mending what's broken

15 0 0
                                    

"Eto oh! I bought you your favorite pandak! Chocolate ice cream." Ngiting abut hanggang langit ang ibinigay niya sakin. Tss. Bumabawi talaga.

"Oh. Gusto mo subuan pa kita?" Kinuha ko kaagad eto. Tumawa naman siya. I mimicked his laugh.

"Sungit mo?! Pandak pa, dragon pa." Sinapak ko siya at yun ang eksenang nakita ni Mica pagkapasok niya sa room namin. She smiled awkwardly at us. Tinignan ko naman ang itsura ni Nicolai. Malalim ang iniisip niya habang nakatitig lang kay Mica.

Nagkalamat na ang pagkakaibigan nila. At ang MU relationship namin ni Nicolai. At di ko na alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Colai.

"Mauna nako Rika. Kainin mo yan ah?" Di pako nakapagsalita, umalis na kaagad siya. Kagat labi kong tinignan si Mica. Nakatunganga lang siya sa kanyang upuan.

Gusto kong magalit pero di ko magawa. Nasaktan lang din naman siya. Katulad ko. At alam kong nahihirapan si Nicolai. He badly wants to fix us and at the same time reconcile with his close friend.

"Rika! Maghahanda na daw tayo para sa booth natin!" Tawag sakin ni David. Pumasok siya sa room at nagtaka siya dahil kami ni Mica ang nasa loob. Baka ano pa naman ang naisip nito. Baka akala niya binugbog ko na si Mica.

"Andito ka lang pala Mica?! Hinahanap ka na don. Kailangan magic mo don." Tumango si Mica at nagpaalam na samin.

"Nag-usap kayo?" Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya't napailing ako. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Nasasaktan siya David. At dahil kay Nicolai yun. Nagawa ni Nicolai yun nang dahil sakin. So by the end of the story, ako parin ang punot dulo ng lahat." tinatapik niya ang ulo ko and messed up my long straight hair. Pambihira?! Sira talaga to. Buhok ko ang pinagbuntungan.

"Wag mo ngang sisihin sarili mo. Sarap mo kasing mamiss eh. Kaya yan! Everybody do crazy things when they're inlove." Sabay wink sakin. Napapikit ako ng mariin. Tumayo na ako at pumunta na kami sa quadrangle. Nandun ang mga booth para sa intrams namin. November na ngayon.

Naabutan namin sila na nagsesetup ng tent. Ang naisip naming pakulo ngayong intramurals ay hair spray salon. At hindi pa nga nakatapos ang set-up may pumila na kaagad.

"Ayos! Mukhang patok na patok tung booth natin ah?!" Hambog na sabi ni Kim. Siya kasing nakaisip nito. Mahilig kasing magayos ng buhok ng babaeng classmates kaya ayan! Pero lalaki to. May crush nga daw to eh.

"Sinabi mo pa! Oh hayan na pala sila Rika eh." Sagot ni Pam.
Kaya pala ako hinahanap para may makasama si David pag bili ng spray.

"Ungas ka talaga! Ba't ako isasama mo? Iba nalang. Ayaw kong gumala." Nagpout naman siya at tumingin kay Kim. Nasapak ni Kim si David. Pero ang ungas tawa lang naisagot.

"Sige na Rika. Si David kasi ang naatasan ngayong araw nato. Kailangan lalaki eh. Sinabi kong magpasama pero di ko naman alam na ikaw isasama niya." Pinandilatan ni Kim si David at napakamot nalang sa batok si David. I sighed. Wala nakong magagawa.

"Sa'n tayo bibili?" Nagulat naman si David. Di ata makapaniwalang sasama ako sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo? Edi okay." Hinablot niya braso ko at inakbayan ako. Ngumiti naman siya sakin at sinimangutan ko lang siya.

"Uy?! Ingatan mo si Rika ah?" Habol na sabi samin ni Kim. Yumuko naman siya at umiiling. Ano namang drama nitong president namin?

"Ahm. Wait lang Rika ah?" Tumakbo si David papunta sa room namin. Aba't nagawa pa talagang paghintayin ako? Sinundan ko siya. Narinig ko lang na may kausap siya malapit sa stairs.

Forever Chasing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon