CHAPTER 46: "BY YOUR SIDE"

35 1 0
                                    

Audiesseus' Note: Sorry for a very slow update. I hope you understand. Enjoy!

YUMI’S POV

Wohohohohoo! Wondering why I am shouting? Well, Monday lang naman ngayon and anong meron sa Monday? Well. Ngayon lang naman ang start ng Inter-school namin. Hihi. Remember my dare to my three lucky friends? Hehe.. I’m very sure na nangangatug na ang mga tuhod nila sa kaba. Hahaha! Hindi lang sa laban nila, siyempre idagdag mo pa yung dare ko. Hihihi.

May pagkakuripot kasi ang mga yun eh kaya alam ko na kinakabahan na sila na baka matalo sila sa dare ko. I know it’s hard to win pero kung talagang gugustuhin nilang manalo kaya nila. But wait! Pano kung hindi sila manalo lahat? What if si Andie lang ang nanalo? O sina Keith and Jed? Hay! Bakit hindi ko naisip yun. Ah basta they need to win whether they like it or they truly like it. Wahahaha! Eh sa mga kuripot yung mga kaibigan ko eh. Hihi...

Hindi lang naman para sa ikabubuti ng bulsa ko yung dare ko sa kanila eh, para rin sa kanilang pansariling karangalan yun at higit sa lahat para sa karangalan ng aming minamahal na eskwelahan. BOW. Haha! Hooo! Lalim nun pre!

Oh well, I need to reserve my voice for cheering my BELOVED friends and of course my One and Only Jed my loves, my darling so sweet. Hihihi. Hayaan niyo na muna akong lumandi tutal Monday naman. Hihihi. Minsan lang mangyari sa isang taon ang mga ganitong event kaya lulubus-lubusin ko na haha. At isa pa last year ko na/namin na maging high school kaya dapat lang na sulitin namin ang mga natitirang araw namin bilang high school. Oh my! Bilang na pala ang mga araw ko para makasama si Jed my loves, my darling so sweet! Aaaah! Oh well, hindi ko muna iisipin yan, ang mahalaga para sa akin ngayon is manalo sila ngayong inter-school. Tsaka na yang mga kadramahan na yan. Wala sa mga nakaplanong mood ko para ngayong araw na ‘to ang magdrama.

Makapasok na nga sa school at baka kung saan pa mapunta ang mga iniisip ko.

While on my way, biglang nagring ang phone ko. Hay! Sino naman kaya ‘tong panira ng moment na ‘to. I’m driving you know! Ay oo nga pala hindi niya alam haha, kung sino man yan.. tss... Mamaya ka na, okay? Mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa kung ano mang kailangan mo sa akin.

When I arrived safely tsaka ko inatupag yung istorbong nagpatunog sa cellphone ko.

Anak ng tilapia, tahong, talaba, talangka naman oh!

Akala ko pa naman nakalimutan na niya akong kulitin pero hindi pa pala! Argh! He makes me angry. Kaaga-aga! Alam niyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, di ba? Sa mga hindi po nakakaalam si Mr. Strangey lang naman po ang nanira ng maganda kong mood. Well, kung nagtataka kayo sa kung anong sinabi niya.

It goes like this...

Message received from: Mr. Strangey!

Hey babe! I miss you! How are you? I hope I can see you.

Take care.

p.s.

I love you... :D

Argh! I hate it! I really hate that packing tape tape strangey na yan! Eeeewww! Nobody says ‘I love you’ to me that easy,huh! Only my parents can say ‘I love you’ to me. At kung may magsasabi man ng ganyan sa akin dapat yung taong mahal ko lang at dapat mahal ko rin. At tsaka bakit parang napaka-FC naman niya? Ni hindi ko nga kilala ni anino niya eh. Kung saang lupalop ng planetang Kafeelingan siya nagmula.

Oh well, bago pa tuluyang masira ang araw ko nang dahil diyan, I’d rather find my beloved friends and be ready to cheer for them at tsaka kailangan ko pang instruct’an ang nabuo kong cheering squad. :D

Oh! By the way this event will lasts for 3 days, so meaning three days akong masisisigaw. Yaay! I’m gonna lose my voice! Oh well, papel okay lang basta para sa mga minamahal kong kaibigan.

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon