Ginising ako ni mama nang mga alas otso na ng gabi at naghahanda na ang lahat para sa pag alis namin, nandito na din sila Angel pag gising ko. Sila Angel at Krisha ang sobrang excited at halos gusto nang bumyahe para makapunta na agad, pano ba naman kasi lagi silang di pinapayagan pag may outing kami sa school namin.
Inayos ko na ung mga dadalhin kong gamit. Bag, plastic, pang banlaw, charger, headset, at iba pa. Kumpleto na. Nilalagay ko sa kama ko ang mga gamit ng biglang may kumatok sa kwarto ko at binuksan ito.
"Patricia. Okay na ba daw lahat ng gamit mo? Aalis na daw tayo in 5 minutes" Ani Melo.
"Ah sige" binuhat ko na ang mga dadahil ko pero sa kasamaang palad nahulog ung iba, buti na lang ung camera nakuha ko kaagad kung hindi baka nasira na ito at baka masapak pa ko ni Angel pag nangyari yun. Mabuti na lang at kinuha na ni Melo ung iba kong gamit
"Oh. Ako na nga sa ibang gamit, napaka clumsy mo talaga Patricia kahit kailan." pabirong sabi nito. Kahit na pabiro un napikon pa rin ako dahil sa sinabi nyang iyo, kaya umirap ako sa kanya.
"Alam kong clumsy ako, pero hindi mo na kailangan ipagmukha sakin" umirap akong muli sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Sinundan nya lang ako hanggang makarating kami sa sala kung saan nandun silang lahat. Sila Angel at Krisha ay nasa pintuan nag-uusap habang sila Choy at Prince naman ay nakaupo lang sa sahig. Sila mama, papa at mga kaibigan nya naman ay naguusap-usap tungkol sa resort na pupuntahan namin.
Agad akong pumunta kila Angel habang si Melo ay inilalapag ang mga gamit na dinala nya. Pinakita ko kay Angel ung camera nya. Agad nyang kinuha iyon at nagpasalamat ako. Lumipas ang 5 minuto ay umalis na nga kami at pumunta sa isang Resort sa Laguna.
Inabot kami ng tatlong oras sa byahe. Naligaw kasi kami dahil sa mali maling sinabing daan ni Tito Jay at Tito Michael. Nang makababa kami ng van ay agad pinagalitan ni Tita Maika sila Tito Michael at Tito Jay.
"Sa susunod kase alamin nyo muna talaga bago kayo magturo kung saan saan." Galit na sabi ni Tita Maika.
"Sorry, ito kasing si Jay eh. Magulo kausap" Sagot naman ni Tito Michael
"Aba't ako pa? ikaw kaya itong nanglilito diyan" Sumbat naman ni Toto Jay.
"Kayong dalawa may kasalanan kayo pa nagaaway" Sigaw ni Tita Maika sa kanila.
"Tumigil na nga kayo, para kayong mga batang nagaaway dahil lang sa Candy. Dinaig nyo pa ung mga dalaga at binata na kasama natin. Matatanda na kayo, tumigil kayo" Naiinis na sabi naman ni Tito Charles.
Natawa na lang kaming magkakaibigan, parang batang nagaaway nga sila tito. Napailing na lang si mama at papa. Agad na pumunta si papa sa Counter kung saan magrerent ng cottage o ng kwarto. Dalawa ang binili ni papa, isa ay para sa mga matatanda at ang isa naman ay para saming magkakaibigan. Public lang itong resort na ito, gusto man namin mag Private ngunit sayang lang daw sa pera dahil kaunti lng kami.
Binigyan kami isa-isa ng papel ni papa, para makapasok kami. Nang makapasok na ang lahat agad kong nilibot ang buong resort gamit ang aking mata. Pagpasok mo ay daan papuntang Cottage at Room ang makikita mo. Makikita mo rin kaagad ang isang kantahan na hinuhulugan ng 5 piso para makakakanta ka, bali sa isang kanta 5 piso. Makikita mo rin sa gilid nito ang pambatang swimming pool.
Sinundan namin ang isang lalaki, pupunta daw kami sa kwarto namin. Sa 3rd floor ang kwarto namin. Pagkapasok napansin kong dalawa ang double deck at dalawang isang nakahiwalay na kama ang nandoon. Nang makita ko ang kama agad akong humiga sa taas ng double deck at naramdaman ang malamig na bedsheet.
"Tara na ligo na tayo" sigaw ni Choy.
"Mauna na kayo, kukunan ko lang ng litrato ung buong resort" sabi ni Angel.
"Sama ako" Agad na sinabi naman ni Prince.
Lumabas na sila Angel at Prince pag katapos. Habang si Choy at Melo ay sabay nag bihis ng pang swimming sa banyo.
"Patricia" biglaang sabi ni Krisha
Napalingon ako sa kaniya.
"Hmm?"
"Sabay na tayo mag bihis ah? Ayokong magisa lang ako sa banyo" natatakot na sabi niya.
"Bakit naman?"
"May naiimagine ako eh"
Na may multo? Tsktsk. Ayan ang nagagawa ng kakapanood ng horror.
"Hays. Oo sige. Kakapanood mo yan ng horror" umiiling kong sabi sa kaniya.
Natapos ang dalawang lalaki pagkatapos ng usapan namin, agad kaming pumasok ni Krisha sa banyo at nagpalit. Nang matapos kami at palabas na, nakita namin sila Angel at Prince na kakapasok pa lang ng kwarto. Lumapit sakin si Melo habang si Krisha naman papunta kila Angel para tignan ang kuha ni Angel.
"Hey, Ang sexy mo sa damit na yan. Baka mamaya may kaagaw o kaaway na ako dito dahil lang sa suot mo" bulong ni Melo sakin. "Tara na swimming na tayo" sigaw niyang sabi.
"Game" Sigaw nila Choy at Prince.
Sexy sa damit na ito? Tinignan ko ulit ang damit ko. Hindi naman ah? Ang manyak niya lang talaga tss.
BINABASA MO ANG
The Best Day Ever
RandomMay gusto na si Patricia kay Melo since grade 5 sila. Napansin nya ito noong naglalaro ng bola si Melo. Nagtataka siya dahil may kung ano siyang naramdaman sa tyan nya at parang may kuryente na dumaloy sa katawan nya na hinding hindi nya maexplain k...