LEEMUEL P.O.V
"Lem, may photoshoot ka bukas, pinasasabi ni Sir Atienza" ito lang pala ang sasabihin, tinawag pa ako.
"Okay sabihin mo kay Sir" ano bang magagawa ko e kailangan to' kasi para sa school.
"Btw, you're with Ms. Jaenie Montenegro" Montenegro? Dun sa magtuturo sa amin?
"Bakit s'ya kasama ko? Anong klaseng photoshoot ba iyan?" Tanong ko kagaad.
"Para sa tarpaulin ng sports festival this coming week" ahhh, first time ko s'ya makakasama sa shoot.
"Okay" pag sang ayon ko kay Mae na bagong President ng camera club.
"Torres!!!, mag tra-training pa si Jae, bilisan mo na d'yan!!!" Edi mag intay s'ya.
Ako pa talaga ang mag a-adjust para sa kanya? Pero sige na nga at baka mapagalitan pa ako ni Coach.
"Sige Mae ipatawag mo na lang ako" sabi ko sa kanya at bumalik na sa court.
Pagbalik ko doon ay nag wa-warm up na sila JM pati si Montenegro siyempre.
After 15 minutes siguro ay nag umpisa na kami. Naglakad si Montenegro sa kabila ng court at hawak na n'ya ang bola.
"Bro, maalam ka ba? Ako ay hindi talaga, sana sa soccer na lang ako isinali" tanong at sabi ni Rick sa akin.
"Sa swimming ako sumasali ang kaso ay ayaw ni Dean Israel, gusto n'ya raw ay doon tayo sa hindi natin line ng sport" sagot ko naman, sa swimming ko talaga gusto sumali at hindi dito sa volleyball.
"JM, ang ganda n'ya ano?" Napalingon naman ako sa tanong ni Benj kay JM.
"Sobra dude, sobra" sabi ni JM na halatang tinamaan, habang sinusundan ng tingin si Montenegro.
Napatingin din naman ako, maganda nga s'ya, maputi, matangkad at ayon sa mga naririnig ko ay matalino rin daw, pero walang wala s'ya kay Jenina.
"Service po muna tayo, kelangan n'yo lang pong palampasin yung bola sa kabila ng net" aba maganda rin pala talaga ang boses nito.
"Coach Mendez!!, saluhin mo itong service ko" sabi n'ya kay coach.
Tinira n'ya naman yung bola at ang swabe ng pagkakatira n'ya para bang ang gaan gaan nung bola. Hindi na nakakapagtaka kasi Star player s'ya ng volleyball girls.
"Oh boys, nakita n'yo na ha, kayo naman, at si Jaenie ang sasalo ng bola!" Sigaw ni coach sa amin.
Sus madali lang yan.
"Ako na mag uumpisa coach!. Miss paki hagis dito yung bola" sigaw ko kay coach at sabi ko kay Montenegro.
--------
JAENIE P.O.V
Inihagis ko naman kaagad sa kanya ang bola, ang yabang n'ya eh, tingnan lang namin kung makaka hanggang saan ba s'ya.
"Go!, i-serve mo na!" Sigaw ko dahil nasa mag kabila kaming court.
Nag-serve na nga s'ya at Omggg hahahaha, hindi man lang lumagpas sa net. Ang yabang kasi, wala naman palang ibubuga. Hahaha.
Umiling na lang ako. At nakita n'ya naman ata 'yon at kinuha ulit at bola at nag serve pa ng isang beses pero like kanina, hindi pa rin lumagpas sa kabila.
Umiling ulit ako at pumunta sa side ng court kung nasaan sila.
"Akala ko ba maalam ka?" Natatawa kong sabi sa mayabang na Torres na to'.
BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"