CHAPTER 39: "PAIN"

57 1 0
                                    

Audiesseus’ Note: You Can play the video...

KEITH’S POV

I know Andie was hurt. *sigh*

Anak ng tokneneng naman kasi oh! Napakasarap sapakin ni Max! Please lang pigilan niyo ako!! Parang awa niyo na, pigilan niyo ako!

“are you okay?” tanong sa akin ni Kevin after that packing tape incident! >??<

*sigh* isang buntong hininga lang ang tanging naisagot ko.

“explain to Andie what happened, I know she’ll understand” payo sa akin ni Kevin.

“hay sana nga” malungkot na sabi ko.

“ano pang hinihintay mo, habulin mo na!” sabi ni Kevin kaya naman hinabol ko sina Andie.

“Andie!” sigaw ko kahit na pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante ngunit patuloy pa rin sa paglalakad sina Andie.

“Andie!” sigaw ko ulit pero parang hangin lang ang sigaw ko.

“Andie! Let me explain!” sigaw ko ulit habang hinahabal pa rin sila na palabas campus.

“Andie! Please let me explain!” sigaw ko ulit kaso hindi pa rin sila tumitigil sa paglalakad.

Sumakay sa kotse niya si Andie kaya sinundan ko siya sa kung saan man siya papunta. Hindi ako titigil hangga’t hindi niya pinapakinggan ang paliwanag ko. And wala naman akong kasalanan sa nangyari.

At Andie’s house...

“Andie! Alam kong naririnig mo ako!” sigaw ko mula sa labas ng bahay nina Andie.

“Andie! Please mag-usap naman tayo! Please! Hindi ko pa nasasabi sayo ang dapat kong sabihin!”

“Andie! I will explain everything! Kausapin mo na ako, please!”

Nang biglang lumabas na siya. Nabuhayan naman ako sa paglabas niya.

“hay sawakas! Lumabas kana Yatie!” I said with a graceful voice.

“hindi ako lumabas para kausapin ka, please lang umalis ka na” pagtataboy niya sa akin, hindi siya makatingin sa akin.

“please listen to me, Andie” pagmamakaawa ko.

“Keith, please lang kailangan ko munang makapag-isip” sabi niya nang hindin nakatingin sa mga mata ko.

“hindi ako aalis hangga’t hindi mo pinapakinggan ang paliwanag ko” pagpupumilit ko.

“please lang Keith!”

“Okay, I’ll stay here wether you like or not! Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap! Kahit na umulan pa nang pagkalakas-lakas, hindi pa rin ako aalis dito” pagkasabi ko ay tinalikuran na niya ako nang tuluyan.

ANDIE’S POV

Naexcite naman ako sa sasabihin ni Keith. Bakit kaya hindi pwedeng sabihin sa phone!

“besie tara, puntahan natin sina Keith!” sabi ko kay Yumi na excited.

“okay!” matipid namang sagot niya.

Nang papalapit na kami sa kinaroroonan nila, nakita namin si Maxene kasama ang mga kaibigan niya. Kaya hindi kami kaagad nakalapit kina Keith. Ilang  hakbang lang ang pagitan namin pero kitang-kita ko ang mga nangyayari. Nang biglang hindi ko matake ang nagaganap...

What is the meaning of that??! O.o’

Iyan ba ang gusto niyang sabihin??

Nanlambot ang mga tuhod ko sa mga nasaksihan ko. Pinilit kong hindi umiyak.

After that scene ay umalis na sina Maxene at ang mga kaibigan niya na parang walang nangyari and worst is, mismong sa harap namin sila dumaan kaya naman napansin nila kami. Parang kanina lang ay hindi kami nag-eexist sa mga ginagawa nila.

Ang lakas naman ng loob niyang batiin ako!

 Nang makaalis na sila ay lumapit sa amin si Keith. I tried to look at him but I can’t! Parang nag-eecho pa rin sa utak ko ang nangyari.

Kaya naman hindi ko na hinintay na sabihn niya sa akin kung ano man ang sasabihin sana niya.

I tried my best para hindi pumatak ang mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Habang papalayo kami kina Keith. Si Keith naman sumunod sa amin.

Ang dami niyang sinasabi pero lahat ng mga sinasabi niya parang hangin lang na dumadaan sa tenga ko. Hindi ko marinig dahil ang tanging laman ng utak ko ay ang nangyari.

“ang sakit besie!” sabi ko kay Yumi habang patuloy kong pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

“i know besie, pero hindi mo man lang ba papakinggan ang paliwanag niya?”

“PALIWANAG!” medyo napataas ang boses ko “para san pa’t papakinggan ko ang paliwanag niya. Malinaw pa sa sinag ng araw na hindi siya sincere sa panliligaw niya”

“besie, minsan huwag kang basta-bastang maniniwala sa mga nakikita mo, madaling malinlang ang mga mata ngunit hindi ang iyong puso, dapat matuto kang ring makinig”

“I know besie, but it hurts me so much!”

“I know you’re hurt but try to listen to his explanations, okay?” then she tapped my back “una na ako besie, sorry kung hindi na kita masasamahan pauwi” pagpapaalam ni Yumi.

“it’s okay, I also need to think, bye besie!” malungkot na sabi ko.

“try to listen to him, okay?” sabi ulit ni Yumi then tuluyan na siyang umalis lulan ng kanyang kotse.

*sigh* Ano naman kaya ang mangyayari kung papakinggan ko siya??

Oo na sige na! Papakinggan ko na siya pero hindi pa ngayon! Masakit eh! Sobrang sakit!

Nang makarating na ako sa bahay, papasok  na sana ako sa kwarto ko nang biglang may sumisigaw mula sa labas. Nang silipin ko, si Keith! Si Keith? 0.0

Talagang sinundan niya ako!

Hindi ko na sana siya pupuntahan kaso sigaw ng sigaw. Kakainis! >///<

Baka magalit pa ang mga kapitbahay. Nakakahiya naman.

Before I face him I gathered all my strength and I tried not to cried infront of him.

Sinabi ko na ang dapat kong sabihin para mapaalis siya kaso mapilit siya kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari.

Bakit nga ba ako naaapektuhan? Hindi pa naman kami, di ba?

Don’t tell me, I have fallen for him?? That fast?!

Pero bakit labis akong nasasaktan??

Mahal ko na ba talaga siya??

Oo na inaamin ko mahal ko na siya at galit ako sa sarili ko dahil minahal ko siya kaagad!

Kung gaano kabilis magmahal ng puso ko, gano din kabilis masaktan! Kaya nga takot ako nung una sa mga nararamdaman ko para kay Keith dahil alam kong masasaktan at masasaktan ako! Kaya eto ako ngayon, umiiyak...

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon