Chapter 6

635 15 0
                                    

                                                                                                                                                                                                                                                                                    June 27, 2007

Dear Diary,

Magugunaw na ba ang mundo bukas? Bakit bumait si bad boy ngayong araw! Ano'ng nangyari? Baka mas malupit na kalokohan na naman ang iniisip niyang gawin sa akin.

Leia

Binalikan ko sa isip ang eksena bago ko isinulat ang nasa itaas. Nagulat talaga ako na bigla ay parang nag-eexist na ako sa paningin ni bad boy. Pinansin niya ako at kinausap nang araw na iyon hindi para gawan nang kung ano-anong kalokohan. Pinansin niya ako para mag-hi lang!

Himala talaga.

"Hi, Leia."

Nagulat si Leia pagkarinig sa pagbati. Bilog ba ang buwan o end of the world na bukas? Binati siya ng Bad boy?

Lumingon si Leia pero wala na si Ross. Dumaan lang pala sakay ng bisikleta na lagi nitong dala. Ang magandang bisikleta ng lalaki na kasama nito kahit saan. Sa umaga bago sumikat ang araw, at pagka-uwi ni Ross galing sa School ay nag-iikot rin gamit ang bisikleta. Especially designed yata iyon. Sa kinang pa lang ay mukhang sobrang mahal. Mukha ring matibay, hindi 'yong tipo ng bisikleta na ginagamit ng mga binatilyo at bata sa lugar.

Lihim na tinatanaw ni Leia mula sa terrace ng silid niya ang pabalik-balik na pagdaan ni Ross sa tapat ng bahay.

Tinapos ni Leia ang pagdidilig ng halaman. Makulimlim ang panahon. Sa tingin niya ay hindi magpapakita ang araw. Unti-unti rin na naiipon sa kalangitan ang mga abuhing ulap. Ulan yata ang babagsak mayamaya.

Bumalik si Leia sa kabahayan at nagpaalam sa ina. Gusto niyang maglakad-lakad sa labas habang walang init. Kaagad naman na pumayag ang kanyang Nanay. Mas gusto nito na lumalabas-labas rin siya. Lagi raw kasi siyang nagkukulong lang sa kuwarto.

"Leia!"

Ilang hakbang pa lang ang layo ni Leia mula sa gate ay narinig niya ang boses ni Ross. Nasa likuran na niya ang lalaki paglingon niya. Hindi pala siya nagkamali ng dinig, binati talaga siya ng Bad boy kanina. Ano kayang nakain nito at kinakausap na siya ngayon? Maganda ang naging epekto ng lagnat?

"Saan ka pupunta?"

Hindi nakasagot si Leia. Wala naman talaga siyang pupuntahan sa labas. Maglalakad-lakad siya dahil gusto niyang makita si Ross at tanawin tuwing dadaan ang lalaki sa tapat niya. Paikot-ikot lang naman kasi ang bisikleta sa kalye nila.

"S-Sa ano...sa bakeshop. Bibili ng pandesal."

Nasa labasan pa ng subdibisyon ang bakeshop, ilang hakbang bago ang main road ng siyudad.

"Maglalakad ka lang? Ang layo pa ng bakeshop."

"Walking exercise."

"Bukas kana lang mag-walking exercise. Ibibili na lang kita."

"Ha?" Hindi makapaniwala si Leia. Nakikipag-usap talaga sa kanya ang bad boy? Sa pagkakatanda niya ay papansinin lang siya ng lalaki kapag gagawan siya ng kalokohan o kaya ay makikipag-argumento. Kinapa ni Leia ang bulsa—napangiwi siya, wala siyang pera! Paano siya bibili kung wala siyang pera? Mag-aalibi na lang siya, palpak pa!

Leia's Diary By: Victoria Amor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon