CHAPTER 40: "STRANGERS"

50 0 0
                                    

Audiesseus' Note:

For better reading, you can play the song on the side..

Hate that I love you by: Boyce Avenue J

Okay eto na ang chapter 40...

Enjoy!

ANDIE’S POV

I am not feeling well today so I’ll just ask Yumi if she can give me a ride. So I called her...

“besie” sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

“anything I can do for you besie?” tanong naman niya mula sa kabilang linya.

“uhm, pwede ba akong sumabay sayo?” tanong ko.

“sure, I’ll be there in a minute, just get ready” sagot naman niya.

Hay, buti naman at pumayag siya.

“thanks besie” pagpapasalamat ko naman.

“no problem, basta ikaw. By the way, are you okay?” tanong pa niya.

“I don’t think so” medyo nagtone down na sabi ko.

*sigh* napabuntong hininga na lang siya, siguro ay hindi rin niya alam ang sasabihin niya.

“bye besie” pagpapaalam ko bago pa ako mapaiyak. Ewan ko ba kung bakit parang ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.

Alam ko naman na wala pa akong karapatan para magalit ng sobra kay Keith.

Wala pa kami sa final stage, pero masakit talaga kasi malapit na kami dun e.

Also, I’m not yet ready to hear his explanation. Ang gusto ko ay bago ko pakinggan ang paliwanag niya ay dapat wala nang part two yun kung wala na ay tsaka ko lang siya papakinggan.

All I want to do right now is, not to talk to him, not to look at him and if possible, I don’t want to see him today. *sigh*

Hay, ganto ba talaga ang pakiramdam kung nagmamahal ka na, yung nagseselos ka o nasasaktan. Basta yung mga feeling na mahirap i-explain, yung bang basta-basta na lang umaatake...

Ganon ba talaga??

Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko, hindi ko na namalayan ang pagdating ni Yumi kaya ayun sigaw na naman ng sigaw si ate bebs.

“Andie! Nandito na si Yumi!” sigaw ni ate bebs mula sa labas.

Hindi na lang ako sumagot dahil wala ako sa mood makipagsigawan. Parang nawala lahat ng lakas ko dahil sa kakaiyak. *sigh*

Ang pangit pala ng epekto ng sobrang pag-iyak

Kaya kung pwede lang sana e last na yun. Ayoko na talaga.

I want it to be the first and last na iiyak ako dahil kay Keith.

But I’m not closing my heart for him.

Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko siya mahal.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya simula nung magkasama kami ng halos dalawang linggo.

....

Lumabas na ako ng bahay kaysa naman sa sumigaw pa ulit si ate bebs e ang lakas pa man din ng boses niya, rinig kahit sa kabilang street kaya nga minsan nagrereklamo na mga kapitbahay namin e. Pero kahit ganyan yan, masipag at magalang yan. Kaya mahal na mahal namin siya e.

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon