CHAPTER 4

27 1 0
                                    

JAENIE P.O.V

5:30pm na at nagreready na ako. Nandito na ung mag aayos sa akin, andito na rin ang eleganteng black fitted gown na pinatahi pa talaga ni Mommy sa Paris.

*knock knock*
"Come in!" Sigaw ko.

"HAPPY 20TH BIRTHDAY BES!!!!!" sabay sabay na bati ng mga best friend ko.

"Salamat mga bes!" Pahayag ko, habang naka ngiti siyempre.

"Nga pala bes naka salubong namin sa baba sila Laine, Jane, Shen at Rose hinahanap ka, siguro papunta rin yung mga iyon dito maya maya" sabi ko na nga ba at pupunta sila. Ang saya pagka kumpleto ung mga taong malalapit sayo sa special day mo.

"Bes, baba muna kami ha, tutulong kami sa pag eentertain sa mga guest, alam mo naman entertainer. Hahahahaha" ang baliw lang ni Aira.

"Nga pala, bakit nasa baba yung mga kuya mo? At yung mga varsity ng basketball? Are they invited?------" tanong ni Lyssa kay Aira.

Napalingon ako dahil sa pag tapik ng make up artist ko sa balikat ko. Ano raw? Ano raw ang sinabi ni Lyssa? Are they invited lang ung narinig ko eh.

"Umupo kana ng ayos Miss Jae, para makapag simula na akong ayusan ka" ngiti ni Barbie ang make up artist ko.

Nag umpisa na siyang ayusan ako, naging madali lang naman dahil she's the one who's doing my make up pag may pageant ako.

--------

Pumasok si Mommy sa room ko.

"Ready ka na ba anak?" Malambing na tanong ni Mommy.

"Yes Mom" sagot ko naman.

Tumango lang si Mommy at tinitigan n'ya ako, napansin ko namang medyo naluluha s'ya.

"Mom? What's wrong? Is there any problem?" Tanong ko naman na may pag aalala.

"Wala anak, I'm just really happy for you, for sure naman na maaalagaan ka n'ya ng mabuti" then she hugged me and kissed me on my forehead.

Sana masaya rin ako katulad mo Mommy, minsan na akong tinanong ng mga kaibigan ko kung bakit ba hindi ko tanggihan ang fixed marriage na ito, simple lang ang sagot ko, gusto ko lang na maging proud pa ung family ko sa'kin, para man lang mapasaya ko si Lolo at Lola, para sa mas pag unlad ng business namin, para kay Mommy, kay Kuya Jacob at lalong lalo na para kay Daddy.

-----------

LEEMUEL P.O.V

"Anak are you ready?" Mommy asked me.

"Kahit naman ayaw ko Ma, para sa inyo naman ito eh" pero Mom pasensya na sa gagawin ko mamaya.

"Mauna na kayo Mom, susunod na lang ako" sabi ko naman habang sinusuot ko ang coat ko.

"Riel, wag mo akong ipapahiya sa mga Montenegro, dumating ka" pasensya na Dad, ayoko lang muna sa ngayon. Huwag ngayon.

----------

Nauna na nga sila Mommy at Daddy sa Golden Subdivision kung saan nakatira ang mga Montenegro, ang hirap naman kasi, hindi ko alam kung paano, hindi pa rin nag hihilom ang sugat ng puso ko sa pag iwan sa akin ni Jenina.

Bago ako sumakay sa kotse ko bumalik ako sa kwarto ko para kuhanin ung gitara kong luma ung galing kay Jenina, then bumaba rin ako agad, para makaalis na.

----------

Nandito na ako sa labas ng bahay ng mga Montenegro, pero ayoko talagang pumasok, ayokong magpakita sa mga tao ayokong isipin nilang sunud sunuran ako kay Daddy. Baka malaman ni Jenina, baka hindi n'ya na ako balikan.

"Pero iniwan kana niya Leemuel, hindi na siya babalik" bulong ng isipan ko.

*FLASHBACK*

"Jen, we already talked about this, right?" Bading mang pankinggan pero naiiyak ako.

"Lem, we need to grow up and be mature"

"Be mature? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo Jen?, bakit? Hindi ba ako mature?" Naiinis ko ng sinabi.

"We're only just 16, marami pa tayong kayang patunayan sa sarili natin lalo na sa mga magulang natin, sabi ni Daddy, tapusin ko lang ang College ko sa California, at malaya na akong bumalik dito, bumalik sayo Lem" nangingilid ang luha niya habang nagsasalita siya.

"Palagi na lang bang ang sabi ni Daddy mo? Kelan magiging ung gusto mo Jenina?" May luhang pumatak sa pisngi ko mula sa mga mata ko, nakita ko naman ang pagka bahala sa napaka ganda niyang mukha.

"Mahal Kita Leemuel, alam mo 'yan, pero sa ngayon, ung gusto muna ni Daddy, alam mo naman, gusto ko siyang maging proud sa akin" pahayag niya.

Umiling ako "Kung mahal mo ako, hindi ka aalis, hindi mo ako iiwan, katulad ka lang ni Daddy, pareho lang kayo!" Bakas ang sakit sa tono ng pananalita ko.

"Lem, babalikan kita, pangako yan, limang taon lang. Intayin mo ako"

Napangisi na lang ako sa sinabi niya. "Limang taon? Ang tagal nun Jenina" iling ko sa kanya sabay talikod.

Naglakad na ako, papasok na sana sa kotse ko nung naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin mula sa likuran.

"Babalik ako pangako yan" umiiyak na siya.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko pa rin siya hinaharap. "Pangako?, huwag ka ng mangako" iling ko at tuluyan ng pumasok sa kotse ko.

*END OF FLASHBACK*

Pain changes people, kaya rin siguro ako ganito, is because wala akong closure sa babaeng nang iwan sa akin.

Umalis na ako sa harapan ng bahay ng mga Montenegro at nag tungo na lang sa malapit na park, para mag isip, dala dala ko ang gitara ko, umupo ako sa isang bench malapit sa swing.

*ring ring ring* tiningnan ko kung sino ang tumatawag, at nakita kong si Daddy ito, paniguradong nag uumpisa na ang pag diriwang. Pero hindi ko sinagot ang tawag, nawala rin ito at nakatanggap ako ng txt mula kay Daddy.

From: Dad
Where the hell are you Leemuel Gabriel Torres!?, I'm calling you pero hindi mo sinasagot!, ganyan ka na ba kawalang galang sa akin at sa Mommy mo, alalang alala na siya sa iyo. Pumunta ka na rito, pinapainit mo na naman ang ulo ko!.

Sorry Mom, alam ko namang maiintindihan mo ako.

To: Dad
I'm so sorry Dad, I can't...Not now please.

Agad naman siyang nag reply.

From: Dad
Party ninyo ito ng mapapangasawa mo, kaarawan niya rin ngayon! Riel huwag mo akong suwayin, huwag mo akong ipahiya dahil diyan sa pag mamatigas mo!

Pagka basa ko ng text na iyon ni Dad, pinatay ko na muna ang phone ko at muling ibinalik sa bulsa ko. Tumungo ako at nag isip ng mabuti, kung alin ba ang tama at mali.

----------

AN: pasensya na po kung puro flashback, para lang kasi medyo maintindihan n'yo ung side at past nilang dalawa :) vote and comment po. Hihihi.

Born For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon