CHAPTER 5

30 1 0
                                    


JAENIE P.O.V

"Ma what's wrong?" Nakikita ko kasing natataranta na sila Mommy.

"Anak wala pa ang Daddy mo naipit raw sa traffic, then hindi pa rin dumarating si Gabriel Torres, naiinip na yung mga bisita" hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na hindi dumating yung Gabriel na yun dahil medyo makakalusot ako sa kasalang ito.

"Mom, baka naman ayaw niyang magpakasal" sagot ko kay Mommy.

"Hindi pede yun anak, naka usap namin siya 2 weeks before this event and pumayag naman siya, naka usap namin siya ng maayos" sana hindi na siya dumating.

----------

"Ano Jae? Happy?" Panunukso ni Queen. Ngumiti lang naman ako.

Masaya ako deep inside kasi hindi dumating si Gabriel Torres. Pero ayoko namang ipahalata kay Mommy lalo na kay Daddy na kakarating lang kagabi.

"Grabe yung nangyare kagabi ano? Galit na galit si Mr. Torres, nakakatakot siya actually" sabi naman ni Lyssa.

Andito kami ng mga kaibigan ko sa Cafeteria, lunch break kasi namin. Pasalamat na lang nga kami at kahit hindi namin kaklase si Queen, Lyssa, Aira at Camille ay sabay sabay pa rin yung lunch break namin.

"Nasaan si Jeca?" Tanong ni Aira sa akin.

"Tumawag sa akin kanina, busy sa paghahanda sa Sports Festival, alam n'yo naman siya President ng Student Council kaya siya yung punong abala, pero baka maya maya ay nandito na siya, lunch naman eh" sabi ko sa kanila

"So maglalaro ka pa rin ba Jae kahit varsity ka ng volleyball girls?" Tanong ni Camille.

"Yes bes, sabi ni Coach Alcantara, kelangan ko raw kasi naki usap si Mam Rodrigo na isali ako, dahil kalaban daw natin ung isa pang varsity ng volleyball girls, nasa EAID(Engineering, Architecture and Interior Design)team siya" buti na lang napag usapan ang about sa volleyball kung hindi baka nakalimutan ko na. Hahahahaha.

"Speaking of the busybee President, she's here" tinuro ni Aira yung front door ng cafeteria at nakita namin si Jeca na hinahanap kami.

Itinaas ko yung kamay ko para makita niya kami. Nung napansin naman niya, dali dali siyang naglakad pa tungo sa amin.

"Sa wakas nahanap ko rin kayo, order lang ako ng lunch, gutom na talaga ako" hindi na niya inintay pa ang sagot namin at nagpunta na nga siya doon sa lunch station ng cafeteria.

"Girls, nakita n'yo ba si Leemuel Elizalde kanina?, grabe ung pasa n'ya sa may labi ano? Napaano kaya iyon?, hindi naman yun nakikipag away diba?" Narinig kong usapan sa katabi ng table namin.

"Masyado namang misteryoso iyong si Leemuel, pero may nakapag sabi na dahil raw iyon ng kanyang ama, dahil hindi ata s'ya sumipot sa sarili n'yang birthday event na dun n'ya rin daw makikilala ung babaeng-----"

"Jaenie!!" Napalingon ako kasi bigla akong tinawag ng isa kong ka-varsity.

Patakbo siyang lumapit sa amin. "Kailangan ka ni Coach Mendez, may mga papaturuan siya sa'yo, kelangan lang para sa Sports festival" sabi ni Claire na co-varsity player ko.

"Di'ba sa Volleyball boys si Coach Mendez? Bakit hindi si Alex ang magturo?" Tanong ko naman.

"May laro ang Volleyball boys sa U.M.E ngayon" ay oo nga pala.

"Sige sabihin mo susunod ako, magpapalit lang ako ng jersey" akala ko free ako sa sakit ng katawan ngayong araw.

"Sige na Miss star player, punta ka na doon" pag tataboy naman sa akin ni Camille.

Born For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon