Patricia's POV
Nagusap kami ni papa tungkol sa mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga.
"Nak babalik ako sa States para magtrabaho ulit" malungkot na sabi ni papa
"Kailan po Pa?"
"Sa susunod na araw na agad. Nag leave lng kase ako ng tatlong araw sa trabaho ko. Akala ko nga di ako papayagan ni pareng Charles dahil maraming ginagawa sa company. Pero buti na lamang at nahandle naman ni pare agad yun." sabi ni papa, si ninong Charles nga pala partner ni papa sa kompanya namin. Ninong Charles is my father's bestfriend, magkaibigan na sila ni papa since bata pa lang daw sila.
"Ay pa, kamusta na po pala si Rolly?" Rolly is Ninong Charles only Son. 3 kase ung anak ni ninong na babae, isang lalaki lng at Rolly na iyon. Mahal na mahal ni ninong si Rolly, everytime nga na nagaaway silang magkakapatid si Rolly agad kakampihan nya.
"Ah, sabi ni Charles okay lang naman daw si Rolly. Actually dito na daw un magaaral ngayong pasukan" sabi ni papa "Nak inaantok na ako. Magswiwimming pala tayo bukas, isama mo na sila Angel at mga kaibigan mo. Pati na rin pala Sila Melo at Choy"
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 9 pm na pala, di ko namalayan sa sobrang daming nakwento namin ni papa sa isa't isa. Tumango na lng ako. Tumayo si papa at pumunta sa kwarto nila ni mama. Bukas? Hmm matext nga sila.
To: Angel, Melo, Prince, Choy and Krisha
Hey guys, swimming daw tayo tomorrow sabi ni papa. Magready na kayo para bukas. That's all good night guys.Makalipas ang 2 minuto nagvibrate ung cellphone ko. Pagtingin ko may nagmessage. Pagbukas ko ng cellphone, nakita kong 2 messages. Isa kay Angel at isa kay Melo.
From: Angel
Really? Nandyan si tito Romy? Sige i pack my things na para bukas. Hey Pat, don't forget to bring my camera.Nakalimutan ko nasakin pala ung camera nya dahil hiniram ko nung debut ng pinsan ko. Nagreply ako sa kanya ng oo. Pagkasend ay tinignan ko naman ung message ni Melo sakin.
At first parang wala lng but suddenly i felt something in my stomach. Parang nagkakagulo. Nung tinignan ko pangalan nya sa taas ng message nya natawa ako. Sabi na eh, siya nagtype nito.
From: Melo GWAPO♥♥
Hmmm. Nandiyan pala si tito. Osige sasama ako para makabonding ko rin si Tito Romy.PS: Nga pala pwede ba makitulog ako sa inyo?
Makitulog samin? Sige la--- t-teka MAKIKITULOG SIYA SAMIN? Binasa ko ulit ung message nya sakin. Tinext nya nga iyon sakin. Nakadrugs ba si Melo? Anong trip nya? Magrereply na sana ako ng nagbrivate ung cellphone ko ng matagal, akala ko si Angel ung natawag pero hindi eh.
"Ano? Pwede ba makitulog sa inyo?" sabi ng nasa kabilang linya ng sagutin ko ito. Oo si Melo ang tumawag.
"T-text mo kaya si p-papa. T-t-tanong mo siya kung p-pwede"
"Natawagan ko na si tito, pumayag siya. Ikaw din daw tanungin ko. Kaya ano payag ka ba?" sabi nya. Papayag ba ko? Oo o hindi? Hindi, dahil ma-aawkward-an ako pag sa iisang bahay lng kami. Oo, kase para hindi na kami maghintay sa kanya sa bahay nila Choy. Siya kase ung pinaka matagal kumilos saming magkakaibigan.
"Uy ano? Papayag ka ba o hindi?" tanong nya ulit ng napagtanto nya na hindi ako nagsalita.
"P-pumayag si papa. Ano pa ba m-magagawa ko?" sabi ko na lng. Di ko alam sasabihin ko eh.
"Yun pumayag din! Sige pupunta na ko sa inyo. Magaayos lng ako ng gamit ko para bukas." sabay baba ng tawag.
Pumasok ako ng kwarto ko at naghanda na ng dadalhin ko bukas. Habang nagaayos ako biglang may kumatok sa kwarto ko at binuksan ang pintuan. Paglingon ko sa pintuan ko, nakita ko si papa na nakangiti ng malaki.
"Bakit po Pa?" kunot noo kong tanong.
"Pumayag ka pala na dito matulog si Melo" pumasok na si papa sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Nasa kama kase ako nakaupo habang nagliligpit ng damit at nagnilalagay sa bag ko
"Pa, alam nyo naman pong pag pumayag kayo papayag na rin ako dahil un ang ikaliligaya mo. Atsaka makikitulog lng naman po si Melo" sabi ko kay papa habang naglalagay ng damit sa bag.
"I know baby, pero hindi ka ba natatakot?" tanong ni papa.
Tumingin ako kay papa na nakakunot ang noo dahil sa tanong nya. Huh? Matatakot saan?
"Para saan po?"
"Dahil lalaki siya. Si Angel kase lagi mong pinapatulog dito diba? Eh si Melo lalaki. Di ka ba nangangamba?" tanong ni papa.
"Nangangamba po? Hindi naman po masyado dahil kaibigan ko naman po si Melo, Pa. Atsaka sa Guest room siya matutulog."
"Pupunta mga kaibigan ko dito para matulog. Eh sa guest room ko sila papatulugin dahil tabi kami ng mama mo at ung kuya mo naman ayaw ng may katabi may gagawin daw siya mamaya."
"Eh paano po si Melo?"
"Wala tayong magagawa kundi sa kwarto mo, isa lng kase guest room natin. Alangan naman sa Sofa siya matulog kawawa naman" sabi ni papa
T-tabi kami? Alam kong parang king size bed ung kama ko dahil sa laki nito pero ang awkward nun. Okay lng kung parehas nya kami ni Angel na babae, kaso hindi eh lalaki siya. What am I going to do?
---
BINABASA MO ANG
The Best Day Ever
RandomMay gusto na si Patricia kay Melo since grade 5 sila. Napansin nya ito noong naglalaro ng bola si Melo. Nagtataka siya dahil may kung ano siyang naramdaman sa tyan nya at parang may kuryente na dumaloy sa katawan nya na hinding hindi nya maexplain k...