_Chapter 9_
Tears(part 2)
[POV of ZYRYL]
narinig ko na tumutugtog yung piano, sa ganitong oras?? at sino naman kaya yun?
tsk...may multo ba sa bago naming bahay? istorbo naman sa pagtulog eh..
Malapit lang ako sa music room kaya dinig ko yun...sana kasi kung sino man yun nagsasara nang pinto para hindi nakaka istorbo soundproof naman ang music room eh.
*hhhiiiiiiikab*
pumunta ako sa music room...
pero nakita ko si blyx...
nasa labas sya at naka yuko lang at.....
at umiiyak, teka...
medyo sumilip ako sa may pinto kung sino yung tumutugtog, si tryxcy...umiiyak. Simula nang sabihin sa amin nang doctor yung posible na sakit nya at nung kinompirma na yun hindi man lang sya umiyak, pero ngayon...
Ngayon umiiyak sya.
[play nyo na po yung background music..instrumental again...para tugma sa scene...Kiss the rain played by sungha jung--my idol...]
Nilapitan ko si blyx ng naka cross arm, ano bang ginagawa nya dyan bakit naka tayo lang sya.
"hoy, tatayo ka lang ba dyan??" masungit kong sabi sa kanya..Napa angat naman yung ulo nya at tumingin sa akin na lumuluha.
Pero imbis na mag salita tumingin lang sya sa loob nang music room saka dahan dahang umupo mula sa kinatatayuan nya na nakasandal sa pader...yumuko ulit sya at sumambunot sa buhok nya ....
Papasok na sana ako nang pigilan nya ako..
"ate, ayaw nyang makita syang umiiyak" mahina nyang sabi nang hindi nakatingin sa akin.
"wala akong paki...kelangan nya ang kapatid" dumeretso na ako at dahan dahang nilapitan si tryxcy.
umupo ako sa tabi nya at halata sa muka nya ang pag ka gulat kaya agad syang nag punas nang luha nya at umayos nang upo...tsk too late dahil kanina pang may nanonood sayong umiyak...
"a-ate g-gising ka pa pala *sob*" tss hindi ba sya nahihirapan sa pag-pipigil nang luha nya...
"malamang oo diba..oh kaya pwedeng nag sleep walk lang ako, tsk" yumuko lang sya sa sinabi ko... "alam mo kung gusto mong umiyak..umiyak ka na" sabi ko sa kanya nang hindi sya tinitignan.
"o-kay lang ak-ako ate" okay daw pero halos ma maos na yung boses nya...bakit ba hindi nalang nya ipakita yung talagang nararamdaman nya...
"Cry" utos ko na parang isang reyna...
sa totoo lang ako ang nahihirapan sa pag papanggap ni tryxcy...nang kapatid ko..ang sakit eh, bakit nasa huli lagi ang pag sisisi bakit ngayon ko lang sya na-aapreciate bilang kapatid ko...sabihin nyo nang ang sama kong ate dahil yun naman ako talaga eh...kinain ako nang inggit at selos...ako lang ang prinsesa nuon sa pamilya namin pero simula nung dumating sya nawala na yung atensyon sa akin nila daddy at hiniling kong sana mawala nalang sya...
at ngayon,
ngayong maaari syang mawala...nag sisisi ako, ang sama ko...
ang sama kong kapatid,
ang sama kong ate...
"ah a-ate hehe..ma-tulog na tayo gab---" "SABI KO UMIYAK K-KHAA!!!" i'm so pathetic, i'm crying...
napakagat sya sa labi nya..pero halata parin ang pagpipigil nya dahil sa nanginginig na yung mata nya at parang gustong gusto nang tumulo nang mga luha doon...
"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo ha?!!! tama nang ako!! *sniff* tama nang ako yung nagpa hirap sayo nuon... " sinasabi kong umiyak sya pero ako yung umiiyak ngayon.
"ate..." yumuko sya *sniff* *sniff* "ate, a-ayoko pang ma-m-amatay *sob*" and now, she cries...tears fells down on her cheeks..
"EH BAKIT!!!? SINO BA MAY SABING MA-MAMATAY KA!!!" "Ate may cancer ako!!m-ma mamatay ako!" "Hindi ka ma-mamatay" bakit ba nya sinasabing mamamatay sya!! hindi pwede, hindi sya pwedeng mamatay *sniff* hindi ko pa sa kanya napaparamdam ang pagiging isang ate ko...yumuko ako habang patuloy ang pag hikbi at iyak naming dalawa...
"bakit?? *sniff* bakit ate...wala naman akong masamang nagawa diba?? bakit kelangan akong *sniff* parusahan nang Diyos?? mabait ako diba..ambait bait ko eh *sob* ...natatakot ako..." binubulong nya yung mga salitang yun habang umiiyak...ipinupunas nya yung likod nang palad nya sa mga mata nya na parang bata...
"...ikakasal pa ako..." dahan dahan kong ini-angat ang ulo ko at tumingin sa kanya nang naka ngiti..."ikaw ang made of honor ko diba..." nanginginig yung chin nya at yung mga mata nya...makikita ang tuwa at lungkot sa sinabi ko...
"p-pero ate pano kung wala na---"
"gusto kong nandun ka!! gusto ko ikaw ang magiging pangalawang maganda doon...ayokong mawala ang bunso namin sa kasal ko"
"ate.....ayoko, ayokong mawala...a-yyaaaw ko eh...ayoko" niyakap ko sya...tuloy tuloy ang pag iyak nya habang sinasabi yun...
Niyakap ko ang KAPATID KO...nakatagilid lang sya at yumakap din sa braso ko saka sumandal sa dibdib ko...
"tapos...pupunta ka rin sa binyag nung magiging baby namin diba...*sniff* " iyak lang sya nang iyak "a-kkho din, pupunta ako sa magiging ka--k-asal mo *kagat sa labi* *sniff*" alam kong mas mabigat ang nararamdaman ni tryxcy ngayon kesa sa akin... "a-at m-maglalaro pa yung magiging mga an-anak natin..." lalong humigpit yung yakap ni tryxcy sa braso ko...
"ayoko pang m-matay ate...*sniff sniff*" hindi ko pinansin yung sinabi nya at nagpatuloy ako.
"sa mga birthday nila andun tayo.." hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya "..at pag kinasal din sila dapat kumpleto tayo ha...m-masaya yun diba" gusto kong mangyari ang mga yun kahit mukang malabo na..
"promise me...promise me tryxcy na mangyayari ang mga yun..."
"..ate.."
"you have to promise me........please bunso"
"n-natatakot akkhoo..natatakot ako ate.." those words make me cry harder...
bakit hindi nya masabi?? isang salita lang naman diba...
Promise
yun lang...yun lang yung gusto kong marinig..
"ate natatakot akong mamatay..." hindi ko alam kung anong sasabihin, "ssshhhh, I'm here...I'm here bunso" yun lang..yun lang ang mga salitang nasabi ko, wala akong kayang gawin...
sino ba naman ako diba..isang masamang ate,
isang kapatid na hiniling dating mawala ang kapatid...
Sana ako nalang..
sana ako nalang ang nag karoon nang sakit na yun..
_______________________________________________________
Sorry po kung madrama...
vote & comment ^_^
BINABASA MO ANG
Innocent Move
HumorAng kwento ng pasaway at malokong si Tryxcy at ang kanyang runaway partner na si Xyrone.... Sa bawat pagtakbo ay natagpuan nila ang pag-ibig.. Pero paano nalang kung isa sa kanila ang mapagod? May magbago kaya sa nararamdaman nila o patuloy paring a...