CHAPTER 14: "BEING SILENT IS NOT A CRIME"

75 2 0
                                    

 

ANDIE’S POV

 

 

Maaga akong nagpahatid kay Mommy sa bahay nina Yumi para dun na lang hintayin sina Keith.

Pagbaba ko sa kotse agad akong nagpaalam kay Mommy.

“oh pano ba yan Ma, mawawala po muna ang pinakamamahal at pinakamagandang anak niyo ng ilang araw” biro ko kay Mommy.

“asus! Kung hindi lang kita anak eh malamang hindi kita pinayagan sa vacation niyo na yan lalo pa’t boys ang makakasama niyo” nakangiti namang sabi ni Mommy.

“kaya nga po love na love kita eh!” nakangiting namang sabi ko.

“oh siya sige, ingat kayo dun ah and don’t forget to call me when you get there, okay?” sabi ni Mommy sa akin.

“opo, kung gusto niyo pa nga po eh tatawagan ko kayo everyday eh ay hindi lang po everyday every hour!” biro ko kay Mommy.

“ikaw talagang bata ka ang dami mong alam na kalokohan.. sige alis na ako.” Pinaandar na ni Mommy ang kotse “ingat kayo dun. Oh siya sige alis na ako at baka malate pa ako sa meeting” then Mom kissed me on my cheeks.

“opo. Ingat din po kayo” sabi ko naman then umalis na siya.

Hay, ang sweet talaga ng Mommy ko. Kaya love na love ko siya eh.

Nung makalayo na si Mommy eh pumasok na rin ako sa bahay nina Yumi. Pagkapasok ko agad naman akong sinalubong na mahal kong besie.;)

“oh hi besie!” bati niya  “akala ko hindi na tayo matutuloy?” may halong pag-aalala na sabi pa niya.

“asus! Sa mga sinabi ba ni Keith eh hindi na tayo matutuloy! Tsk! tsk! siyempre tuloy pa rin and besides wala naman akong dapat na ikatakot noh!” nakangiti namang sabi ko.

“tama ka diyan besie!” pagsang-ayon naman niya.

“eh anong oras ba tayo aalis?” tanong ko kay Yumi.

“abay ewan ko! Di ba ikaw ang katext ni Keith, di dapat alam mo kung anong oras?”

 

“ay oo nga pala noh! Sige itetext ko na lang siya, tatanungin ko kung anong oras nila tayo susunduin para naman hindi tayo magmukhang sira na naghihintay sa kanila” sagot ko naman, kaya kinuha ko ang cellphone ko at agad tinext si Keith.

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon