CHAPTER 12

9 0 0
                                    

1 month after

Mabilis dumaan ang mga araw, linggo at ngayon 1 month na ang nakalipas, kung itatanong nyo kung magkasama na kami ni Gab sa iisang bahay, ang sagot d'yan ay NO. Kelangan ko pang i-please ng sobra si Daddy at Mommy para lang wag ganun ang maging set up namin ni Gab. And bilang palusot, sinabi ko rin kasi sa kanila na gusto ko mauna ang kasal bago ang pag sasama sa iisang bahay at sinang-ayunan naman yun ni Gab, so hindi natuloy yung pag sasama namin kaagad.

*ring ring ring* Lemuel Gabriel calling...
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Hi Jae, ah itatanong ko lang sana kung nasaan na kayo nila Tito at Tita?" Sagot ni Gab sa kabilang linya.
"Paalis pa lang kami sa babay siguro 30 minutes andyan na kami" sagot ko naman.
"Okay, I'll wait for you then" sagot nya naman at saka ibinaba na ang tawag.

Graduation na ngayon ni Gab, kaya naman papunta kami ng parents ko sa University, ininvite rin kasi ng parents ni Gab si Dad and Mom.

Habang nasa byahe, wala sa sariling napatingin ako sa engagement ring sa ring finger ko at malungkot na napabuntong hininga.

Bilang babae, pinangarap kong balang araw ay makakapagsuot ako ng ganto, galing sa taong mahal ko at mahal ako, ung tipong luluhod s'ya sa harapan ko at tatanungin ako ng linyang "Jaenie Alisha Montenegro, WILL YOU MARRY ME?" , but it turns out differently, kasi abutan at utos lang ang nangyari, inabot lang ng parents ni Gab kay Gab yung ring at inutos sa kanya na isuot sa akin.

Kung iisipin ng ibang tao, sobrang swerte ko to wear this kind of engagement ring, ang alam kasi ng mga schoolmates namin ay may nangyaring romantic proposal, yes nalaman rin ng mga schoolmates namin na engage na kami pero hindi nila alam na ipinagkasundo lang kami sa isa't isa.

And as of JM we're fine, hindi ko lang alam kung anong pinag usapan nila ni Gab, hindi ko rin alam kung paano naayos ang tampuhan nilang magkaibigan, pero sobrang thankful ko kasi naayos yung friendship nila although nararamdaman ko pa rin ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.

Ang of course my Bestfriends, last week lang nung nagpunta sa bahay namin si Gab, dahil may mga inayos kami para sa 'wedding' daw namin, nagpunta rin silang lima, at alam n'yo ba? Para lang bantaan si Gab na wag na wag akong sasaktan o lolokohin, eh alam naman nilang kalokohan na nga ang lahat ng ito. Btw, iniwan nila ako, nasa Palawan silang lima, nag babakasyon, hindi ako nakasama kasi nga kailangan kong umattend ng graduation ni Gab.

And 'that feeling' I was talking about last time mas nalaman ko na, marami rin kasing nangyari sa loob ng isang buwan, I knew I like him pero in denial ako at ngayon ay medyo awkward para sa akin ang lumapit sa kanya, ewan ko ba, para kasing naiisip ko na anytime pag malapit ako sa kanya ay maaari n'yang malaman na may gusto ako sa kanya.

"Anak?, tara na, andito na tayo" pinukaw ng boses ni Mommy ang mapag isip kong utak.

LEEMUEL P.O.V

"Nako pare!!!! Congrats ha, hindi ko akalain na makakagraduate ka, dahil ang akala ko ay magiging tatay ka na last month, buti at maalam dumiskarte si Jae at hindi pumayag na tumira kayo kaagad sa iisang bahay" tignan mo ang utak nitong si Liam, puro kalokohan ang alam.

"Sa akin mo ba talaga yan sinasabe o sa sarili mo? Ako nga eh, hindi ko alam kung paano ka napasama sa list ng mga gragraduate, nung ipinaskil sa bulletin board last month ang list of graduates, hindi ko akalain na makikita ko doon ang pangalan mo!" At tiningnan ko lang naman s'ya ng masama.

"Aba pre, dahan dahan naman, namemersonal ka na ah" aba at nag pout pa ang loko.

"Pede ba Liam, gragraduate na tayo ngayon, kahit naman ngayon mag mature ka na" -Ricks.

Born For YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon