Si Justine Mark Andrada, isa sa member ng banda ng University namin, Varsity rin siya ng Basketball ng school, a University model also and one of the most gentleman person I know.
"Nasaktan ka ba Jae?" Umiling lang ako kahit nararamdaman ko ang kirot ng braso ko sa higpit ng pagkakahawak ni Jeff kanina.
"Ako na maghahatid sayo Jae, saan ka ba? Iuuwi na ba kita sa inyo?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
"Sa parking 6 na lang Jus at nandoon ang mga kaibigan ko, for sure kanina pa nila ako inaantay" sabi ko. At tumango naman siya.
----------
"Ho-oy bes anong nangyare sayo?" Tanong agad ni Queen.
"Ang tagal mo naman Jae, san kaba galing? Diba ang sabi mo ay kukuha ka lang ng susi ng car mo?" Sunod na tanong naman ni Camille.
"Nakasalubong ko si Jeff bago ako makarating ng entrance gate then..." pagputol ko sa sinasabi ko dahil alam kong magagalit sila.
"Then ano Jaenie? Sinaktan ka na naman ba niya katulad ng noon?" Medyo inis na tanong ni Lyssa.
"Sinaktan ka niya?, physically ba ulit?" Patay, bakit naman sinabi pa yun ni JM.
"ANO!? PHYSICALLY!?" sabay sabay nilang sigaw.
Palihim kong tinapik si JM dahil sa sinabi niya. "What?" He mouthed.
"Mamaya ko na lang ikwekwento sa inyo baka dito pa kayo mag iskandalo" nakakatakot pa naman ang mga ito pag nagalit.
"Nako huwag na huwag lang namin makakasalubong yang Jeffrey na yan!!! Mababalitaan ninyo na lamang na na-salvage na siya" galit na sabi ni Aira.
"JM maraming salamat sa paghatid mo dito kay Jae, kami na ang bahala" jeca.
"Walang anuman, sigurado ba kayong kaya nyo na?" Tanong ni JM.
"Oo JM kaya na namin, si Queen na lang ang mag dradrive" sabi ni Jeca.
Umalis na nga si JM dahil sa pagtataboy ng mga best friend ko.
"Akin na yung susi Jae, ako na magdradrive, sa inyo na lamang tayo, magpa deliver na lamang tayo" ibinigay ko na kay Queen ang susi ng car, wala na akong magawa eh, inis sila kay Jeff.
----------
Nakarating rin naman kami ka agad sa bahay namin. Nagpadeliver na lang kami ng pizza, fries at starbucks. Then dumeretso na kami sa room ko para doon na then I told them everything.
"Nako! Kumukulo talaga ang dugo ko d'yan sa Jeff na iyan e!" Here we go again.
"Tama na guys, okay na ako, ako na lang ung iiwas pag nagkakita kami ulit" ilang beses ko na ba itong nasabi? Hayyyyssss.
"At iyong si JM, nanliligaw na ba iyon sa'yo?" Tanong ni Camille.
"Hindi, ano ba kayo, kakabreak pa lang namin ni Jeff 3months ago, I'm not over him yet, kahit naman niloko ni'ya ako, minahal ko rin naman siya" ang lungkot akala ko makakapag move on na ako. Pero ang sakit pa rin pala talaga.
"Tama na ha, hayaan mo na siya, wala siyang kwenta. Ibaling mo na lang nga ang atensyon mo kay Leemuel, feeling ko bagay kayo" Leemuel? Ung star player ng basketball team? Ka-model ko rin at ung lalaking dahilan ng mas magka-late ko kanina.
"Huwag na lang noh!!!!, sa inyo na lang kung gusto ninyo, tsaka alam n'yo din naman na pinagbawalan na ako ni Daddy na makipagrelasyon sa iba di'ba? Alam n'yo na sa Sunday na 20th birthday ko, ipapakilala na ako sa nag iisang anak na lalaki nila Mr. and Mrs. Damian Torres" pahayag ko naman.
BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"