chasing happiness

20 1 0
                                    

Dala dala ko ang knapsack ko at kabadong kabado sa first day ko sa paaralang ito.

Lahat sila ang sasaya, binabati ang mga kaibigang di nakita ng dalawang buwan. Pero ako? Nakatitig lamang sa mga estyudanteng naguusap, nagtatawanan. Wala kasi akong close dito. May kilala nung kinder pero di na matawag na kaibigan dahil naghiwalay na ng landas noong elementary.

"Hala?! Si Rika ba yan?" Rinig kong sabi ng isang lalaki sa may pintuan ng classroom. Oo. Kilala ko siya. Namumukhaan ko siya. Hindi naman kasi ako madaling makalimot.

"Siya nga!" Tinignan ko siya at ngumiti tapos tumalikod na papunta sa classroom ko ata.

"Hi? Bago ka?" Tumingala ako sa taong kumausap sakin at ngiti ang sumalubong sakin.

"Oo." Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Nagsimula na ang klase at panay tsika ang halos naririnig ko sa mga bago kong kaklase.

"My name is Jessica Amante. 13 years old. Nice to meet you all." Halaaaa. Halos lumuwa na sa dibdib ko ang puso ko. Ako na kasi ang susunod. Halaa. Nakaupo na si Jessica. Tatayo na ba ako?

"Ahm. Ikaw na next." Ngumiti siya sakin at tinap ang shoulders ko. Tumayo na ko at pumunta sa harapan nila.

"Go-od morn-ning. Ako pala si Rika Navarro. 12 yea-rs old." Nauutal kong sabi. Nginitian naman nila ako na siyang nagpakalma sa buong sistema ko.

"Okay. That would be our two new students. Sa ngayon, paguusapan na natin ang rules and regulations ng university nato." Bumalik na ako sa upuan ko at kinuha ang notebook ko para maisulat ang rules. Syempre. 1st year pa eh. Kailangang maging maingat sa kilos dahil di ko pa alam kung anong ibubuga ng unibersidad nato sa mga estyudante.

"Sabay tayo mamaya sa recess. Hindi pa ako sanay sa direksyon dito eh. Ang laki ng campus." Natawang sabi ni Jessica sakin. Tumango naman ako sa kanya. Wala pa kasi akong masyadong kilala dito.

Trrringgg...

Nagsilabasan na ang mga kaklase namin at naiwan kami sa classroom. Nagkibit balikat lang si Jessica at hinintay akong matapos sa pagliligpit.

"Halika. Gutom nako Rika." Bumaba na kami. Second floor kasi ang classroom ng university namin. Sa ground floor ang mga offices.

Naglalakad kami sa covered walk namin papunta sa admin ng makasalubong namin ang isang grupo ng estyudante.

"Huy! Di kana mamansin ngayon?" Eto yung lalaking tumawag sakin kanina. Ano nga yung pangalan niya?..... teka? Ah!

"David! Sensya na." Tumawa siya at lumapit samin ni Jessica.

"Dito ka na rin mag-aaral hanggang 4th year?" Tatango na sana ako pero may ibang nakakuha ng atensyon ko.

Isang matangkad, payat. Oo payat siya. Pero ang gwapo, maputi. Ang lalim ng dimples at ang ganda ng ngiti niya.

Di ko namalayang nakatulala na pala ako at tina-tapik na pala ako ni Jessica.

"Rika? Okay ka lang? Kanina ka pa tinatanong ni...." nabalik ako sa katinuan ko sa sinabi ni Jessica at tinignan si David na ngayon ay mangha mangha na sa reaksyon ko.

"Hahaha. Mukhang natulala ka yata ha?" Kumunot ang noo ko at tumalikod sakin si David. Akala ko iiwan na niya kami pero mali pala.

"Mga ulol! Rika pala. Kaklase ko nung kinder hanggang grade 1." Pakilala niya sakin sa kaibigan niya. Di ako makatingin ng diretso sa kanila. Ang tataas kasi nila at ang rami. Lagpas lima na siguro.

Forever Chasing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon