moments and the promise made

10 0 0
                                    


"Happy VALENTINES!" Bati ng aming class president na si Kim. Yes, valentines day ngayon. Marami ngang tinda sa canteen ng mga chocolates, flowers at kahit ano pa pang valentines.

"Sino ka date mo ngayon Tonette?" Ang dating nakangiti na Tonette ay napalitan ng simangot. Haha eh kasi napapansin na ng barkada na sobrang malapit na sila ni Michael.

"Puro lang talaga kayo panunukso. Wala namang malisya ang pakikipagkaibigan." Sagot naman niya kay Abby. Nag lulunch kami ngayon sa classroom namin.

"Hetong tanungin mo oh!" Turo niya sakin sabay kagat ng hotdog. Napatingin si Abby sakin sabay pindot ng bewang ko. Napangiwi naman ako sa kanya.

"Ang showbiz ng answer mo Tonette ah?" Baling ko kay Tonette na ngayon ay di na maitsura dahil abut abut na ang kilay niya. Haha yan! Ipinasa pa kasi sakin ang kuntyaw eh.

"Napakasama mo talaga Rika." Hahampasin na sana niya ako pati baon ko pero agad naman akong nakaiwas. Muntik na nga akong mabilaukan.-_-'

May sasabihin pa sana si Tonette nang may namataan kami sa pintuan.

"Happy valentines!" Masayang sabi ni David. Kasama niya sina Sean, Randel at Louie. Teka? Di ko pa siya nakikita ah?

"Happy valentines." Sabay pakita ng ulo niya sa pintuan. Sumilip ako at yun! Tunaw nako. Hahaha joke lang nako pa wag po. Hahah si Nicolai lang naman eh. Amp. Hahah

"Ayieeeeee! Kayo ha walang ending ang pagpapakilig niyo sa barkada. Naku! Kailan ba magiging kayo ha?" Agad akong tumalima at kiniliti si Tonette. Nakita ko namang nagtutulakan ang mga boys kay Nicolai.

"Happy happy independence day kabarkada!" Kantyaw ni Michael pagka dating niya. Nagpumigil lang ako sa kakangiti. Si Tonette naman, patay malisya. Hahaha

"Oh! Andyan ka na pala bro eh" si Louie. Tumabi naman si Michael kay Tonette na siyang naging dahilan sa tuksuhan.

"Ang daya! Si Rika ang talk of the day ako tung kinukuntyaw niyo." Si Tonette habang nililigpit na namin ang lunch namin. Nagpaalam naman saglit sina Sean, Randel at Louie.

"Bakit? Inaano niyo ba si Tonette?" Ayieeee! Todo protekto si Mr. Michael. Haha

"Kasi si Tonette ma-amphhh." Tinakpan ni Tonette ang bibig ni Abby. Knowing Abby she can say anything. Hahaha

"Oy...siya nga pala. Canteen tayo after class. Tambay lang since it's valentines." Si David. Nakatayo lang sila ni Nicolai. Tumingin sakin si Nicolai at nginitian ako. Parang may connection kami nun. Anerbeyen. Hahaha

"Di ata magpapahuli sa titig session tung dalawang mag MU sa barkada ah?" Kinikiliti pa ako ni Tonette. Aish. Nakaganti ah.

"Sinabi niyo pa?! Haha oh sige bell narin. Huy! Michael hali ka na nga." Kinaladkad nina Nicolai at David si Michael na walang kupas namang nagpapangiti kay Tonette. Tignan mong gaga, nakasimangot. Hahaha

"Kayo ah! May Michael/Tonette na palang namamagitan sa barkada. Di man lang kayo nagpasabi." Sabi ni Abby habang nagaayos na kami para sa first subject. Nakita ko namang umismid lang si Tonette at nagkibit-balikat.

Fastforward.....para di boring.

"Asa'n nang dalawang yun? Kanina pa tapos klase at kanina pa tayo naghihintay." Si David. Hindi naman siya pinansin ng iba. Ako nalang siguro ang papansin. Haha nakakaawa eh.

"Okay. Susunduin ko nalang. Baka may ginagawa lang." Tumayo nako at nagsimulang maglakad papunta sa admin ngunit may narinig akong nagkatuwaan. At tama nga hula ko. Sina Louie at Nicolai, magkasama.

Forever Chasing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon