Chapter 11 - His Feelings

93 5 4
                                    

AN: namiss nyo ba si xyxy?? hehe ayan pov na nya..kanyang kanya na ang chapter na ito...

_________________________________________________________________________________________

[POV of XYRONE]

"Xyrone!" napatingin ako sa kakapasok lang na si nina sa room... 

kasunod sa pag pasok nya ay sila ate vang na nakayuko lang at tahimik na lumapit sa akin.

"bakit?" naka upo ako sa upuan ni tryxcy ngayon, sobrang miss na miss ko na sya. Walang may alam kung nasan sya. bakit hindi man lang sya mag paramdam...

"ahm tungkol kay tryxcy.." bakas sa boses ni nina ang lungkot...nakaramdam ako bigla nang kaba..

"a-anong tungkol s-sa kanya..? ano? nagpakita na ba sya? san daw sya galing?.. asan sya?.." tumayo ako sa upuan...."tara, " isinabit ko na yung bag ko sa balikat ko, "tara puntahan na natin sya..." pero hindi sila umimik at naka titig ang sa akin...

"Ano ba kayo!, ano pang tinitingin tingin nyo dyan...tara na!! asan ba sya!" napatingin na sa akin yung iba naming classmate...nanginginig na ako..parang hindi ko gusto ang nangyayari..hindi ko gusto yung titig nila.

"s-sabi ko tara..." mahina kong sabi sa kanila, pinipigilan kong umiyak...sabihin nyo nang bakla pero MAhal ko si tryxcy. 

yumuko lang si nina tapos parang na iiyak na.

"ANO BA KAY----" "NAGDROP NA SI TRYXCY!!!!" sigaw sa akin ni ate vang "h-hindi na sya papasok..." duktong pa nya.

"hindi na natin m-makikita si tryxc---" agad ko ring pinutol ang sasabihin ni yasmien

"makikita pa natin sya" sabi ko habang naka yuko..

"pero xyrone hindi na sya dito papasok, hindi narin sya nakatira sa bahay nila tapos hindi na rin natin sya makokon--" "HAHANAPIN KO SYA!!!!" sigaw ko sa kanila at dinampot ang bag ko saka ako tumakbo palabas nang room...nanginginig na ako..bakit nya ginagawa to..

nabigla ko ba sya nang sabihin kong mahal ko sya..

bakit sya bigla nalang lumayo, 

anong dahilan...

Ayaw nya ba sa akin??

Bwis*t NASAAN BA SYA!!!!!!!!

alam kong pinag titinginan ako nang mga istudyanteng nakakasalubong ko pero wala akong pake elam sa kanila!..agad akong sumakay sa motor ko pag dating ko sa parking lot...hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang tumakbo...hahanapin ko sya!!!

naramdaman ko na nabasa ang pisngi ko..OO umiiyak ako at nasasaktan dahil wala sya ngayon...

2 weeks ko na syang hindi nakakasama at nakikita eh...mababaliw na ata ako...

binilisan ko ang patakbo ko nang motor..

             ~ HOY! MR. XYRONE DAHAN DAHAN NAMAN!!! ~ 

             ~ hahahaha..kumapit ka nalang nang mahigpit..baka matae ka na dyan eh..hahaha ~ 

             ~ ANSAMA MO!! pag ako namatay ngayon hindi na ako makakatae!! ~

parang naririnig ko ang boses ni tryxcy sa isip ko..yung unang beses na isinakay ko sya sa motor ko... *sniff* sana maramdaman ko ulit yung mahigpit na pagyakap nya sa bewang ko... 

Innocent MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon