CHAPTER 11: "LETS HAVE A DATE?"

81 3 0
                                    

 

 

 

YUMI’S POV

 

 

Pumunta kami sa isang resto na malapit sa school para kumain. Pagkarating namin sa resto eh agad akong umorder ng makakain, hindi ko na tinanong kung ano ang gusto nila kung anong oorderin ko eh yun na din ang kakainin, eh sa gutom na gutom na talaga ako eh. After kong umorder pinuntahan ko na sina Andie. While waiting for our food, nag-usap muna kami ni Andie, si ate bebang naman nakikinig lang kasi hindi naman siya makarelate sa pinauusapan namin ni Andie. ^^

“besie, nagtext na ba sayo si Kei este si Keith?” tanong ko kay Andie

“ah eh, hindi pa, bakit mo naman natanong?” sagot naman niya

“wala lang, eh kung ikaw na lang kaya ang unang magtext?” suggest ko sa kanya

“ha? Ano naman ang sasabihin ko?”

“na sabihin mo na magkita kayo at mag-usap” pagkindat-kindat na sagot ko, haha..

“hwag na, baka kung ano na naman ang sabihin niya. Alam mo naman yun ang hilig-hilig mang-asar at makitid din ang utak nun baka kung ano pa ang isipin niya” naiinis na sabi ni Andie, kung sabagay may point siya

“okay ikaw bahala, wala namang mawawala kung ita-try mo”

 

“pag-iisipan” maikling sagot niya

“sige” naku! Si besie talaga kung minsan may pagkamaarte..

After few moments sawakas dumating na ang order namin. Sawakas mapapakain ko na ang mga tummy bears ko na kanina pa nagwawala sa sobrang gutom. Wahaha!

“uy besie! thanks dito sa food ha?” sabi ko habang patuloy sa pagsubo

“oo naman besie, kain lang ng kain ha?” sabi ni Andie sa akin “oh, ikaw rin ate bebs magpakabusog ka din” sabi naman niya kay ate bebs.

“oo naman!” sabay na sagot namin ni ate bebs

“ako nga dapat ang magpasalamat eh, kung hindi dahil sa inyo, kung hindi dahil sa pagchi-cheer niyo hindi ko siguro nakaya yun, salamat talaga” pagpapasalamat ni Andie sa amin

“ano ka ba besie, I told you! Nasayo na ang lahat!” nakangiting sabi ko, sabay tawa naman sila ni Ate bebs.

After naming kumain umuwi na kami. Siyempre kailangan din naming magpahinga noh? Hindi naman kami robot na walang pakiramdam! ^^

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon