CHAPTER 22: "THE GAME IS OVER"

76 2 0
                                    

 

YUMI’S POV

 

 

 

Hindi talaga ako makapaniwala na nasabi ko kay Jed ang nararamdaman ko para sa kanya. Para bang may kung ano na humila sa dila ko para sabihin yun.

Pero bakit ganon, pagkatapos kong  masabi yun eh parang mas lalo pa ako nafa-fall sa kanya, ewan ko ba?

Parang may magnet na humahatak  papalapit sa kanya. Ewan ko kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang nararamdaman ko, lalo pa’t sinabi niya na siya na mismo ang gagawa ng paraan para ma-fall ako agad sa kanya. *sigh* You don’t do this to me! ^^

“hindi ka pa ba naiinitan?” tanong ko kay Jed habang nakahiga pa rin kami sa may buhangin.

“hindi ka ‘to! bakit sumusuko ka na?” mahinang sagot niya, kaya pa daw eh mukhang konti na lang eh bibigay na siya! Wahaha!

“ako susuko? Hindi noh! Kayang-kaya ko pa, ikaw siguro ang susuko na” sagot ko naman.

“naku! Kaya ko pa talaga!” he said then he smiled.

“weh? Maniwala na ako, eh ba’t parang nanghihina ka na?” tanong ko naman.

“naku, Sandy tigilan mo na nga yan!” sabi niya then pinisil na naman niya ang pisngi ko.

Ginagalingan ko talaga para hindi ako maging alipin ni Jed, hehehe! Ang pangit kaya tignan pag babae ang nagin alipin, di ba?

Tinignan ko si Jed “uy! Okay ka pa ba?” tanong ko sa kanya.

“parang” maikling sagot naman niya.

“alam mo, sumuko ka na kasi, tanggapin mo na lang kasi na mas matibay at mas magaling talaga ako sayo” biro ko sa kanya.

“alam mo kaya lang naman ako nandito kasi magmumukha kang kawawa na ewan kapag iniwan kitang mag-isa dito at tsaka, kaya pang absorbin ng katawan ko ang init” sagot naman niya tapos pinisil na naman niya ang pisngi ko >.<

Buti na lang at matibay ang pisngi ko, kung hindi malamang pangit na sa kakapisil niya, wahaha!

“talaga lang ha, we’ll see” sagot ko naman at pumikit na din ako.

“sige ba, basta kung sino man ang matalo dapat sundin yung consequence” sagot naman niya.

“wait! Ilang oras na ba tayong nakabilad dito?” tanong ko sa kanya.

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon