Chasing while hurting

17 1 0
                                    


Saturday...

2:00 ng hapon nakababad ako sa computer. Searching for music videos and stories sa wattpad when I got a message from John.

Rika, do you wanna be more than friends?

Nagulat ako sa tanong niya. Sino bang magaakala na sa kalagitnaan ng hapon ay magtatanong siya neto?

Ano bang nakain mo at nagtatanong ka ng mga ganyan?

Gusto mo ba o ayaw mo?

Ano bang gusto nitong palabasin? Alam naman niya ang sagot diyan. Hindi ko nalang siya papansinin.

Rika? Ano? Gusto mo ba?

Okay. Sinimulan niya tu eh.

Alam mo na ang sagot diyan John. Pero wag nalang. Nvm mo nalang yan.

Bakit naman?

Ano ba talagang nakain mo? Umiinom ba kayo?

Anong gusto mo?

Ha? Anong anong gusto ko?

Ako ang gusto mo diba?

This is so random na. Nagkaayos lang kami a few days ago. Pero mukhang magiging malabo na naman.

Ano bang pakulo ito? Porket alam mong ikaw parin crush ko, gaganituhin mo naman ako?

Sagutin mo nalang.

Okay. Ano ba talagang gusto mo?

Ang gusto ko? Yung sayo.

What? Anong yung sakin? Naguguluhan nako sa point niya.

Anong "yung sayo" na sinasabi mo? John! Nakainom ka ba?

Intindihin mo nalang.

Ang raming "sayo" John. Ang raming meaning niyan. Ano ba?!

Intindihin mo Rika. Ang gusto ko ay yung sayo. Kung ano yung sayo.

Hindi ako boba para di ko maintindihan ang ibig sabihin niya. Ngunit di ko kayang tanggapin na kaya akong bastusin ng ganito. Nakainom lang tu. Oo tama nakita ko sila kanina sa school habang nakasakay ako sa traysikel. Kagagaling lang namin sa school para sa isang activity. At nakita kong kasama niya sina Christian at barkada niya.

Nakainom ka. Ipahinga mo lang yan John.

And I got no response from him. Nakita ko sa chat box namin.

Seen 3:08 PM. Okay here goes tanga mode on. Nagpakatanga na naman ako para sa isang manhid na tao.

The day after.....

"Bakit ba siya ganyan?! Letse nayan ha? Nakakasuka na ang ginagawa ng lalaking yan sayo Rika!" Kinausap ko si Jessica about the "sayo" thing at eto na siya ngayon, nagwawala.

"He's just drunk. Let's understand Jessica. Kilala naman natin yun. Hindi siya ganung tipong lalaki." Mabilis na ang hininga ni Jessica. Natataranta ako dahil baka maghyperventilate na naman eto.

"Jessica calm down. Huy!"

"I swear if he do that again? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa gagong yun! Well yes, he's not that type of person. But that was BEFORE! Before Jyle broke up with him. He's nothing but a stupid jerk!" Bumuntong hininga ako. Nandito kami sa court ng campus namin. Lunch break at meron pang 40 minutes free.

Forever Chasing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon