LEEMUEL P.O.V
Pag dating na pag dating ko sa bahay namin as in kakapasok ko pa lang biglang sumigaw si Mommy.
"Finally!, my poging anak is here na!" Nakita ko namang todo ngiti si Mommy sa akin, what the heck is going on?
"Ma? Bakit? Anong meron? Ba't parang excited kang makita ako?" Tanong ko kay Mommy.
Pero nakita ko si Daddy na pababa ng hagdan at naka formal attire, ngayon ko lang napansin na pati pala si Mommy ay naka formal dress attire rin.
"Anak, yung suit mo nasa kwarto mo na, magbihis ka na at baka mahuli tayo" ano bang nangyayari? At anak? Tinawag ako ni daddy na anak? Wow.
"Anak, may dinner tayo kasama ang magkapatid na Montenegro, since yung parents nila ay wala dito sa bansa, sila lang magkapatid ang kasama natin, biglaan ito anak, aantayin ka namin ng Daddy mo sa kotse, sa amin ka sasabay, okay?" Mahabang paliwanag ni Mommy.
So wala na talaga akong kawala? Eto na yun? "Alright then, sige Ma, maliligo lang ako at magbibihis na" wala na akong magagawa, eto na nga ata un.
----------
JAENIE P.O.V
"Yes kuya, I'm on my way na, bye" so tuloy na tuloy na ito?. Naantala pa ang date ko kasama mga kaibigan ko. Nako talaga pag yang Gabriel na yan ay nag pa V.I.P pa ewan ko na talaga, ako na mismo ang uurong dito sa kasunduang ito.
----
"Hi bunso" kuya kissed me on my cheeks pagka pasok ko ng front door andoon na s'ya at inaantay ako, naka suit na s'ya, mukang napaka formal nito ah.
"Hi kuya Jacob, akyat lang ako to take a bath and fix myself" ngiti ko sa kanya.
"By the way bunso, may pinadala si Mommy na susuotin mo ngayon sa dinner since di sila makaka attend ni Daddy, Yaya Melba put it on your bed" wow, ready sila ah, tumango na lang ako kay kuya at umakyat na sa room ko.
After I took a shower, nag ayos lang ako ng konti and I curled my hair, then sinuot ko na yung pinadala ni Mommy na gray maxi dress na medyo revealing, I paired it with a black one strap heels, a black clutch bag and a ring (nasa taas po yung photo ng suot ni Jae) humarap lang ako sa full length mirror ko then lumabas na ako sa kwarto at bumaba na para puntahan si Kuya Jacob sa living room na kanina pa ata nag aantay sa akin.
"Kuya okay ba?" Tumingin sa akin si Kuya Jacob at umikot naman ako.
"That's ...... too revealing bunso, si Mommy talaga, but you are perfectly gorgeous" he smiled at me.
"Thanks kuya, kaya nga e, naisahan ako ni Mommy hahaha" at lumabas na kami ng bahay para makarating ma sa restaurant kung saan nag aantay ang mga Torres.
------
LEEMUEL P.O.V
Nandito kami ngayon sa isang French Restaurant na pag mamay-ari ng isa sa mga ka sosyo nila Daddy sa business.
"Anak, act like a man when Alisha and her brother arrive, alright?" Halatang nakiki usap sa akin ni Mommy.
"Oo naman Mom, wala naman na akong magagawa eh" nagkibit balikat na lang din ako.
Pinareserve nila Daddy itong restaurant ngayong gabi, gusto kasi nila ay kami lang ng mga Montenegro ang tao dito.
Hmm, ano kayang itsura ng Alisha Montenegro na 'yon?
"Gab, give this ring to Alisha bago sila umupo ng kuya nya, para may patunay na engage na kayo" pagpukaw ni Dad sa iniisip ko.
Napatingin naman ako sa pinto ng may pumasok dito, isang lalaking parang nasa mid 20's na naka salamin at mukang businessman, marahil ay ito si Jacob Montenegro.
"Good evening Mr. and Mrs. Torres" ngumiti s'ya sa mga magulang ko at humarap sa akin. "Sayo rin Gabriel, magandang gabi" naglahad naman ito ng pakikipag kamay sa akin, at nakipag kamay naman ako.
"Nasaan si Alisha, Jacob?" Tanong ng Dad ko.
"Jae's outside Mr. Torres, she's just talking to Mom and Dad on the phone" Jae? Montenegro? Hindi kaya?---
Napatingin ulit ako sa front door ng makarinig ako ng boses ng babae na nagpa salamat sa nag bukas ng pinto para sa kanya.
"Eto na pala si Alisha e" ngiti ni Mommy ng tumingin kay Jaenie.
Nagtama naman ang mata namin ni Jaenie at bumagal ang paglalakad n'ya.
"Son, puntahan mo si Alisha at alalayan papunta sa table natin" utos sa akin ng aking ama.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Simple lang yung soot nya pero she looks stunning. Inilahad ko naman sa kanya ang kamay ko, nagdadalawang isip pa s'yang ibigay sa akin ang kamay n'ya, isinuot ko naman sa kanya ang singsing na binigay sa akin ni Daddy kanina, at ewan ko ba kung anong nangyare sa akin at hinalikan ko ang kamay n'ya. Nakita ko namang nabigla s'ya sa ginawa ko at tiningnan n'ya ako, malamang ay hindi malaman ang sasabihin, katulad ko ay nagulat rin siguro s'ya.
"Ikaw" Ang tanging nasabi n'ya sa akin.
Dinala ko naman s'ya sa table namin at nakita ko kung gaano kasaya si Mommy at kung gaano ka proud sa ginawa ko si Dad.
"Paanong?" Napatingin kaming lahat kay Jaenie ng magsalita ito.
"Yes sweetie? Is there any problem?" Tanong ni Mommy kay Jaenie.
"Believe me, hindi ko rin alam na ikaw ang Montenegro na sinasabi nila Mommy" sinagot ko naman ang pagka lito n'ya.
"So you two know each other?" Tanong ni Jacob na Kuya ni Jaenie.
"He's my schoolmate kuya and my co-school model" bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ni Jaenie ng sabihin n'ya iyon.
Alam ko nitong mga nakaraang araw na napalapit ako kay Jae, may kakaiba akong nararamdaman, marahil ay nakukutuban na ako na maaaring s'ya ang Montenegro na mapapangasawa ko, pero ngayong napatunayan ko na ito ang unang pumasok sa isip ko ay ang kaibigan kong si JM na alam ko namang matagal ng gusto si Jae.
Kumain lang naman kami ng dinner at nag usap usap lang sila ng about sa gaganaping kasal daw namin sa susunod na month, pero kami ni Jae tahimik lang na nakikinig sa pinag uusapan nila.
"Wala ka bang balak umatras dito?" Pabulong na saad n'ya sa akin.
"Gusto mo bang maipatapon ako ng Tatay ko sa malayong lugar kung hindi ko susundin ang gusto nila?" Pabulong ko namang sagot sa kanya, nakita ko namang sumimangot ito, halatang nawawalan na ng pag asa.
"So Gab, ipinadala ko sa driver natin ang car mo, sayo na lang sasabay si Alisha, para naman makapag kwentuhan kayo" sabi ni Mommy.
Nakita ko namang lumingon si Jae sa kapatid n'ya at parang humihingi ng tulong pero nakita ko naman si Jacob na umiling lang at ngumiti, napatingin naman ako sa reaksyon ni Jae at nakasimangot na naman ito.
"Alisha, iha, dapat masanay ka ng palaging kasa-kasama si Riel sa mga pupuntahan mo, dahil after ng kasal n'yo ay titira na kayo sa iisang bahay since gra-graduate na naman si Riel bago kayo ikasal" sabi ulit ni Mommy.
Nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni Jae, gaya ko, hindi pa ako handang matali, hindi pa ako handa sa ganitong klaseng relasyon. At isa pa, mahal ko pa si Jenina. Pero wala akong magagawa kung hindi ang sumunod, para makabawi man lang ako sa pagsisi sa akin ni Daddy sa pagkawala ng bunso kong kapatid.
"Anak, mauna na kami, ihatid mo si Alisha sa kanila ha, take care anak, drive safely" then Mom kissed me on my cheek.
Lumapit naman sa akin si Jacob.
"Gab, ikaw na bahala sa kapatid ko, get to know each other okay?" He pat may shoulder and smiled at me tsaka s'ya lumapit kay Jae."Bunso, get to know him okay?" Rinig kong sabi ni Jacob sa kanya sabay halik nito sa pisngi ng kapatid.
Tumango lang naman si Jae at niyaka0 ang kuya n'ya bago ito sumakay sa sasakyan n'ya, ng makaalis na sila Mom, Dad and Jacob tumingin sa akin si Jae.
"So ...where we're going?" Tanong n'ya.
"I know a place" sabi ko, nagkibit balikat lang ito at sumakay na sa sasakyan ko.
Well I guess hindi rin s'ya masaya sa gantong set up.

BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"