INFATUATION lang 'yan, Leia. Intense feeling. 'Di mo ma-kontrol na pakiramdam. Lutang ka. Iniisip mo lagi ang bad boy. Lahat naman ng teen dumadaan sa ganyan. Okay lang 'yan. Lilipas din 'yan. Sinubukan mo nang idaan sa ilang paligo pero wala, parang tumitindi kaya hayaan mo na lang. Focus, Leia. May quiz ka. 'Wag mong isipin si Ross ngayon!" paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang sunod-sunod ang pag-inhale-exhale ko. Nasa loob ako ng isa sa mga cubicles sa freshmen rest room. Dumaan lang ako para gumamit ng banyo. Sa library ako pupunta. Oras ng lunch break, minadali ko ang pagkain ng lunch para makapag-review uli. Gusto kong malaman kong effective ang ayon kay bad boy ay 'team review'
Pinipilit kong mag-concentrate perohindi ko maitaboy si Ross sa utak ko. Ang hirap ng ganito—na mas gusto ko na lang na isipin siya ng isipin kaysa mag-memorize ng mga importanteng dates sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pagkatapos kong maglagay ng powder sa likod ni bad boy ay nagmamadali akong nagtungo sa pinto. Gusto kong makalabas agad sa kuwarto niya. Ayokong magtagal pa kasi nauubos lagi ang oras ko sa pakikipagkuwentuhan lang. May quiz bukas. Kailangan kong mag-memorize ng mga dates at pangalan. Kung susundin ko ang talagang gusto kong gawin nang sandaling iyon, makikipag-usap lang ako kay Ross hanggang umaga.
"Magre-review ka, Leia?" si Ross na nag-iba ng posisyon sa kama. Nakadapa siya kaninang naglalagay ako ng powder. Nakaharap na siya sa direksiyon ng pinto ngayon. Alam ng bad boy na hindi ako nagtatagal sa kuwarto niya samga pagkakataong may quizzes at tests.
"Marami akong ime-memorize."
"Dito ka na lang mag-review," imbita ni Ross. Gusto ko iyon. Gusto ko ang mahabang oras na kasama siya pero hindi ko gagawin.
"Sa Math lang naman ako pumapalya kaya kailangan ko ng taga-explain," sabi kokay bad boy.
"Hindi sa Math ang quiz?"
"Hindi. Dates at names ang ime-memorize ko kaya kailangan ng focus, Sir."
"Dito ka na lang," pilit niya. "Hindi ako mag-iingay. Hindi ako magkukuwento, Leia. Gusto ko lang ng study partner. Mas gusto kong mag-review nang may kasama."
"Wala naman akong magagawa para sa subject mo, eh." Sabi ko. Kaunting pilit pa, bibigay na ako kaya kailangan ko nang umalis. "Sa Math quiz na lang." At umalis na ako sa mabilis na mga hakbang.
Mahabang oras na pinilit ko talagang tandaan lahat ng pangalan at petsa pero nakikiagaw sa isip ko ang imahe ni Ross na nasa kama at nakatingin sa akin. Hindi rin mawala sa isip ko ang ngiti niya. Pati ang eksenang nagtatawanan kami.
Kung kasama si Ross sa mga subjects ko, baka perfect lagi ang quiz ko.
Lampas alas diyes ng gabi, bumaba ako sa kusina dala ang reviewer na ako rin ang gumawa. Sa kusina na ako bumubulong-bulong habang may hawak akong isang basong tubig. Out of thirty five names and dates, ten lang ang nakuha ko nang tama.
Nakaka-stress ang katotohanang iyon!
Pabagsak akong umupo sa harap ng mesa at parang talunan na sumubsob sa mga bisig ko.
"Umalis ka na, sige na..." bulong ko. "Umalis ka na sa isip ko. Umalis ka na. Umalis ka na!" at bigla akong nag-angat ng tingin—upang mapanganga lang nang makita kong nasa kusina rin si Ross, nakaawang ang bibig habang nagmamasid sa akin. Kanina pa yata siya at nakita niya akong bumubulong-bulong.
"Ross..." nasambit ko, wala sa loob na kinuha ko sa mesa ang reviewer na nakasulat sa yellow paper pero hindi ako tumayo.
"Hindi success ang review?" tanong niya, nabasa siguro sa mukha ko na mukha akong may problema. Sa buhok ko pa lang na sumabog nang sumubsob ako sa mesa kanina, mukha talaga akong estudyanteng nanganganib na makakuha ng zero sa quiz. Siguro may clue na siya sa mood ko. Sa umaga kasi, kapag ang gaan ng mood ko sa pagpasok, sa oras ng uwian ay lagi ko siyang nayayakap sa tuwa—ibig sabihin, mataas ang score ko sa quiz.
BINABASA MO ANG
Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)
Teen FictionForest ang tawag ni Leia sa St James Academy-ang Academy ng mayayaman kung saan siya naka-enroll sa tulong ng isang sponsor. Ang mga Jamie, mga babaeng estudyante ng St. James at Jamo-mga lalaking estudyante, ay witches at beast ang tawag niya. ...