AN: Try ko po ang P.O.V ng lalaki. Hahahaha :)
LEEMUEL P.O.V
*knock knock* "Riel anak, gising na, magsusukat ka pa ng suit mo para mamaya" himala naman at si Mommy ang nanggising sa akin ngayon.
"Okay Ma!" Sigaw ko naman.
"Anak Riel, wag ng pasaway bumangon kana d'yan, nag aantay na ung Daddy mo sa hapag kainan, breakfast na tayo!" Nandito si Daddy? Himala! Ang daming himala ngayong linggo ng umaga. Anong meron?.
"Wait lang ma!, susunod na ako sa baba!" Ano bang nangyayare? Usually si Manang Grace lang mang gigising sa akin, pero ngayon si Mommy, at nandito pa si Daddy?.
Bumangon na ako ng tuluyan at nag punta na sa bathroom para mag hilamos at mag toothbrush.
---------
Bumaba ako ng hagdan patungo sa dining area ng makitang nasa living room pa ang mga maleta ni Dad, WOW, after 5years umuwi rin si Dad, sa U.S kasi naka base ung bago naming business at isa pa ay dahil na rin sa nangyare noon, bakit kaya siya umuwi?.
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na patungo sa dining area.
"Good morning Mom and .......Dad" pagbati ko naman sa kanila.
"Maupo ka na, hindi ka pa rin nag babago, kailangan ka pa ring gisingin para lang sa pagkain" cold na sabi ni Daddy.
"Damian, huwag mo namang pag sabihan ng ganyan si Riel, ang aga aga, at isa pa kakarating mo lamang iyan na agad ang bungad mo sa kanya" pag sasabi ni Mommy kay Daddy.
"Rebecca kung ganyan ng ganyan ang anak mo, ay aba hindi iyan matututo, 21 kana ngayon Riel, matanda ka na rin, grow up and be mature enough sa mga bagay bagay, ngayon pang makikilala mo na ang mapapangasawa mo" ilang beses ko na bang sasabihin na ayaw ko ngang magpakasal sa babaeng ni hindi ko naman kilala, ni hindi ko gusto.
Tumayo naman si Mommy pumunta ng living room, pagbalik n'ya may dala dala siyang gitara.
"HAPPY 21st BIRTHDAY ANAK!!!!" Inabot ni Mommy sa akin ung guitar at hinug ako at hinalikan sa noo.
"Salamat Mom, pero okay pa naman ung guitar ko ah" tapos tiningnan ko ung hawak kong guitar na galing kay Mommy.
"So much for the talking" pag singit ni Daddy sa usapan.
"Hindi mo man lang ba babatiin ang anak mo Damian?" Halata kay Mommy na malungkot siya.
"Malaki na s'ya hindi na n'ya kailangan ng ganyan, sa pag kunsinti mo sa mga bagay na ganyan kaya nawalan tayo ng isa pang anak" after 5years issue pa rin ni Dad yun? Pinag sisihan ko naman na lahat ng nagawa ko ah, pero siya ni hindi man lang niya ako mapatawad.
*FLASHBACK*
"Kuya, sayo na ako sasabay" sambit ni Erica sa akin.
"Akala ko sila Daddy na magsasabay sa'yo?" Tanong ko naman.
"Eh kuya gusto ko sayong sumabay, gusto kong kasabay ang vocalist, guitarist, pianist, ng pinaka mahusay na banda inside and outside the University" pa cute pa ng bunso kong kapatid.
"Dad!, Mom!, ako na magsasabay kay Erica papunta sa venue!" Sigaw ko sa mga magulang namin nung pasakay na sila sa car ni Dad.
"Sigurado ka ba Riel anak?, hindi ka pa gaanong maalam mag maneho" tanong at pahayag ni Daddy.
Tumingin ako kay Erica at nakita kong talagang nagpapa awa siya kila Mommy para lang payagan siyang sa akin na sumabay.
"Hays, oh sige na, hindi ko matanggihan ang napaka ganda kong bunso. Riel drive safely" Daddy.
"Yes! Yes! Yes!" Kitang kita mo talagang tuwang tuwa siya.
"Sige na sumakay ka na at baka mahuli pa tayo, mahirap na baka hindi makapag perform ang banda namin kasi wala ung gwapo nilang vocalist. Hahahaha" then I winked at her. Ngumiti lang naman siya sa akin.
-----------
On the way na kami sa venue, hindi ko alam pero kinabahan ako.
Maya maya pa naramdam kong nawalan ng preno ang sasakyan ko. Mas kinabahan pa ako doon. Derederetso lang kami.
"Kuya Gab!, anong nangyayare?" Kaba at takot ang naririnig ko sa boses ng kapatid ko.
"Nawalan ako ng preno Erica, kalma ka lang okay? Hindi kita papabayaan" natatakot rin ako. Natatakot sa maaaring mangyari.
Mas natakot ako nung nakita kong may nag counter flow na 10 wheeler truck, and we bumped into it ang bilis ng pangyayari, wala na akong naalala after noon.
-----------
Nagising nalang ako na nasa hospital ako.
"Erica!!!!!" Sigaw ko
"Dude, thank God gising ka na!!!" Si Ricks ang una kong nakita. Nasan sila Mommy at Daddy?
"Bro 1month ka ng natutulog" sabi naman ni Liam. What?
"Nasaan si Erica?" Bigla namang nag registered sa mukha nila ang lungkot noong tinanong ko iyon. Agad naman akong ginapangan ng kaba.
Bumukas ang pinto ng hospital room ko.
"Wala na si Erica!, at un ay dahil sa iyo!, hindi ka nag ingat Riel!, pinatay mo ang kapatid mo!" Pinatay? Pero aksidente ang lahat.
"Damian!, aksidente ang nangyare, di ba ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay nawalan ng preno ang sasakyan ni Riel? Hindi niya iyon kasalanan, huwag mong pag salitaan ng ganyan ang anak mo!" Naiyak nalang ako at napasabunot sa buhok ko. Kasalanan ko ang lahat!.
"Mom, kasalanan ko, pinatay ko si Erica" wala sa sarili kong sinabi.
"Buti naman at alam mo!" Sigaw ni Daddy.
"Damian ano ba!, tama na!, kakagising lang ng anak natin tapos ganyan ka agad sa kanya? Anong klase kang ama?" Inis na sabi ni Mommy.
"Wala akong anak na pinatay ang sarili niyang kapatid Rebecca" tumalikod na si Daddy at tuluyan ng lumabas ng hospital.
"Aksidente ang lahat anak, wala kang kasalanan" pag aalo ni Mommy sa akin.
Simula noong lumabas si Daddy sa pinto ng hospital room ko hindi ko na ulit siya nakita, ang sabi ni Mommy may bagong business raw sa U.S at dun si Dad ng focus.
*END OF FLASHBACK*
-----------
After 5 years ngayon ko lang ulit nakita si Daddy, ang akala ko naka limutan na niya ung noon, pero hanggang ngayon pala ako pa rin ang sinisisi niya.
"Dad maaari bang kalimutan na natin ang nakaraan?" Tanong ko kay Daddy, limang taon, hindi ko na ramdam na may ama pa pala ako.
"Madaling sabihin na kalimutan, pero habang naka ukit sa puso mo ang sakit ng nangyare, hinding hindi ka makakalimot" tumayo na si Daddy at hindi na tinapos ang pag kain niya.
Tumungo na lamang ako at nagpunas ng luha, ang sakit na ang sarili mong ama ay hindi ka mahal, at ang tingin sayo ay mamamatay tao.
"Anak...hayaan mo na muna ang Daddy mo, alam ko namang nauunawaan mo siya, hanggang ngayon naman masakit pa para sa ating lahat ang nangyare kay Erica, pero wala na tayong magagawa, nangyare na ang lahat, at iyon ay plano ng Diyos anak, huwag mong sisihin ang sarili mo" tipid na ngumiti sa akin si Mommy.
Tumango lang ako at tumayo na rin.
"Anak, mamaya na kayo magkakakilala ng mapapangasawa mo" oo nga pala, family responsibilities, alam ko na kung bakit umuwi si Daddy. Because of this."Okay Mom" no, I'm not sure if makakarating ako.
She gave me her sweetest smile. "Salamat anak" nginitian ko lang ng tipid si Mommy. Sorry Mom.
BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romansa"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"