Chapter Twelve

491 22 0
                                    

Althea's POV

"Ano kamusta? Ano ng real score mo kay Jade?"

Classic Batchi. Mga tanungan talaga nito minsan, ang sarap makasamid eh.

We're currently having early dinner here in Runner's Kitchen. 4 p.m pa lang, umalis na kami ni Batchi sa office para makapag-hangout naman kami kasama si Wila.

Madami-dami na ding tao dahil Friday ngayon at pagabi na din. Isa pa, every Friday din kasi, may naka-schedule na live band dito. Minsan UDD, Silent Sanctuary, PnE at ibang indie bands. Pero ngayong gabi, UDD ang naka-schedule kaya ngayon din kami nag-decide na magkita-kita. Paborito kasi naming tatlo ang bandang ito.

Noon, kumakanta-kanta din ako dito minsan kaya kilala ako ng mga loyal customers namin lalo na noong kami pa ni Cathlyn. Madalas, kasama kong tumugtog ang mainstay band dito. Kapag nandito kami ni Cathlyn, kahit walang schedule na band, kinakantahan ko pa din siya.

But I don't feel like singing anymore since she left me. Parang nawalan na din ako ng gana sa music after we broke up. It's like she took my passion away the moment she step out of my life and she still has it, up until now.

After three years, ngayon na lang ulit ako nakakain dito sa restaurant na isa ako sa mga nag mamay-ari. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay ginugol ko lahat ng oras ko sa preparation ng kasal ni Ms. Pearl.

"Baliw! Anong sinasabi mo jan? Friendship lang ang habol ko dun 'no!" Sagot ko sa kanya bago sumubo nitong Tahini Quinoa super bowl. Na miss ko din ang mga healthy food dito sa resto.

"Kaibigan? Mukha mo, tsong! Wag ako. Wag kami ni Wila."

"Parang hindi ka naman nasanay sa kaibigan mong 'yan, Batchi. In denial queen yan eh." Sagot naman ni Wila at nag-apir pa talaga.

"Akala ko ba early dinner 'to? Bakit parang naging Chika Minute yata?" I said to them sarcastically but both of them just laughed at me. Minsan talaga lakas maka-tag team ng dalawang 'to eh.

"Aminin na lang kasi, tsong. Lalong napaghahalataan eh."

"Aminin? Eh wala naman nga akong aaminin."

"Talaga? Di man magka-girlfriend for ten years?"

"Alam mo, Batchi, puro ka kalokohan. Ikaw sumagot ng pagkain mo ah." Sagot ko sa kanya at tinuro ang kinakain niyang Chicken Malunggay Pesto at isang Matipuno smoothie.

"Hoy tsong! Kasasabi mo lang kanina, libre mo 'to." Batchi answered while pointing her fork at me.

"O, eh di binabawi ko na." I mocked then gave her my signature smirk.

"Ay grabe. Nagpakilala siya. Nagpakita ng totoong kulay dahil lang sa pag-dedeny niya kay Jade."

"Kayo nga, tumigil na nga kayo. Ikaw Batchi, lakas mong maka-order, aasa ka lang pala sa libre." Wila rebutted then raise her well-maintained eyebrow.

Sa aming tatlo, siya yung prangka talaga magsalita. Kapag may gusto siyang sabihin sa'yo, hindi siya magdadalawang-isip na sabihin iyon. Kaya madalas din kaming mag-away nito dahil sa pagiging tactless nito minsan.

"Hoy Wila! Kanina lang magkakampi tayo ah. Anong nangyari sa frienship natin?"

"Naririndi na kasi yung tenga ko sa boses mo. Ang payatot mo pero para ka namang nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses mo." Seryosong sabi ni Wila habang hinihilot pa ang sintido. I can't help but to burst a hearty laugh dahil sa sinabi ni Wila.

Find Your WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon