JAENIE P.O.V.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasakay sa sasakyan ni Gab. -.-"
Akala ko makakasundo ko na s'ya dahil sa dinala n'ya ako sa napaka gandang lugar ng Briston, pero naiinis ako, pede n'ya namang tanggihan si Kuya ah.
"Bakit ka ba kasi pumayag?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Hindi ko naman ata kayang tanggihan ang kapatid ng mapapangasawa ko hahaha" aba at nakuha n'ya pa talagang tumawa ha.
"It's not funny Gab, It is not!" Humalukipkip na lang ako at lumingon sa bintana ng sasakyan.
"May period ka ba kaya ka ganyan? Hahahaha" is he serious!?.
"You don't care!, naasar lang ako sayo dahil kelangan mo pang pumayag kay Kuya, gayong pede mo namang tanggihan" argh nakaka asar naman e, nanahimik na lang ako at ganun rin naman siya hanggang sa nakarating na kami sa B.U. Ayoko kasi ng parang gustong gusto na nila akong ipakasal, 1 month na nga lang akong single tapos itatali kaagad nila ako kay Gab. Hindi ba pwedeng sulitin ko muna ng ako lang at kasama mga bestfriends ko?
"Diba nga sira yung sasakyan ni Kuya Jacob kaya yung sa'yo ang gagamitin. Eh anong gusto mong gawin ni Kuya Jacob? Mag commute while wearing tux?" Kalmado n'yang sabi sa akin, pero halata na ring medyo naiinis, may rin nga naman s'ya. May sinabi s'yang nakakuha ng atensyon ko.
"Wait....kelan mo pa tinawag na Kuya si Kuya Jacob?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Kanina lang, actually he insisted na tawagin ko s'yang Kuya Jacob since magiging asawa naman daw kita kaya ayon" bakit ba parang gustong gusto n'ya?
"Why are you so cool about this fixed marriage?" I asked him.
Nilingon ko s'ya at nakita kong nag tiim bangang s'ya, para bang pinipigilan n'yang sagutin yung katanungan ko.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya naman lumingon na lang ulit ako sa bintana ng kotse n'ya at inintay na lang na makarating kami sa B.U.
-----
LEEMUEL P.O.V
I saw her in the corner of my eyes, pero nakalingon pa rin s'ya bintana.
Sa totoo lang may kakaiba sa nararamdaman ko sa kanya, hindi ko alam, baka nalilito lang ako, gusto ko muna makasiguro na tama nga, na maybe naka move on na nga ako kay Jenina, and maybe I already like Jae.
Nakarating na kami sa B.U, sa totoo lang may training rin kami kasama ang mga bagong varsity ng Briston University. Bilang huling month na namin dito, kelangan na naming ipasa sa mga bagong karapat dapat na players. Tsaka we need to focus rin dahil mag bo-board exam rin kami after 3 months of review.
Ipinark ko na ang sasakyan ko sa P6 kung saan nagpapark rin si Jae. And as soon as na park ko na yung sasakyan, dali dali s'yang bumaba at pabalang na isinara ang pintuan ng sasakyan. I get it naiinis s'ya sa ginawa ko.
"Hey, Jae wait" hinabol ko s'ya mula sa mabilis n'yang pag lalakad at hinawakan sa kanyang kamay.
Lumingon lang s'ya sa akin and tumingala s'ya sa akin, aaminin ko matangkad s'ya pero bilang lalaki at player ng basketball mas matangkad ako sa kanya.
"What do you want?" Cold n'yang tanong sa akin.
"I just want to apologize, sorry na, sorry kung pumayag pa ako sa gusto ni Kuya Ja--- I mean sa gusto ni Jacob, ayan tuloy nagalit ka sa akin, ayoko namang aayusin natin yung kasal natin na may galit ka o inis sa akin" mahaba ko namang pag papaliwanag sa kanya.

BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romansa"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"