"OMG!!!!" first day of school late pa ata ako!!!!, kung bakit ba naman kasi hindi ko namalayan ung alarm ko?! Sige lang Jaenie Alisha sisihin mo pa yung alarm!, ikaw itong natulog ng alas dos ng umaga, ewan ko kung hindi ka ma-late ng gising -.-".
*ring ring ring* argh !!!, naiinis na ako, hindi na ako nakapag ayos at nakapag suklay! Isabay mo pa itong pag ri-ring ng phone ko, tiningnan ko ang caller at nakita ko ang bestfriend kong si Jesieca sa caller name, sasagutin ko na sana pero inend naman niya ung call.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan para sana mag breakfast, ngunit napatingin ako sa watch ko at 6:00am na, 7:00am ung class ko kaya kumuha na lang ako ng hotdog at uminom ng tubig at dali dali na akong naglakad patungo sa garage upang makasakay na sa kotse ko.
"Anak!, Jaenie kumain ka muna bago ka umalis"
narinig ko pang sigaw ni Mommy, ibinaba ko ung bintana ng kotse ko."Hindi na Mommy late na ako eh. Iloveyou Mom !!!!" Then nag flying kiss ako sa kanya, nakita ko namang abot ang ring ng phone ko sa pag tawag ni Jeca, pero hindi na ako nag abala pang sagutin ang tawag niya.
"Matetest ko ata uli ang bilis kong magpatakbo" at pinaharurot ko na ung kotse ko.
------------
Malapit na!! natatanaw ko na ung gate ng University ng mapapreno ako ng malakas na halos mabali na ung leeg ko sa sobrang lakas dahil sa pagsulpot ng isang itim na Porshe sa harap ng Vios ko, tumigil ang sasakyan sa harap ng gate, na para bang siya ang may ari ng University at nung harap ng gate.
*beep beep beep beep* sunod sunod kong pindot sa busina ng sasakyan ko.
Napatingin naman ako sa watch ko at 6:30 am na. Napamura ako
"Sh*t naman oh kung kelan nagmamadali ako saka naman may ganito" hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumaba na ako ng sasakyan ko at nilapitan ang nakatigil na Porshe sa harap ng entrance gate. Kinatok ko ung bintana ng kotse ng kung sino mang nilalang ito. Agad din naman niyang binuksan.
"Yes?" Isang napakagwapong nilalang ang bumungad sa akin. Pero hindi ako dapat magpakita ng pagkamangha.
"Sa'yo ba itong University at iyang harap ng entrance gate?" Mataray kong tanong. Ha! akala mo.
"Why? It's not yours either" aba !!!!!
"It's not mine pero nakakaabala ka kasi eh, late na ako at nagmamadali, when suddenly bigla mo na lang inihinto iyang sasakyan mo" inis kong sinabi.
"Well, it's not my fault" he grinned.
"Omygosh!, nakakasira ka ng umaga! bahala kana nga d'yan" bakit ba ako mag aaksaya ng oras ko sa isang napaka yabang na lalaki lang. Tumingin naman ako sa watch ko at nakita kong 6:59am na. Omgggg.
Dali dali akong pumasok sa may student entrance ng school at nag swipe ng I.D ko, nakipag negotiate pa ako kay manong guard para lang siya na ang mag park ng kotse ko sa Parking 6 kung saan palagi akong nag pa-park buti naman at pumayag rin siya agad.
Tumakbo na ako papunta sa BMAF (Business, Marketing, Accounting and Finance) building. Mabuti na lang at konti na lang ung mga tao sa hallway. Yes! Sakto kakabukas lang ng elevator, 3rd floor lang ako kaya madali lang ito.
Nakarating naman ako kaagad sa 3rd floor at tumakbo na ako sa room namin, kumatok muna ako then binuksan ko ung pinto ng room namin. Iisang tao lang ang nakita kong nakaupo at un ay si Jeca lang.
"Asan ung mga kaklase natin?" wag nya lang sasabihing wala kaming klase at talagang mumurahin ko siya.
"Ha? Naku wala na sila bes, kanina pa silang umalis eh, kasi pumunta dito si Miss Villavicencio at sinabi na hindi na lang daw muna siya mag kaklase" may pataas taas pa siya ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"