CHAPTER 17: "REVEALED IDENTITY"

68 2 1
                                    

 

KEITH’S POV

 

 

Naku naman! May pagkapasaway pala sina Andie at Yumi, haaaaY! Kakaasar naman!

Kung saan-saan namin sila hinanap ni Kevin hanggang sa makarating na nga kami sa bahay ni Manang Rosa yung dati naming kasambahay nung nakatira pa kami dito. Buti na lang at napadpad sila doon kung hindi, ewan ko na lang kung ano ang gagawin ko.

Haaay! Isa pa sa nakakaasar eh nung masabi ni Manang Rosa kina Andie at Yumi yung palayaw ko dati na ‘Kitoy’ haaaaay! >.<

Bawas pogi points din yun kay Andie.. L

Kaya nga pala ‘KITOY’ ang palayaw ko dati kasi maliit daw ako nung bata ako. Haaay! Mga matatanda nga naman talaga kung anu-ano ang pinapangalan.. ang weird nila di ba? Masyadong makaluma! Tsk! tsk! tsk!

Medyo nagalit ako ng konti kina Andie at Yumi dahil sa nangyari sa kanila paano na lang kung may masamang nangyari sa kanila, eh di kasalanan pa namin ni Kevin pagnangyari yun.

Pero nag-alala naman ako, lalo kay Andie kasi pagnalaman ng mga magulang niya baka sabihin pa nila na pinapabayaan namin sila at eto pa ang masaklap pagnalaman nila na nangliligaw ako kay Andie baka ipatigil pa nila, (huwag naman sana!)

Nang makarating na kami sa bahay, hindi na ako umimik pa siyempre baka tawagin na naman nila akong ‘KITOY’ eh ayaw na ayaw ko pa namang tinatawag ng ganon. Ang bantot kayang pakinggan, sa gwapo kong ‘to tapos yun ang itatawag sa akin. Haaay!.. Anyeo! Anyeo! Anyeo! (No! No! No!)

YUMI’S POV

 

 

Hindi ko inakala na yung mayabang at sutil na si Keith ay may tinatago-tago palang sikreto. Buti na lang at napadpad kami sa bahay ni Manang Rosa, salamat sa kanya at may magagamit na kaming pang-asar sa kanya sa tuwing aasarin niya kami (bwahahaha!)

Ang hilig-hilig kaya niyang mang-asar pero napansin ko lang hindi na ata siya nang-aasar ngayon??

Hay, I’m sure dahil na naman kay besie kaya medyo tumino na siya ng kaunti, hehe! Oo kaunti lang hindi pa totally!

Medyo natatawa naman ako nung marinig ko yung pagtawag ni Manang Rosa kay Keith, ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng ganong nickname noh! :]]

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon