Chapter 9 - Tears (part 1)

84 4 0
                                    

_Chapter 9_ 

Tears (part 1)

[POV of TRYXCY]

~New Home

"Welcome to our new home" sabi ni daddy pagkapasok namin sa bago naming bahay...Mas malapit kasi ito sa hospital para mas madali kapag may chemotherapy ako, kailangan ko kasi mag stay sa hospital kapag may theraphy.

And request ko din kasing lumipat, alam ko kasing pwedeng pumunta sila xyrone sa bahay namin at ayokong malaman niyang o nilang may sakit ako..Gusto ko ang magiging memories nila sa akin ay yung masaya at masiglang tryxcy...

I will be dropping out nadin sa school, hindi rin naman na ako makakapasok dahil sa mga therapies eh.

"Anak nagutsuhan mo ba??" tanong ni mommy

"Yes mommy, it's.... peaceful :)" halos puro white kasi tapos meant green yung mga curtain, ang sarap sa mata..

"Ah bunso, ako ang nag ayos nang kwarto mo ^_^" nakangiting sabi ni ate...nginitian ko din sya...

"salamat ate"

"nagugutom ka na ba?? tara dali ipagluluto kita nang paborito mo" -kuya 

Masasabi kong magaling talaga si kuya sa paluluto.

"Eh kuya hindi naman naluluto yung paborito kong kainin hahaha" ginulo ni kuya yung buhok ko tapos nilevel nya yung mukha nya sa muka ko...

"tss...Milo nanaman? yun nanaman ang gusto mong i-ulam" mag kasalubong na yung kilay ni kuya..anggg CUUUTEE! \x/ "aaaarrrraaaayyy" hahaha kinurot ko kasi yung dalawa nyang pisngi..

"haha Ang cute mo kasi kuya eh! ^_^" inakbayan nya..aba di nagalit eh ayaw nyang kinukurot ko yung muka nya...

"Syempre magkamuka tayo eh kaya cute, tss, tara na nga sa kusina" naglakad na kami ni kuya papunta sa kusina habang naka akbay parin sya sa akin. lumingon ako kila mommy...nakatingin lang sila sa amin habang nakangiti,

Ngiting may halong lungkot..:(

makikita sa mga mata nila yung lungkot..naiiyak ako dahil alam kong nasasaktan sila kaya naman iniwas ko nalang yung tingin ko ... tumingin ako kay kuya, 

pero... 

parang mas lalo akong maiiyak sa nakita ko.

ang pag tulo nang tubig mula sa kanyang mata at pasimple nya iyong pinunasan saka tumingin sa akin nang may pilit na ngiti....

"Carbonara gusto mo? diba favorite mo din yun?? ^_^" -kuya

Pinigilan ko nalang ang sarili kong umiyak at pinilit rin ngumiti.."Sige ba!! hehe"

.........

lumipas nanaman ang isang linggo.. hindi na nga pala ako pumapasok nang school , last tuesday bumalik kami ulit sa hospital at nag stay ako nang 3 days para sa chemoteraphy ko..those 3 days is kinda hell...ganon ba talaga kapag dumadaan ka sa teraphy na yon sobra akong nanghina, sumuka ako nang sumuka noon at nahilo kaya naman akala ko hindi ko kakayanin....sabi pa nang doktor sooner or later maglalagasan na ang buhok ko..pero meron parin naman daw maliit na chance para hindi ako makalbo depende nalang daw yun sa magiging reaction nang cells na nagpapatubo sa buhok ko dun sa teraphies.

Ngayon medyo okay na ulit yung pakiramdam ko 

andito ako sa kwarto umiiyak mag isa....

sa harap nila mommy lagi akong nakangiti at ipinapakitang matatag ako...

Innocent MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon