CHAPTER 20: "YABIE AND YATIE'S MOMENT"

68 2 0
                                    

 

KEITH’S POV

 

 

 

Nabighani ako kay Andie nung makita ko na nakasuot siya ng pangswimming, hay, ang lakas talaga ng dating niya.

‘kaya dapat seryosohin mo na siya’ sabi ko sa sarili ko, oo tinamaan na talaga ako kay Andie, ewan ko ba kung anong ginawa niya sa akin at nahulog na ‘kong tulayan sa kanya??

 

“oh you look beautiful” nakangiting sabi ko kay Andie nang makita ko siya.

 

“bolero!” sabi naman niya.

“seryoso, ang ganda mo!” sabi ko naman na nakangiti pa rin.

 

“haha! May sakit ka ba Keith?” tanong naman niya sa akin.

 

“wala noh! Tara magswimming na nga lang tayo?!” pag-aaya ko sa kanya.

“hindi ako marunong lumangoy eh” sagot naman niya.

“don’t worry, I’ll teach you” nakangiting sabi ko naman, haha! Dagdag points na ‘to ay hindi pala pangbawi lang, hehe! Alam mo na, the err ‘kitoy’ thingy, then hinawakan ko ang kamay niya.

“Mr. Rodriguez! Siguraduhin mo lang na hindi ako malulunod, okay?! Kung hindi...”

 

“kung hindi ano?” pagputol ko sa paglilitanya niya.

“nevermind, tara na?” sagot naman niya.

“sige, tara na nga at sayang pa ang init ng araw” sabi ko naman sabay hila sa kanya papunta sa tubig.

 

“Keith! Sa mababaw lang tayo, ha?” sabi ni Andie, ano ba naman si Yatie parang bata, takot sa tubig! Tsk! tsk! tsk! pero kahit ganyan siya, mahal ko siya, hehe! Oo na ako na si Mr. Bully that turned to be Mr. Lover! Hehe J

Wala tayong magagawa eh, yun ang gusto ni Heart!

“ano ka ba, di ba sabi ko akong bahala sayo!”

 

“okay” sabi naman niya then tuluyan na kaming pumunta sa tubig siyempre, chance ko na ‘to para mas mapalapit pa sa kanya.

“dapat magpadala ka lang sa alon dahil kung pupwersahin mo, malulunod ka” payo ko sa kanya.

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon