamie' naman sa mga babae—na nakausap niya nang hindi siya ipinahamak.
Ang sumunod sa eksenang iyon ay nakasandal ako sa pader na dingding, nagsusulat sa paborito kong silent friend tungkol sa encounter namin ng lalaking iyon.
At pagpasok ko sa 'forest' para na naman akong dayuhang daga na inaatake ng iba't ibang malalaki at mas malalakas na hayop. Wala akong kalaban-laban sa kanila at wala rin naman akong kakampi kaya tinatanggap ko na lang lahat. Kinuyumos na papel, chalk, notebooks at mga takip ng ballpen ang naramdaman kong tumama sa akin. Tawanan at nang-aasar na hiyawan ang naririnig ko. Wala na akong maintindihan liban sa pangalan ko. Hindi ko na lang pinansin. Nasanay na ako. Natuto na akong magpanggap na manhid. Iniiisip ko na lang na magsasawa rin sila. Nagawa kong magtiis ng isang taon at ngayon ay isang bagong taon na naman ang magsisimula. Kakayanin ko pa. Ang magtiis lang naman ang choice ko. Ayokong isuko ang pangarap namin ni Nanay.
Naupo ako sa pinakahuling upuan, nagbuklat ng notebook at nagsimulang magbasa ng huling lesson namin noong Friday.
Matatapos rin ang araw na iyon. Mabilis lang naman ang oras. Hindi magiging Monday habang-buhay.
BINABASA MO ANG
Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)
Teen FictionForest ang tawag ni Leia sa St James Academy-ang Academy ng mayayaman kung saan siya naka-enroll sa tulong ng isang sponsor. Ang mga Jamie, mga babaeng estudyante ng St. James at Jamo-mga lalaking estudyante, ay witches at beast ang tawag niya. ...