Days, weeks, months have passed. At ngayon ay naghahanda na kami para sa js promenade namin na magaganap this February 15. 8 palang ngayon pero puspusan na ang paghahanda.
"Ngayong hapon na daw natin malalaman ang partners natin from the Juniors. Excited nakoooo." Masayang bungad ni Carl sakin pagpasok ko palang sa room. Nadatnan ko naman si Jessica na natutulog.
"Mabuti ka pa! Excited. Palibhasa marami kang ka close sa kanila." Nagkibit balikat siya at ngumisi sakin.
"gusto mo papuntahin ko nalang si Henry dito? Para naman magiging masaya last dance mo. Ayieee." Inirapan ko naman siya. Heto na naman tayo sa Henry nayan. Ginawan pa nga kami ng pangalan eh. Henrika daw. Tung baklang to, di makaget over. Halos 5 months nayun eh.
"Tigil tigilan mo ko dyan dear." Tinawanan lang niya ako at pumunta na kami sa aming upuan. I tapped Jessica's shoulder. Tumingala siya.
"Hmm. Bakit?" Paos pa ang kanyang boses. Umayos siya ng upo at tinignan ako.
"Hoy, ikaw ha? Anong usad ng relasyon niyo ng cousin ko?" Agad namang namula ang pisngi niya. Nagmaang-maangan pa siya.
"Asus! Ikaw ha?! Gusto mo tanungin ko nalang siya para walang cobwebs diyan sa puso mo?" Agad naman siyang umiling. Tinawanan ko lang siya at naghanda na sa mga assignments ngayong araw.
"Sino last dance mo?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Jessica. I then asked her if we could go to the canteen for some early snacks.
"Finally moved on?" Di ko mapigilang lumingon sa kanya nung tinanong niya yun. Humalakhak naman siya and raised her hands for defense.
"Ewan?" She just shrugged at my response and then we went back sa room.
"Goodmorning!" Binati naman namin si ma'am pabalik. Nagsimula na siya sa mga leksyon niya sa mathematics.
"Oh class? It's your schedule for the mass today right? Sige... Maghanda na kayo." Tumayo na kami at pumunta na sa chapel ng campus namin. We, being a recoletos school/ catholic school have scheduled masses for every year.
"Mukhang isa siya sa magseserve ngayon Rika." Alam ko kung sino ang tinutukoy nila. Tumango naman ako kay Carl at tumabi kay Jessica at Althea. Nagsimula na ang opening prayer at tumayo na kami.
"He keeps looking at Qiara's direction." Rinig kong bulong ni Althea. Ngumiwi naman si Jessica at tinignan ang magiging reaksyon ko. I wore a plain face but inside me are broken pieces of my heart breaking. Yung basag na nga, mas lalo pang binasag.
BINABASA MO ANG
Forever Chasing (COMPLETED)
RomanceForever chasing, yeah that's what I'm basically doing. Since I was high school up until now, I wonder why my situation is like that somehow. Am I being punished by hurting the people who loved me the most? Or am I like an unseen ghost? Will I eventu...