CHAPTER 29: "MEMORIES"

65 1 0
                                    

 

YUMI’S POV

Ang sweet talaga  ni Keith. Ewan ko ba sa mokong na yun.. talagang tinamaan na sa besie ko. Hindi naman siya ganyan dati.

Hay. Kakainis naman naiinggit ako! Puro na lang ako “sana” kailan naman kaya ako makakarana ng ganon?? -.-

 

Be patient Yumi, the right time will come and the right person is just an inch away from you. J

“oh Sandy, ba’t parang ang lalim-lalim ata ng iniisip mo?” panggagambala ni Jed my loves, my darling so sweet sa pagmumuni-muni ko.

“ha? Ah eh...” tanging nasabi ko naman.

“anong meron at parang nauutal-utal ka na naman?” natatawang tanong niya.

 

“hindi ah! Natanggal ko na yun no! At isa pa wala naman akong dapat na ikautal no!” depensa ko naman.

“oh easy ka lang, lumalaki ang butas ng ilong mo oh!” natatawang sabi niya. Napahawak naman ako sa ilong ko.

“hindi kaya!” sabi ko naman.

“oh siya, kain muna tayo” pag-aaya naman niya.

“sige” sagot ko then tumayo na sa kinauupuan ko “wait nasan sina Andie at Keith?” tanong ko pa.

“nandun na sila, ikaw na lang ang wala.” Sagot niya “Paano ba naman kasi inuuna ang pagsesenti” pagpaparinig pa niya.

“sorry naman po!”

Ano ba kasing nangyayari sa akin??? Wake up Yumi! Wake up!

Buti na lang at nandiyan si Jed my loves, my darling so sweet. :*

*sigh* aalis na pala kami dito sa RH. Grabe, ang bilis matapos ng bakasyon namin. Parang kailan lang.

Mamimiss ko ‘tong place na ‘to. Ang daming magagandang alaalang nangyari dito. Sa sobrang dami eh mukhang hindi na kasya sa utak ko. Hehe! Biro lang. J

Una, dito sa lugar na ‘to nangligaw si Keith at nagharana kay Andie. Na ikinagulat at ikinatuwa din  naman niya.

Pangalawa, dito kami mas naging close ni Jed my loves, my darling so sweet. Dito ko siya naging alalay/alipin. Hehe! But sad to say it will also end up here. L drama? Hahaha!

Started With A Text! (SWAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon