From a distance

15 1 0
                                    


"Classmates tayo!" Sigaw ni Jessica papalapit sakin. She smiled and hugged me.

"Sino pa? Si Althea? Sina Carl?" Nagkibit balikat siya at inakay na kong pumasok sa room. Umupo kami sa may bandang likuran.

"Grabe! Parang tayo lang ang pinakabata noon pero ngayon, gorang na tayo ng campus. Kaloka." Sabi ni Carl habang namataan ko siya papalapit sa amin habang nagpapaypay.

"Musta bakasyon? I mean musta ang wasak mong puso? Nagbakasyon ba talaga yang heart mo o hindi?" He crossed his arms across his chest while looking intently at me.

"Sira ka! Sino pa ba sa barkada ang narito?" Tumahimik sila. Nang tignan ko kung sino ang tinatanaw nila sa may labas, nakita ko siya.

"Classmate na naman kayo. Makakaya mo ba yan dear? Hays, eto talaga si tadhana, laging umeepal." Humalukipkip siya at ngumuso sakin. Binalewala ko siya at humarap na sa board. Bakit ba kasi classmates na naman kami? Mahihirapan ako neto eh.

Lihim ko siyang tinignan ngunit yun lang ding pagkunot ng noo ko. Tinawag ako ni Carl at nilingon ko siya wearing the same expression.

"Oh? Anong kinukunot ng noo mo diyan? Hindi mo gusto andito siya? Bitter ka na?" Tinignan ko lang siya at umiling lamang. Hindi naman sa bitter nako, andito palang kasi eh. Siya parin. Gusto ko nang mawala to. Pero mahihirapan nga naman ako.

Sina Qiara na naguusap kasi ang nakita ko kanina. 

"Hay, seating arrangement na naman. Tabi tayo ah? Tayong apat lang narito. Sina Althea, Tonette at iba nasa kabila." Tumango ako sa kanya at nilingon si Jessica. May sinusulat ata? Focus na focus eh. Well, there goes my ever poetic bestfriend. Palagi kasing ang lalim ng mga sinusulat.

"Nicolai! Musta?" Ahm. Insensitive talaga tung baklang to. Awkward naman. Tung si Carl pa kasi, pinatabi pa sa kanya, nasa likuran ko pa tuloy siya.

"Balita ko nagkakamabutihan na kayo ni Qiara ah? Ano? Kayo na?" I was triggered by Carl's question pero i tried to stopped myself from looking at him. I just waited for an answer. Which didn't happen. Tawa lang kasi ang naging sagot niya.

"Bilis ng balita ah? Sige dun muna ako." Umismid si Carl at inirapan si Nicolai. Parang di nakontento sa sagot.

"Paligoy ligoy pa eh. Obvious namang he's head over heels sa amega ko. Tsk." Maktol na bulong ni Carl.

Forever Chasing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon