JAENIE P.O.V
Grabe, nakakapagod mag practice, and for sure mag o-overtime kami ngayon kasi bukas na ang laro, tapos may dinner date pa ako with my best friends, sabi ko nga uuwi muna ako para mag bihis, pero nag insist sila na sunduin ako dito sa school then ihahatid sa bahay namin para mag bihis then off we go, ang swerte ko sa kanila swear, and by the way yung sasakyan ni Queen ang dala namin.
Hays, uhaw na uhaw na ako, bibili muna ako sa cafeteria.
Pero bago pa ako makapunta sa bag ko para kumuha ng pera may lumapit na sa akin.
"Hey" napalingon naman ako at nakita ko si Lem na parang hiyang hiya pa sa akin, not his usual self na masungit at mahangin.
"Yes?" Pagmamataray ko naman.
"I thought you need water?" At iniabot n'ya naman sa akin ang tubig.
"Anong nakain mo?" At kinuha ko naman ito sa kanya. Malay ko bang baka may mabuti rin s'yang side. Hahahaha just kidding, alam ko namang ang isang tao ay hindi mawawalan ng side na mabuti kahit ito ay nasa kaibuturan pa ng kanilang puso.
"Grabe ka Jae, hindi ba pedeng nagmamagandang loob lang ako sa mapapangasawa ko?" Napatawa naman ako dahil umarte pa s'ya na parang nasasaktan.
"Mapapangasawa?" Napalingon kaming dalawa at nakita si JM na naguluhan sa sinabi ni Lem.
"Lem anong mapapangasawa?" Tanong ulit ni JM kay Lem.
"Bro..." kinakabahan si Lem na lumingon sa akin, may relasyon ba silang dalawa? Hahaha, joke lang, alam ko namang mag bestfriend sila, pero bakit big deal kay JM?. Don't tell me may gusto si JM kay Lem? No way!.
"Ah, excuse me, pero anong meron JM?" Naguguluhan ko ng tanong kay JM.
Ang nakikitang JM ngayon ay JM na nag pupuyos sa galit. JM na ang talim ng tingin kay Gab. At nawala na rin ang kinakabahang mukha ni Gab. Maybe mali ako na may gusto sila sa isa't isa, mukhang seryoso sila eh.
"Eh eto kasing si Lem, alam n'yang....alam naman n'yang may gusto ako sayo Jae pero eto s'ya at biglang mapapangasawa ka na?" Oh...kay tell me nabingi lang ako.
"May gusto ka sakin JM?" Gusto ko sanang kiligin pero hindi sa pagkakataong ito.
"Oo at alam n'ya yun Jae, kaya nakakapagtaka at ikakasal ka sa kanya, agad agad na di ko man lang nabalitaan na naging kayo" halatang halata kay JM na naguguluhan s'ya.
"Sasabihin ko naman sa'yo dude eh, ang kaso naunahan ako ng pagkakataon" pagpapaliwanag naman ni Gab.
Umiling lang si JM at tumalikod.
"Lem, pasalamat ka at kaibigan kita at tinuturing na kitang kapatid, kung hindi baka nabasag ko na iyang pagmumukha mo!, magpaliwanag ka sa akin, pag handa na akong marinig ang paliwanag mo" pahayag ni JM habang nakatalikod at tuluyan na s'yang umalis.
"Pag-usapan n'yo yan Lem, ayokong may masisirang friendship ng dahil lang dito sa fixed marriage na ito, mauna na muna ako sayo" pag papaalam ko kay Lem, at tuluyan ng umalis, siguro ay magpapaalam na lang muna ako kay Coach, sasabihin ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Haaaaays. Ayokong may masirang napaka gandang samahan ng dahil lang sa akin.
~~
"Wow girl, ikaw na ang mahaba ang hair, oi ingat kayo at baka maapakan n'yo ang buhok ni Jae. Hahahahah" pang-aasar sakin ni Jeca
"Sabi ko na nga ba at hindi magandang idea ang makasama ka rito Jec, palagi mo nalang akong inaasar" inirapan lang naman ako ni Jec. Kwinento ko kasi sa kanila yung nangyare kanina.
"Parehong gwapo yun ah, naglalaban pa sa titulong MVP ngayong taon na gragraduate na sila" pahayag ni Camille.
"Pareho naman silang magaling eh, may the best player wins. Haha" sabi ni Queen.
"Nako paniguradong mas mainit ang laban d'yan, 3 time MVP si Lem, pero nasa kamay ni JM ang titulo ng pagiging MVP last year, dahil diba nawala sa focus si Lem last year dahil sa muli nilang pagkikita ng kaniyang ex" kwento ni Lyssa.
"Wait kung i-a-analyze nating mabuti, parang si Jae yung bola na kelangan nilang pag agawan, para isa sa kanila ang mahirang na MVP ngayong taon. Wow, ang haba nga ng hair mo Jae, gusto ka ni JM at gusto ka ni Lem, wow talaga !!!!!" Hay nako, akala ko tapos na pero hindi pa pala at talagang dumagdag pa itong si Ayra ha.
"Bakit Ayra? Mukha na ba akong bola? -.-" kayo talaga kung ano anong pinag sasasabi n'yo, hindi ako gusto ni Lem, fixed nga lang yung magiging kasal namin eh, hindi yun totoo, tsaka ano, hindi ko naman s'ya gusto" pag sagot ko sa lahat ng sinabi nila.
"Weh? Jae kahit katiting na pagtingin wala ka para kay Lem?" -Camille.
"Wala bes, okay? Wala" wala nga ba? Hays ano ba itong naiisip ko? Syempre wala !!!!!.
"Eh wag mong sasabihin na kahit konti hindi ka nagwa-gwapuhan sa kanya? Jae, wag kang magsisinungaling ha, sige ka magmumuka kang bola" sabi ni Jeca with matching taas taas pa ng kilay.
"Ay anong tingin mo naman sakin Bes? Syempre tao ako, babae ako, nakaka-appreciate rin naman ako ng kagwapuhan kahit konti" pagdepensa ko naman.
"Jae, alam naman nating hindi konti ang kagwapuhan ni Lem, umamin kana. Hahahaha"-Queen.
"Hays, napaka mapang asar n'yo talaga ano?, saan ba kayo pinaglihi ng mga nanay n'yo? -.-"' sabi ko naman sabay kamot sa batok.
"Edi sa asar !!!!! Hahaha" sabay sabay nilang sabi.
"Kakasabi mo lang Jae diba na sa asar kami pinag lihi hahahaha" -Jeca.
"Argh !!!!!, ala ewan ko sa inyo !!!!!" Tumayo na ako at nauna ng lumabas sa coffee shop na pinagpalipasan namin ng oras.
Magpapaalam na lang muna siguro ako sa kanila para umuwi na sa bahay at magpahinga muna. Nakakasakit ng ulo ang araw na ito. Haaaaays.
----
(Play the song above)
Pag uwi ko sa bahay, nasa labas pa lang ako nagtataka na ako sa dami ng sasakyang nakapark sa harapan ng bahay namin, then pumasok na ako sa loob at nakarinig ako ng ingay mula sa backyard namin, tawanan at kwentuhan, inisip ko pa nga kung may okasyon ba akong nakalimutan.Nag tungo na lang ako sa backyard namin to check what's really happening. Laking gulat ko ng makarating ako at nakita ko ang buong pamilya ni Gab kasama ang buo kong pamilya, when I say buong pamilya, as in buo, with the grandparents, uncles and aunties and cousins.
Napatigil na lang ako sa pag lalakad ng makita kong napakasaya nila, para bang close na close sila sa isa't isa, para bang may sariling isip ang mata ko at may hinahanap itong isang tao, then natagpuan rin naman s'ya ng mga mata ko, nakita ko s'ya na nakikipag laro sa mga pinsan kong bata, para bang nag slow motion ang galaw n'ya habang nakikipagtawanan sa mga bata. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakangiti, nawala rin naman ito ng makita ko s'yang lumingon sa akin at kinawayan ako. Napa iling na lang ako upang mabalik sa realidad.
Hahakbang pa lang sana ako ng makita kong tumayo s'ya at mukhang lalapitan ata ako. At tama nga ako lumapit s'ya sa akin at iginiya ako papunta sa pamilya namin.
"Nandito na po si Jae" pahayag n'ya. Ako naman napatingin sa kanya, hindi ko namalayan nakahawak pala s'ya sa kamay ko, kaya napatingin rin ako sa kamay ko, at naramdaman n'ya ata yun kaya naman bumitaw s'ya.
"Sorry" he mouthed, at tipid na ngumiti sa akin. Tipid na ngiti lang din naman ang ginanti ko sa kanya.
Bakit ganun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano to'?
"Tamang tama anak andito ka na, malamang ay nagtataka ka anak kung bakit andito ang pamilya Torres" napukaw ng boses ni Daddy ang pag iisip ko sa kakaibang pakiramdam na ito.
"Y-yes Dad" Sagot ko naman.
"Anak, simula bukas doon na kayo titira ni Gab sa bahay n'yo, para naman masanay na kayo na magkasama kayo" -Dad.
"Wh-what?" Gulat kong tanong, kami lang? Sa isang bahay? NO WAY !!!!

BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"