*
*
*
Eto parin ako. Buo parin. Pero ubod parin ako ng kay tamis na ngiti at kilig. Matapos kasi nung Feb 14 incident, palagi na niya akong hinihintay pagkatapos ng klase at sabay rin kaming umuuwi. Hindi narin kami tinutukso ng barkada dahil baka raw may mangyari at di na maituloy ang ka-ibigan stage namin.And ang bilis ata ng panahon, March na. Recognition ng non-graduates at graduation ng fourth years. Nandito na kami sa covered court.
"Yey. Second year na tayo. Ang bilis ng panahon. Kamakailan lang first day lang ng klase at first starstruck niyo sa isa't isa. Hahaha. Hindi na ako updated ah?!" Bungad samin ni Blanche. Oo nga. Nawala ata to sa aksyon? Eh kasi naman nagpakabusy sa boyfriend na si Carlo. Hays. Nakita ko ngang umuupo sa isang silya lang eh. Haha pero hush lang.
"Busy ka kaya sa lovelife mo. Ikaw Blanche ang missing in action. Tong bestfriend ko. Ang likot ng puso." Iiling na sabi ni payatot. Umismid naman si Blanche at nagpaalam. Pupunta lang daw siya kay Carlo.
"Tignan mo? Tayo nga ang kasama, Carlo naman ng Carlo." Ang oa nitong isang to ah? Hahaha. Di na kasi masyadong magkasama ang magbestfriends.
"Sa'n ka ngayong summer?" Tanong niya sakin. Akmang magiisip pa sana ako nang bigla naman siyang tumawa. Kaloka to? Palagi nalang tung ganito ah?
"Alam ko. Sa bahay lang kayo. Hahaha." At ano naman kaya ang naisipan netong unggoy nato?
"Siguro sa bahay lang kami pero sabi rin ni mama magbobora daw kami eh so yeah wala pa akong alam kung saan." Agad namang sumimangot ang mukha niya. Hulaan ko drama na naman eto.
"Bora? Bakit doon pa? Tss. Ang daming gwa--" di ko na narinig pa ang sinabi niya dahil nagsimula na ang program. Magkatabi kami at ang barkada. Nandito naman sina mama at papa pati little sis ko. Awardee kasi si ate.
"Ang cute ng kapatid mo Rika. Anong pangalan niya?" Si Tonette habang tinitigan ang bunso namin. Halatang gigil na gigil. Natural lang yang reaksyon kasi makisig kasi at chubby ang bunso namin.
"Kaye. Pero maiilang parin yan sa ibang tao. Di nga sumama sakin dito eh." Nakita ko namang titig na titig si payatot kay bunso. Napangisi naman siya at tumingin sakin. Ano kaya nasa isipan neto?
"Mukhang batang Rika. Hahaha ganyan ka siguro nung bata ka nuh? Chubby. Pero magkamukha talaga kayong tatlo." Aba tama lang ang ginamit niyang adj. kaysa sa mataba. Hmph.
"Uy. Nakatingin sina tita dito. Parang tinatawag ka ata Rika." Sabi sakin ni Abby. At kita ko nga si papa, tinatawag ako. Wala namang malisya sa pagtabi ko sa lalake. Kasama ko naman sina tonette at Abby at kilala na sila ni mama.
"Punta muna ako don. Mukhang babysitter na naman ako." Tumawa naman silang tatlo. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ngunit narinig ko pa ang pinaguusapan nila.
"Grabe oh! Swerte mo Colai! Maganda, mabait, family oriented pa! Oh saan ka pa niyan?" Hambog na sabi ni Tonette. Di ko naman narinig ang reaksyon ni payatot. Echos! Flattered ako! Hahaha
Nakalapit na ako at tama nga ako, photographer ata ako, di babysitter. Hays.
"Okay. Sabay kana samin pauwi. Maglalunch tayo sa Jollibee." Tugon ni mama sakin. Tumango naman ako at bumalik na sa pwesto namin. Tapos na ang ceremony and may picture taking na lang.
"Payatot! Di ako sasabay sa inyo ah? Sasabay ako kina mama. Celebration." Ngumiti siya at tumango. Hala et. Napakabait talaga neto. Pero minsan, may sayad lang sa ulo. -_-
"Bye! Chat lang ha?" Pahabol na sabi niya. Kumaway na ako at sumakay na sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Forever Chasing (COMPLETED)
RomanceForever chasing, yeah that's what I'm basically doing. Since I was high school up until now, I wonder why my situation is like that somehow. Am I being punished by hurting the people who loved me the most? Or am I like an unseen ghost? Will I eventu...